Prologo
Assylum's P.O.V
***"Lumayo ka sa akin!"
"Sino ka?! Sagutin mo ako! Bakit mo ako tinitingnan?! Ha? Bakit?! HAHHAHAHA sshh— hahaha!!"Tumatawa ito ng wala sa sarili at umuungol habang umiiyak na parang mayroong dinaramdam na sakit. Isang matinding pighating hindi mawari kung bakit ito nangingibabaw.
Paulit-ulit lang ang kaniyang mga sinasabi. Magwawala subalit biglang matatakot at magmamakaawa.
"A-Ayoko!! Maawa ka! Huwag ninyo akong saktan!" Tila nauutal niyang paki-usap. Umiiyak siyang nagmamakaawa sa aming nakatingin sa kanya.
Lumuhod siya papalapit at nagmamakaawang tulungan. Subalit tatawa na naman at magagalit. Ang kaniyang mga titig ay parang nanunumbat. Ngunit hindi matukoy kung para kanino.
Hindi ko napansing patuloy pala sa pag-agos ang aking mga luha, habang minamasdan ang kaibigan kong si Luna na nagwawala sa sulok ng silda.
Hindi ko maipaliwanag kung paano ko bibigyang kahulugan ang kanyang mukha. Puno ito ng galit subalit may lungkot sa kanyang mga mata na tila may ibig siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi.
Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan, makita siyang nahihirapan. Ngunit kahit anong pilit ko, wala akong magawa para tulungan siya.
Pinunasan ko mga luhang malayang dumadaloy mula sa aking mga mata. Pagod na akong umiyak— puwedeng magpahinga naman?
"Kanino pa ba ako manghihingi ng lakas ng loob para magpatuloy sa buhay?" Tuluyan na nga akong humagulgol kaya nagmadali akong umalis sa papailayo upang mapag-isa.
Mabilis akong tumatakbo hanggang sa umabot sa may malaking bato at doon umupo para mailabas itong poot at galit na naninirahan dito sa puso ko.
Malinaw at naririnig ko pa rin mula rito ang mga sigaw ni Luna mula sa loob.
Sumandal ako sa puno at malayang naupo sa malaking bato. Hindi ko namalayang iyon pala ang magiging sanhi ng pagkatulog ko. Ilang gabi na rin kasi akong hindi natutulog.
Mga ilang sandali..
Nagising ako dahil sa boses na tumatawag sa akin, ramdam ko ang galak ng taong tumatawag ng pangalan ko.
"Assy.. Gumising ka na. Halika— umalis na tayo rito."
Sa aking pagdilat,
isang babaeng nakangiti ang bumungad sa aking paningin. Duguan ang kaniyang buong katawan. Bakas pa ang mga dugo sa hinahawakang talim."Lu--" Kagyat akong tumayo "--na?! Anong ginagawa mo, paano ka nakalabas doon?" Kahit nanginginig ang kalamnan ko pinilit ko pa ring humakbang papailayo sa kanya. Kahit marahan na lamang.
Ngumiti siya ng kay malapad at kasabay no'n ang pagdilat ng ubod ng laki ng kanyang mga mata. Tila luluwa na ang mga ito. Direkta siyang nakatitig sa akin. Hindi ito ang kilala kong Luna.
"Assy, halika na. Sumabay ka sa kin. Tayong dalawa naman hindi ba? Hanggang kamatayan..?" Nakangiti pa rin siya sa akin ng nakakaloko. Kinikilabutan ako sa mga tinig niya.
"Hi-hindi!!" Akmang tatakbo na ako papailayo sa kanya pero nauna siyang hilahin ang buhok ko.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil sa takot sumigaw ako ng malakas sa abot ng aking makakaya. "Tulong! Tulungan ninyo ako!!" Ang sakit nang pagkahawak niya at mas lalo pa niya itong diniinan.
Hindi pa rin ako tumigil sa pagsigaw kahit pa mamaos ako, okey lang. Hanggang sa makarinig ako ng isang putok.
Oo, putok ng baril.Nabibingi ako— napakaraming dugong tumalsik sa akin. Napapikit ako sanhi ng matinding takot.
Ito na ba ang katapusan ko?Teka, bakit wala naman akong nararamdamang sakit?
Idinilat ko muli ang aking mga mata at nasilayan ko si Luna, mahigpit na kumapit sa akin.Nahihirapan na siya at todo parin ang pamamaril sa kaniya. Kasabay no'n ang kaniyang marahang pag-usog dahil epekto nang pamamaril... Dahil nasasaktan siya. Pinapatay nila si Luna.
Pero kahit na pinagbabaril siya, nakangiti pa rin itong nakatitig sa mga mata ko.
"Assy, sumama ka sa akin." Yumuyurak na siya ng dugo pero malinaw pa rin ang kaniyang mabigat na ngiti.Natakot ako;
Kinikilabutan ako!Itinulak ko siya papailayo sa akin habang nagsisigaw. "Lumayo ka sa akin. Tama na!"
Ilang bala pa ng baril ang tumama sa kanya bago siya tinigilan ng mga pulis.
Napaupo ako habang tinatakpan ang tainga habang umiiyak. Hindi ko mapigilan— ang mga luhang kanina pa malayang dumadaloy sa aking mukha.
"Tama na, itigil ninyo ito. Tama na!!" Isang sigaw na nagmumula sa kinailaliman ng puso ko. Isang sigaw ng pagod. Oo, pagod na pagod na ako!
Lumapit sila sa akin at inalalayan akong tumayo. Ang iba naman sinigurado munang wala na talagang buhay si Luna.
Inalalayan nila akong maglakad. Bago pa ako makahakbang, lumingon ako sa kinaruruonan ni Luna.
Nakita ko siyang dilat na dilat pa rin ang mga matang nakatitig sa akin. Kasama ang kanyang kamay na pilit na inaabot patungo sa direksyon ko. Naaninaw ko rin ang luha sa kanyang mga mata. Namatay siyang pilit akong inaabot..
Tuluyan na kaming lumayo.
Paalam Luna.
Paalam mahal kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Psychopath
KorkuPaano kung ang nakaraang pilit mong kinakalimutan ay biglang magbabalik? Hindi para ika'y kamustahin, kundi para ikaw ay singilin? Paano kung hindi mo ito kayang bayaran? Paano mo ito....matatakasan? "Silence is the most powerful scream" -Anonymous...