Chapter 69: Be Ready, Nathan is Missing, Bad Boy Nathan

2.6K 66 0
                                    

Chapter 69: Be Ready, Nathan is Missing, Bad Boy Nathan

Chapter 69.1: Be Ready

Tanya's Point of View

Ang tagal naman ng training nila Kuya. Bakit kaya hindi umattend si Jude ng practice nila?

Bigla namang nag vibrate ang phone ko

From: Kuya Kurty
Tanya, I'll be there in 10 minutes

Hindi na ako nag reply. Hihintayin ko nalang siya dito.

6:00 na rin pala. Buti maaga natapos ang training nila, nung isang araw kasi umabot hanngang 8:30. Kaya nga kasama ko si Nathan sa bahay hanggang 8:30 nun eh!

Hay! Naalala ko na naman yung...yung ano...Kiss...

"Tanya?" Nabalik ako sa wisyo ng may tumawag sa pangalan ko. Huh?

"Jude? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Ah magkakape lang ako. Pwede bang makiupo? Wala na kasing available table eh" Oo nga, puno na nga ang cafe.

"Oo naman" at naupo nga siya sa harap ko.

Parang dati, si Jude ang gusto ko. Siya yung napapanaginipan ko. Hay! Pero gusto ko lang siya, at dati pa yun. Dahil ngayon si Nathan ang mahal ko. Kahit sinaktan niya ako, hindi ko pa rin maggawa na hindi siya mahalin.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya

"Hinihintay ko si Kuya. Galing sa training. By the way, bakit hindi ka umattend ng training niyo?" Tanong ko

"Ah wala. May kailangan lang akong puntahan" sagot niya "Tanya, pwedeng mag tanong?"

"Huh? Sige"

"Mahal mo pa ba si Nathan?" Tanong niya.

"H-ha? Sa ngayon, Oo mahal ko pa rin siya" sagot ko

"Okay. Anong gagawin mo kung gusto ka niyang balikan?" Nagulat ako sa tanong niya

"Hindi ko alam" sagot ko at napayuko

"Tanya, sana maintindihan mo. Biktima lang kami, biktima lang si Nathan" naguguluhan ako sa sinabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin?

"Jude, ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko. Tumayo na siya at tumingin sa akin

"You'll know soon Tanya. Be ready" aniya at umalis na.

Umalis siya ng hindi ko man lang naintindihan ang pinag sasabi niya. Akala ko ba magkakape siya?

"Hoy Tanya Rose!" Nabalik ako sa wisyo ng may sumigaw. Kuya.

"H-ha? Ano yun?"

"Sabi ko uwi na tayo. Tulala ka pa diyan eh!" Aniya. Tumayo na ako at umalis na kami

****
Kakarating lang namin ni Kuya sa bahay. Sila Mama at Papa wala pa rin. Business trip.

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa sinabi ni Jude. Pero pakiramdam ko, importante iyon.

Pumunta ako sa kwarto ni Kuya. Nasa baba siya, naglalaro ng xbox. Hinanap ko kung nasaan ang cellphone niya. Kinuha ko ang number ni Jude. Pagtapos kong kunin ang number ni Jude ay bumalik na ako sa kwarto ko. I dialed his number

["Hello?"]

"Hello Jude, si Tanya to"

["Oh Tanya bakit?"]

The Five Bad Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon