A/N: Sensya guys ngayon lang ako mag-iiba ng taga kwento xD sawa na ba kayo kay Assylum? XD puro ka o.a'han lang ng buhay niya eh.
Dito naman tayo sa mas o.a pa xD haaha joke lang.Thankyou sa mga bumasa..
Comment naman kayo if gusto nio ng improvement. Libre lait wag lang sagad ._. IT'sss HURTss Yu-No! xD
~~Gin's Point of View**
It's been a week since di ko ma contact si Assylum.. Naka locked din yung gate at bahay nila.Nag-aalala ako kung ano na nagyari sa kanya.
Pati si Maria at kapatid nito pinaghahanap na.
Kasama ko mga kapulisan ngayon para halub-lubin ang bahay nila Assy.. Kahit wala man kaming makitang impormasyon atleast baka may mapala pa kami..
Di ko alam kung nasaan sila Assylum after inilibing ng foster mother niya a week ago.
When she said she don't want me to see no more. Dahil di daw ako naniniwala sa kanya.. Kahit nga mahirap para sa aking paniwalaan ang lahat mas pinili ko pa ding paniwalaan siya.
Sinisira na ng mga kapulisan ang pinto at bintana ng bahay para makapasok.
Pumasok din naman ako para makasaksi sa lahat ng pangyayari..
Ang baho dito sa loob parang baho ng naagnas na daga x2 x2 .
Dahan dahan kaming umakyat sa taas habang ang iba nilibot ang iba para suriin.
Ang baho talaga dito sa loob amoy palang pinapatay kana..
Tumungo kami sa isang kwarto pero walang tao ngunit napaka gulo ng mga gamit.
Sinubukan naming buksan ang isa pang kwarto at dun bumungad sa harap namin ng bangkay ng isang lalaki nakabitay sa pintuan habang inaagnas at inuuod na.
Nagulat kaming lahat nung nasaksihan yun. Napamura naman ako aa gulat pero di ko maalis ang pag-aalala kina Assy at sa kapatid niya.. What if napasukan sila..
Agad inasikaso ng mga pulis ang katawan ng lalaking nakabitay sa pintuan at nakilala itong bilang kapatid ni Maria. Ang kasama niyang nawala.
Halos mabawian ako ng hininga sa baho dito.. Nagpatuloy kami at napansin namin ang natutulog sa kami.. Naka saklob ito ng kumot. Sa pag hila ng kumot napa atras ako nung makita si Maria at Gwen na naagnas na at inuuod..
Ang la-laki ng mga uod na yun..
Napatulo na luha ko..Natatakot akong makita din si Assy na naagnas katulad nila.
Ayokong tanggapin. Masakit.
Kunuha nila ang bangkay.. Tumatalon pa mga uod nito..
May biglang nagsisigaw na pulis habang sinasaksak ito ng isang babae mula sa likoran..
Habang sumisigaw ng..
"Anong ginagawa niyo sa bahay namin? Bakit niyo pinakialaman mga mahal ko??" Nagwawala ito.. Nang mamukhaan ko..Di ako makatayo..
Ang sakit..Nahihirapan akong tanggapin..
Ang babaeng mahal na mahal ko parin hanggang ngayon..
Si Assylum.. Nagwawala na parang wala sa sarili..napaka lakas nito kahit apat na pulis ang umawat sa kanya ay nagawa niyang lusutan.. Tumungo siya sakin..
Hinaplos niya mga pisnge ko gamit ang duguan niyang kamay..
Tumutulo ang mga luha kong nakatitig sa kanya..
Napaluha din siya..
Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan at galit sa mga mukha niya..
Hanggang sa itinaas niya ang kanang kamay nya na may hawak ng kutsilyo..matulis na kutsilyo at kumikinang pa..
Sasaksakin niya ako at papatayin kagaya ng ginawa niya sa mga pulis, kagaya ng ginawa ng kaibigan niyang si Luna..
Wala akong magawa kundi ang hayaan siya..
Okay lang sakin ang mamatay sa mga kamay niya.. Kung iyon ang kapalit ng kasiyahan niya.
Araw araw siyang nagdudusa pero wala man lang akong magawa para pasahin siya.. Kahit simpleng ngiti di ko pa nagawa sa kanya ..
Tinitigan ko lang siya..
Nang akmang sasaksakin na niya ako..Bigla siyang natumba sanhi ng pagbaril sa kanya..
Tumalsik sa akin ang mga dugo.
"Asssyyy!!!!"
Niyayakap ko siya ng mahigpit..
BINABASA MO ANG
The Psychopath
TerrorPaano kung ang nakaraang pilit mong kinakalimutan ay biglang magbabalik? Hindi para ika'y kamustahin, kundi para ikaw ay singilin? Paano kung hindi mo ito kayang bayaran? Paano mo ito....matatakasan? "Silence is the most powerful scream" -Anonymous...