Ellaine
Nasaan na ba si Tanya?! Miss ko na ang bruhang iyon noh! Text ko nga ulit
To Tan tan
Girl! Where are you na?! Your Kuya Kurt is very worried! Patay ka talaga sa akin pag balik mo! Luv U girl! xoxo
Sent!
"Oh Ellaine andiyan ba ang kuya mo?" Tanong ni Kurt ng pumasok siya sa bahay. Di lang man kumatok. -___-
"Tss. Di marunong kumatok Kurt? Andun sa kwarto niya logtu(tulog)!" sagot ko
"At least katok lang. Eh ikaw walang preno yang bibig mo sa bahay namin eh. Sige aakyat na ako dun ah" Aniya
"Nag paalam ka pa" bulong ko at umakyat na siya
Walang pang limang minuto bumaba ulit si Kurt
"Oh Anyare?!" tanong ko pag ka baba niya
"Tulog eh. Bati na ba kayo nun?" Tanong niya. Sana nga bati na kami! Pero hindi eh!
"Hindi eh. Ayaw niya ako kausapin edi wag!" Sabi ko
"Tss magkapatid talaga kayo. Masyado kayong ma pride. You should be the one to make the first move dahil ikaw naman ang mali eh. Sige alis na ako. Balitaan mo ako kay Tanya pag tumawag siya" Aniya at umalis na. May point siya
Ano naman ang gagawin ko?! Lumuhod sa harap niya?! Iyakan siya?! O mag sorry lang?
Hays wala kasi si Tanya eh. Siya lang makakatulong sa akin. Busy yung 2 sa lovelife nila.
Si Yannie nga patago eh. Ayaw kasi ni Nathan.
Tanya nasaan ka na ba?!
Biglang bumaba si Kuya Chris
"Si Kurt?" Tanong niya habang hindi nakatingin sa akin.
"Umalis na tulog ka pa daw kasi eh" naiilang kong sagot
Aakyat na ulit sana siya ng magsalita ako
"KUYA!" Sigaw ko. Lumingon siya sa akin
"Ako? Kuya mo?" Tanong niya. Dahil sa mababaw akong tao umiyak na ako
"Kuya sorry na kasi! Bati na tayo! Bad mood lang naman kasi ako nun eh. Kuya!" paghingi ko ng patawad.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Tss. Di talaga kita matiis" aniya at humiwalay sa yakap
"Syempre kuya, sa ganda kong to!" Sabi ko
"Mangarap ka! Pangit mo pag umiiyak!" pang aasar niya
"Hoy!" Sigaw ko. Tumakbo siya paakyat at hinabol ko naman siya
Hay! Finally bumalik na ang makulit at mapangasar kong kuya ;)
Tanya
(kriinngg)
Nagising ako sa ingay ng alarm ng phone ko. Pinatay ko ito at tinignan ang oras
5:00 a.m
Maaga pa pala. Tumingin ako sa fridge sa sala ng room ko. Shocks wala pala tong laman! Gutom na ako! Sarado pa ang mga kainan dito dahil madaling araw pa lang.
Natatakot naman akong lumabas dahil madilim pa. Gutom na gutom na ako!
Konting tiis na lang Tanya! Isang oras pa! Waah ang tagal nun. May dragon ba sa tiyan ko at sobra akong gutom. Ang dami ko na ngang nakain kahapon kasama si Nathan eh.
Mas gusto ko yung Nathan. Para sa Daddy niya yung tawag na Xander.
Grabe! Kahapon mas nakilala ko si Nathan. Akalain mo yun natapos ang isang araw na hindi kami nag aaway.
Medyo naging close kami. Nasabi ko sa kanyang yung problema ko. Nailabas ko rin yung lungkot ko.
Akalain mo yun nasabi ko sa kanya yung problema ko pero kay Zach na childhood friend ko hindi ko masabi.
Di ba nga I need time for myself? Pero bakit nag eenjoy akong kasama siya imbes na mag isip isip ako.
Naalala ko ang sinabi niya kagabi.
That Papa is not always beside me.
I think I should treasure every moment with him. Pero anong ginagawa ko ngayon? Sinasaktan ko siya at ipinagtatabuyan.
Matagal ko na siyang gustong bumalik. Pero ngayon tinataboy ko siya. Nasasaktan siya sa mga ginagawa ko.
Siguro kahit hindi ako nagkaroon ng Time for Myself, nakapag isip pa rin ako ng dapat kong gawin.
At lahat yun dahil Kay Nathan dahil sa tulong at pakikinig niya at--
Tumunog na ang tiyan ko. Gutom na talaga ako! Anong gagawin ko!
5:07 a.m palang!
Hay! Anong--
Alam ko na! Si Nathan!
Pero baka tulog pa yun eh! Try ko kaya? Katukin ko lang. Gutom na talaga ako eh
Lumabas ako at humakbang nag konti at nasa harap na ako ng room ni Nathan
tok tok
"Nathan?" katok ko. Walang sumagot. Isa pa, gutom na talaga ako eh
tok tok
"Nathan!" Sigaw ko. Para marinig niya ako. Walang pang isang minuto binuksan niya na ang pinto
Nag kakamot pa siya ng mata
"Oh Tanya? Bakit may nangyari ba ha?!" Tanong niya
"Ah hindi. May problema lang ako" sabi ko
"You mean you need a friend to listen?" aniya. Umiling ako
"Nope. What I need is.. ah"
"What?" Tanong niya
"Foods" sabi ko
"Foods? Gutom ka?" Tanong niya habang tumatawa
"Aish don't laugh at me! Yes I'm damn hungry!" Sabi ko
"Hahaha. Come in may konti akong pagkain sa fridge ko" Aniya
Pumasok na kami sa loob parehas lang kami ng design ng kwarto. Umupo ako sa table niya.
Inaantok pa ako. Gusto kong matulog pero nagugutom ako
"Eto oh" aniya at inabot sa akin ang isang plato na may 3 hotdogs at kanin.
"Thanks" sabi ko at kumain na
"Lalabas lang ako sandali. Bibili ako ng Ice cream. Hintayin mo na lang ako dito" aniya at lumabas na
Tinapos ko na ang pagkain ko. Umupo ako sa sofa niya at binuksan ang T.V niya. Hihintayin ko na lang siya dito.
Dahil sa inaantok ako nahiga ako at nakatulog
BINABASA MO ANG
The Five Bad Boys and Me
Fiksi RemajaThe Five Boys and Me (Completed) Tanya consider herself as a simple student even though she's the Valedictorian. Walang problema sa buhay kung hindi ang pag aaral at ang pang aasar sa kanya ng dakila niyang Kuya at ng famous at gwapo na si Nathan na...