Chapter 60: Russell

2.2K 65 0
                                    

Chapter 60: Russell

Tanya's Point of View

"Tanya, kumain ka na" umiling lang ako kay Mama

"Wala pa po akong gana ma" sabi ko at naupo sa sofa

"Anak, hindi naman pwedeng hindi ka kumain" umiling lang ulit ako

May nag doorbell. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na baka siya yung nag doorbell para bisitahin ako.

Pero ilang beses na akong nabigo

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung sino ang pumasok sa bahay. Nag patuloy nalang ako sa panunood

"ARAY!" Napasigaw ako dahil may bumatok sa akin. Nilingon ko siya. Aba! Ang kapal talaga ng mokong na to'

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya. He just smirked

"Ako, wala akong problema. Baka IKAW meron" napaiwas ako ng tingin

"Bakit ka ba nandito?"

"Wala, binibisita ang kaibigan ko" tinaasan ko siya ng kilay

"Huh? Kaibigan ba kita?" Sabi ko. Bigla naman siyang umarte na nasasaktan ang dibdib niya

"Grabe ka! Bakit ba ang hard mo sa akin? Ang bait bait ko na nga sayo eh!" Aniya. Tama naman siya eh. Ang bait bait niya sa akin.

"Tss ano ba kasing kailangan mo?" Tanong ko

"Ayaw mo daw kumain eh" aniya

"And so?" Tanong ko

"Anong and so?! Kakain ka!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kapal talaga nito oh!

"Bakit boss kita?! Sino ka para utusan ako ha?"

"Ako lang naman si Russell Tyler Buenaventura. Ang pinaka pogi sa angkan ng mga Buenaventura. Ano okay na?" Napa nganga ako sa sinabi niya. Kakaiba talaga ang lalaking to'

"Okay na!" Sabi ko.

"Okay. Kakain ka na! Tita Stella kakain na daw po si Impakta --este Tanya!" Sigaw niya sa kusina kung nasaan si Mama

Ano daw?! Impakta?!

Binatukan ko siya "Sinong impakta ha?!"

"Impakta? Sinong impakta?!" Painosente niya tanong ko

"Sabi mo impakta ako?!"

"Hindi ah! Ang ganda- ganda mo nga eh!" Natawa ako sa kanya.

"Mabuti nalang Russell at nandito ka. Napilit mong kumain si Tanya" sabi ni Mama at ipinaghanda ako-- kami ng pagkain

Kumain na ako

"Bakit kumakain ka din?" Tanong ko. Patay gutom ba to? Sunod-sunod ang subo eh

"Eh pinag handa ako ni Tita eh" aniya at nag patuloy sa pagkain. PG!

"Nasaan pala yung Kuya mo?"

"Paano mo nalaman na may Kuya ako?!" I exclaimed

"Huh?! Eh kaklase ko kayo eh" sabi niya. Oo nga naman! Pahiya ako dun ah "Pahiya konti, bukas bawi" tinignan ko siya ng masama

"Inaasar mo ba ako?!" Sigaw ko

"Ha?! Hindi ah! Kamusta pala Korea?" Nag taka ako sa tanong niya

"Paano mo nalaman na galing kami sa korea?!" Napatigil siya sa pagkain

"H-ha?" Nauutal niyang tanong

"Stalker ba kita?!" Sigaw ko. Nanlaki ang mata niya

"H-hoy hindi noh!" Sigaw niya

"Eh paano mo nalaman ha?!" Tanong ko

"Tinanong ko si Shawn kasi nga close siya sa inyo! Nacurious lang naman ako!" Sigaw niya

"Okay. Ang defensive mo. Crush mo ko noh?!" Asar ko sa kanya. Nanlaki ulit ang mata niya

"Ang kapal mo rin noh!" Sigaw niya

"Mas makapal ka!" Sigaw ko

"Oh Russell nandito ka pala" bati ni Papa kay Buenaventura ng makababa siya galing sa taas

"Opo, pinapakain ko kasi tong babaitang ito" aniya. Tinignan ko siya ng masama. Tumango lang si Papa at nag punta sa sala

"Teka, Russell pala pangalan mo"

"Kaklase mo hindi mo alam ang pangalan? Kakaiba ka talaga noh?!" Aniya

"Sorry naman. Alam mo naman na sila Ellaine lang ang kaibigan ko" sabi ko

"So ano, friends na tayo?" Tanong niya. Napangiti naman ako

"Friends" sabi ko

"Oh ayan TRM may bago kang kaibigan" aniya

"Oo--Teka anong TRM?!" Sabi ko

"TRM, Tanya Rose Mendoza" eh?!

"Sige, edi ang tawag ko sayo RTB?!"

"Ha! No thanks! Russell is fine!" Aniya. Daya!

"Unfair!" I said

"Ganun talaga ang buhay. Hindi palaging fair. There will always be fair and unfair"

Kurt's Point of View

Kakauwi ko lang galing kina Gretch. Kamusta na kaya si Tanya?

"Ma, si Tanya po? Kumain na po ba siya?" Tanong ko

"Oo kumain na siya. Nandun siya sa kwarto niya. Sayang hindi mo naabutan si Russell" Sino naman yun?

"Russell?"

"Oo siya yung naghatid kay Tanya kahapon galing sa kasal. Buti nga dumating siya eh. Kung hindi, baka hindi pa kumakain si Tanya" napatango nalang ako

Mukhang mabait yung Russell na yun ha.

"Kanina pa nga sila Tawa ng tawa eh" sabi ni Papa

Napapatawa niya si Tanya?! Aba! Mukhang mabait nga siya!

Umakyat ako sa kwarto niya

Hindi niya ako napansin dahil may kausap siya sa cellphone. Mukhang masaya siya

"Ang kapal talaga ng pag mumukha mo! Makakatikim ka sa akin Russell" natatawa niyang sabi sa kausap

Lumabas na ako sa kwarto niya at Pumunta sa kwarto ko

Buti nalang at may Russell na nandiyan para patawanin si Tanya

I owe that guy much....

The Five Bad Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon