I - Pagpapalaya Sa Sarili

780 38 4
                                    

Kabanata I: Pagpapalaya Sa Sarili
Assylum's P.O.V
***

"Ma'am?"
Sambit ng isa sa mga istudyante ko na siyang naging dahilan nang pagbalik sa aking sarili. Naalala ko kaagad na pinapabahagi ko pala sila tungkol sa mga karanasan nila sa buhay. Kahit negatibo or positibo man ang mga ito na nagbigay ng malaking impluwesiya sa kung ano man sila ngayon.

"Ma'am, tapos na po kami lahat magbahagi ng mga karanasan ng past experiences namin", dagdag pa nila.

"Oh, that fast?" Tanong ko sa kanila na kunwaring nakinig sa kwento ng buhay nila. Pero nakikinig naman ako kanina, ewan ko ba nawawala na naman ako sa aking sarili. Wari'y hinihila na naman ako ng mga nangyari sa nakaraan.

"Opo ma'am, tapos na kami lahat. Kaya naman tulad nang iyong pinangako— kailangan mo ring magbahagi sa amin ng inyong kwento". Sagot ng isa sa mga istudyante ko, isa sa pinakamakulit.

"Oo nga ma'am, bilis! Excited na kami", dagdag pa nila.  Halatang nanabik, kung alam lang nila kung gaano ka panglaw ang aking nakaraan. Huminga muna ako ng malalim upang makahugot ng lakas ng loob upang makapagkwento, upang balikan ang nakaraan ko.

"Okay, parang wala naman akong mapagpipilian". Bumitaw ako nang mabigat na ngiti.

"Ma'am, iyong tungkol sa pamilya mo", nangibabaw ang boses na iyon.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng lungkot sa aking puso. Iyong mga pilit kong ngiti ay biglang naglaho.

Pero.. Parte ito nang pagiging guro ko. Para saan pang nagtuturo ako kung hindi naman ako nagbabahagi ng mga aral mula sa buhay ko.

"Pamilya? Hmm.. sige".  Tumayo ako mula sa kinauupuan at pumwesto sa gitna. Bigla naman silang napatahimik na parang may anghel na biglang dumaan.

"Actually, wala na akong masyadong maalala sa mga signifant events na involve ang family ko. Maaga silang binawi sa akin. 10 yrs old ako noong namatay si mama kaya naman si papa nalang ang naghirap upang mabuhay kaming magkakapatid. Lima kami at sa lima ako ang bunso".

Tumahimik ang lahat. Makikita sa kanilang mga mukha ang kalungkutan. Ang malaking katanungan kung bakit ganoon ang napili kong ikwento sa kanila.

Isang malaking pagkakamali itong lumalabas sa bibig ko. Mukhang kailangan kong bawiin ang mga nasabi ko.

Nag-isip ako nang maaring pamawi.

"Syempre, sa lima na iyon, hindi kami nagkakasundong magkakapatid. Laging nag-aaway. Parang wrestling sa bahay araw-araw. Mga kuya ko naging palaboy, hindi na umuuwi ng bahay. Kung saan-saan na lang nadadatnan ng gabi. Ako naman sa bahay lang lagi kasama si ate". Napakunot ang noo ko sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Ang sabi ko masasayang alala ngunit malungkot pa rin ang mga mukha nila.

Oo nga pala.. Kahit anong isip ko ng mga masasaya— wala akong maalala. Dahil wala naman talaga! Walang masasayang nangyari sa buhay ko noon.

Mas mabuti pang manahimik. Tumigil na ako. Halata namang nakulangan sila.

"tapos??", tanong nila.

Bigla akong nataranta sa mga narinig ko mula sa kanila. Kaya bigla akong nakapagsalita. "Tapos ayon, bigla nalang hindi naging okey ang lahat".
Parang gusto ko nang umiyak. Naalala ko ang kirot nang maranasan ko ang mga panahon na iyon.

"Ay! Ang daya ni ma'am", reklamo pa ng iba.

Kunware wala akong naririnig, hindi ako pwedeng maging emosyonal sa harap ninyo. Para saan pang nanging guro ako.

"So, may tanong pa ba kayo? Iyong ibang aspeto naman maliban sa pamilya", nilakasan ko ang aking loob upang makipasabayan sa kanila.

Mayroong tumayo upang magtanong, "Ma'am, 'di ba sabi mo sa bahay ka lang lagi. Hindi ka po ba nagkaroon ng kaibigan o nagkaroon ng ibang kalaro bukod sa ate mo?"

