Kabanata IV: Malamlam Na Hikbi
Assylum's P.O.V
***
Minsan sa ating buhay, magigising nalang tayo marami nang nagbago. Siguro dahil ito'y dinamiko, may madaragdag, mayroon ding mawawala. Pero hindi sapat na dahilan iyon upang tanggapin ko ang pagkawala ni Tita. Napakahirap, pakiramdam ko binabalik ako sa aking mga nakaraan. Wala ba talaga akong karapatang sumaya? Bakit ba pilit itong ipinagkakait sa akin?Niyayakap ko na lang si Gwen habang siya'y umiiyak.
"Ate Assy, hindi ko na kaya. Hindi ako naniniwalang nagpakamatay si mama", sambit niya. Sobrang dinurog ang puso ko. Pakiramdam ko'y pinipiga ito upang makuha ang mga dugong makikita mula rito.
Isip ko ay gulong-gulo, hindi na rin ako makatulog sa kakaisip. Ano na bang nangyayari? Akala ko ba magiging masaya na ako pero bakit hindi? Bakit ba kay hirap ibigay sa akin iyon? Ganoon ba ako kasamang nilalang?
Pinaharap ko si Gwen sa akin at pinunasan ang mga mata niyang kanina pa umiiyak. Kawawang bata, wala naman sana siyang kasalanan pero bakit nadadamay?
"Shh, it's okay dear. Tumahan kana, sshh". Habang hinahaplos ko na rin ang itim at kaniyang mahabang buhok.
Kinuha niya ang aking kamay na humahaplos sa maganda niyang buhok, "Ate, paano na ako? Tayo?" Sumagot ako sa mga yakap niya at bumulong, "Don't worry Gwen, hindi naman kita pababayaan kaya tumahan kana. Nandito lang ako't handang damayan ka".
Habang tinatakpan nila ng lupa ang kabaong ni Tita Kath parang gusto ko silang pigilin.
Gusto kong pagalitan sila kung bakit nila ginagawa iyon. Bakit nila nililibing ang pinakamahal kong tao. Gayong hindi pa naman sana oras para mawala siya.
Napakarami pa naming mga pangarap.
Naalala ko ang kaniyang mga yakap, no'ng panahong walang gustong tumulong sa akin. Napakabuti niyang tao, pinili niyang tulungan ako kahit pa iwan siya ng kaniyang asawa.
Naalala ko pa kung paano niya punasan ang mga luhang nagpapatakan mula sa aking mga mata. Kung paano niya ibulong sa akin na magiging maayos din ang lahat, siya ang bahala sa akin. Aampunin niya ako at papaaralin, magiging masayang pamilya kami kasama ang kaniyang limang taong anak na si Gwen.
Si Tita ang naging gabay ko sa lahat ng pagkakataon. Siya ang nagsilbing aking liwanag upang makaalis sa madilim kong mundo, sa madilim kong nakaraan.
Pinahid ko ang aking mga luha at huminga ng malalim, upang makakuha ng lakas ng loob na humarap sa mga taong lumalapit sa amin.
Isa-isa silang lumapit sa amin ni Gwen at kasabay noon ang kanilang sinasabing, "Condolence".
Nandito rin mga kapwa ko teacher. Nakikiramay sila sa akin.
Pakiramdam ko, napakabigat ng mga balikat ko. Kaya napapikit na lang ako at tumango-tango sa kanila.
Naramdaman ko na lang ang isang mainit na kamay na tumapik sa aking balikat, si Maria pala ito.
"Friend, nakikiramay ako sa inyo. Huwag kang mag-alala, nandito lang kami". Niyakap niya ako nang mahigpit.
Dinarama ko lang ang kaniyang mainit na yakap, "Salamat friend". At bumitaw ako ng isang sapilitang ngiti.
"Ayos lang iyan ha, pagsubok lang ito sa buhay. Maniwala lang tayo sa kaniya". Tsaka niya tinuro ang langit. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya.
Walang Diyos..
"Assy!", sambit sa akin ni Gin agad naman itong inagaw ang aking atensyon.
Tumango ako bilang sagot sa kaniyang pagtawag at naglalakad naman siya papalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
The Psychopath
TerrorPaano kung ang nakaraang pilit mong kinakalimutan ay biglang magbabalik? Hindi para ika'y kamustahin, kundi para ikaw ay singilin? Paano kung hindi mo ito kayang bayaran? Paano mo ito....matatakasan? "Silence is the most powerful scream" -Anonymous...