Chapter 51: My Bad Boy
Tanya's Point of View
"Tanya, pinapatanong ni Nathan kung handa ka na daw ba para mamaya?" Tanong ni Kuya
"Oo, teka alam mo ba kung saan kami pupunta?" Tanong ko
"H-ha?! Hindi noh!" Sigaw niya
"Tss defensive ka! Halika na! Baka malate pa tayo!" Sigaw ko at papunta na sana sa c.r para maligo
"Hoy! Hindi ko nga kasi alam!" Sigaw ni Kuya
"Oo nalang ako!" Sigaw ko at naligo na
Nathan's Point of View
"Nathan! Dali na! Sama na kami ni Pia!" Sigaw ni Chris
"Ang kulit mo rin eh noh! Date namin yun ni Tanya okay?! At ayaw ko ng double date!" Sigaw ko
Hay! Simula ng dumating ako dito sa room ay kinulit na ako nito ni Chris na sumama sa date namin ni Tanya mamaya
"Dali na Nate--" hindi ko ma siya pinatapos sa pag sasalita
"Isa pa Esqueza! Makakatikim ka!" Sigaw ko
"Eto na nga! Mananahimik na po!" Aniya
Sa wakas!!!
Ilang minuto lang ay dumating na si Tanya at Tanda
Naupo na rin sila
"Nate saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong sa akin ni Tanya
"Basta! Suprise na yun!" Ani ko
"Sus! May nalalaman ka pang ganyan!" Asar niya
"By the way nabuksan mo na ba yung Pink card?" Tanong ko
Tanya's Point of View
"By the way nabuksan mo na ba yung Pink Card?" Tanong ni Nate
"Pink Card?" Tanong ko
"Yung kasama nung ibang card na binigay ko sayo" aniya
Ah! Yung nakalimutan kong buksan!
"Nakalimutan kong basahin eh! Ano bang nakasulat doon?" Tanong ko
"You'll find out. Bring the cards later okay?" Aniya
"Opo!" Sagot ko
Pumasok na rin sa room si Sir Michael
"Good Morning class!" Bati ni Sir
"Good Morning Sir!" Bati namin
"Kurt Mendoza" tawag ni Sir kay Kuya na nakikipag daldalan kay Chris
"Yes sir?" Tanong ni Kuya
"Ka lalaki mong tao ang daldaldal mo! Where's your project?" Tanong ni Sir
"Ito sir!" Sabi ni Kuya at ipinasa kay Sir ang project niya
"Aba! Himala tanda! Nag pasa ka!" Sigaw ni Chris na nakapag patawa sa amin pati sa iba naming kaklase
"Ikaw ba ang gumawa nito?" Tanong ni Sir
"H-ha?! Oo naman sir!" Sagot ni Kuya
Tss! Halos ako nga ang gumawa eh!
"Very good Kurt!" Sabi ni Sir
"Syempre sir! Ako pa!" Pag yayabang ni Kuya. Binatukan naman siya ni Ate Gretch
Nag review lang kami ng lessons
Nag labasan na kami ng nag bell na
"Tara na sa canteen!" Sigaw ni Chris. Hinawakan naman ni Nate ang kamay ko at pumunta na kami sa canteen
Pag dating namin dun ay umupo na kami sa tambayan nila
"JD! Saan pala mag aaral si Yana sa college?" Tanong ni Mark kay Jude
"She'll take the entrance exam here at SEU" Sabi ni Jude
"So dito siya mag aaral?" Tanong ni Chris
"Mag eentrance exam ba siya kung hindi?! Ang bopols mo talaga Christian Esqueza!" Sigaw ni Pia
Tinawanan namin silang dalawa
"Eh si Julienne?" Tanong ni Kuya Kurt kay Mark
"Babalik siya this week sa California para ayusin yung documents. Tapos pag balik niya, dito na siya sa Philippines mag aaral" sagot ni Mark
"Hay! Buti ka pa updated sa buhay ng best friend ko!" Sigaw ni Ate Gretch
''Malamang! Boyfriend niya yan eh!" Sigaw ni Kuya
"Hoy Kurt Mendoza! Sinisigawan mo ba ako?!" Sigaw ni Aye Gretch
"H-ha?! Hindi ah!" Sagot ni Kuya
"Under!" Sigaw ko at binelatan si Kuya
"Mag tigil ka Tanya! Palibhasa under si Nate sayo eh!" Sigaw ni Kuya
Hindi naman under si Nate sa akin ah?! Medyo lang naman di ba?
"Hoy Tanda! Lahat naman tayo under ah!" Sigaw ni Nathan
"Hoy hindi ako!" Sigaw ni Chris
Sus! Siya nga ang pinaka under sa kanilang lima eh!
"Hoy Christian Esqueza! May sinasabi ka?!" Sigaw ni Pia
"H-ha?! W-wala akong sinasabi noh! Jude may narinig ka bang sinabi ko? Diba wala?!" Sabi ni Chris
"Ay oo! May narinig ako! Sabi niya hindi daw siya under sayo Pia!" Sigaw ni Jude
"T*ngina! Traydor!" Sigaw ni Chris
Natawa kami
"Tanya" tawag ni Nate
"Wae?" Tanong ko [Why?]
"Alis na tayo" sabi niya
"Huh?! May klase pa ha!" Sabi ko
"Sinabihan ko na yung Principal. Na if he will not suspend the classes after lunch... Patay siya sa akin" aniya
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya
What do you expect?
Nathan Alexander Park will always be Nathan Alexander Park
Nathan Alexander Park a--
"Bad Boy" sabi ko. Ngumisi siya
My Bad Boy <3
BINABASA MO ANG
The Five Bad Boys and Me
Novela JuvenilThe Five Boys and Me (Completed) Tanya consider herself as a simple student even though she's the Valedictorian. Walang problema sa buhay kung hindi ang pag aaral at ang pang aasar sa kanya ng dakila niyang Kuya at ng famous at gwapo na si Nathan na...