Nagulat at nalungkot ako bigla sa tanong niya. Hindi ko napansing nasagot ko pala  ito. Kusang sumagot ang aking bibig kasabay ng puso.

"Meron".

Nanlaki ang aking mga mata, tinatraydor ako ng bibig ko. Bigla kong binawi ang mga nabitawan kong salita. "Pe-pero mahabang kwento!"

Bigla silang nanghinayang, "Ang daya mo talaga ma'am, dali na".

Pinilit ko nalang ang sarili kong humalakhak, para kahit papaano maitatago ang lungkot at sakit dito sa puso ko.

"Bahala kayo riyan. Time na", biro ko pa.

Sakto namang oras na nga nang tiningnan ko ang relo, swerte ko naman..

Tumigil na sila sa pamimilit, nagligpit. Ganoon din naman ang ginawa ko.

Last subject ko na pala kaya naman napagdesisyunan kong umuwi na rin.

Dumiretso na ako sa kotse kung saan man ito naka-parking.

"Assy..."
Isang tinig na sumabay sa paghaplos ng hangin sa akin.

Napaligon agad ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon. Datapwat kinilabutan ako dahil wala namang tao sa paligid. Napayapos ako sa aking sarili nang mapansin ko ang malamig na haplos ng hangin. Napakabanayad.

Napabuntong hininga nalang ako. Maaring guniguni ko lang iyon. Tsk, pambihira!

Pumasok na ako sa kotse.
Pinaharurot ko na yung sasakyan ko at tuluyan ng umalis. Medyo malayo pa kasi mula rito ang apartment ko.

Hindi ako mapakalma dahil sa gulo ng mga nasa isipan ko. Mukhang hindi talaga ako pinapalagpas ng mga nakaraan.

Idagdag pa ang nakakabinging katahimikan.

Nakakapangilabot, pakiramdam ko'y mayroong yumayakap sa akin dahil kay bigat kumilos.

Naisipan kong patugtugin ang radyo ng sasakyan ko.

Pinatugtog ko iyong radyo, kinalabutan naman ako sa current play nito.
"Seriously? Sa lahat ng pwedeng ipatugtog ito pa talaga?" I check my watch and it is 6:30 pm already.

Abala ako sa pagmamaneho nang bigla akong nakaramdam ng pangilabot sa batok ko. Pagtingin ko sa salamin upang makita sa likuran, halos takasan ako ng aking kaluluwa. Tila ba'y nagsitayuan ang mga balahibong naninirahan sa balat ko. Sandaling napatigil ang aking paghinga— parang tumigil din ang mundo pansamantala. Isang babae ang nakita ko. Duguan ang kanyang mukha at halata na naaagnas na ang balat. Nakatitig ito sakin na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya sinlaki ng mga titig niya.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Maaring stress lang ito kaya ako nakakakita ng kung ano-ano. Paano namang magkakaroon ng nilalang sa backseat? Ako lang naman mag-isa rito.

Huminga ako ng malalim kasabay ng pagbitaw ng buntong hininga. Siguro pagmulat ko, wala na.

Muntikan ko nang makalimutan na ako'y nagmamaneho pala. Kagyat akong tumingin sa daang dinaraanan.

Pilit inuutos ng isip ko na guniguni ko lang talaga iyon. Ngunit, nais ng puso kong makasiguro.

Dala ng sukdulang kaba, lumingon na talaga ako sa likod ko. At tama nga ang utos ng isip ko, walang tao. Wala iyong nilalang na iyon. Stress lang talaga ako.

Kathang-isip lamang ang lahat. Ibinalik ko na iyong tingin ko sa pagmamaneho nang may biglang boses mula sa tagiliran ko ang nagsabing, "kumusta kana?"

Sa aking paglingon, hindi ko mawari ang magiging reaksyon. Nakita ko ang kaniyang mga mata. Muling akong pinapaalala sa mga matang nagmamakaawa. Mga matang puno ng kalungkutan at poot. Matang nagtatanong kung bakit kay hirap ng buhay. Mga matang naghahanap ng masisi sa mga nangyari sa kaniyang buhay.

Kahit pa naagnas ang kaniyang mukha, malinaw ang kaniyang mga labing napakalapad ng ngiti.
Isang mapanuksong ngiti, taliwas sa kaniyang mga mata.

Tsaka ko napagtanto ang nakikita, namuo ang isang kongkluson sa aking isipan.

Napasigaw ako ng ubod ng lakas, napakalakas. Hindi ko na binaling iyong tingin sa pagmamaneho. Kaya naman narinig ko nalang ang bosena ng sasakyang aking kabangga..

The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon