"Hoy Jigs! Natutulala ka na naman!" tawag sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan habang nagtatawanan.
"Bakit?" sagot ko
"Nagde-daydream ka na naman ba? Hahaha, tirik na tirik ang araw oh!" tanong ni Cloe kay Jigs na nanatiling nakaupo sa sulok ng silid-aralan.
Ako si Jigs, 15 years old. Weird, tahimik, jologs, panget at iba pa. Madami akong characteristics na walang may gustong magkaroon. Pero, wala akong pakialam 'dun, ang akin lang, basta pumapasok ako at nakakakuha ng mataas na marka, ayos na. No more, no less. May kaibigan din naman ako, kaso dahil nga sa kakaiba ako, mas madaming ayaw sumama sa akin at wala naman akong pakialam. Nagsimula lang mag-iba ang pananaw ko simula nang makilala ko siya. Si Martin. Ang complete opposite ko. Makulit, pala-kaibigan, magaling manamit, gwapings, etc. Bakit? Yun ay hindi ko din alam. Gusto ko siyang maging kaibigan. Madami akong naisip na paraan at isa dun ay successful naman. 'Yun nga lang, pinaka-nakakahiya.
*First Day ng Klase*
"Maris, pahiram naman ng cellphone mo, pa-fb ako" sabay upo ko sa may harapang silya malapit sa pinto ng classroom namin.
"oh, eto Jigs, log-out mo na lang yung sakin ha" sagot niya
"ayoko nga, sayo na lang gagamitin ko! Kaya nga ako humiram diba, para buksan yung saken. Hahaha" pabiro kong sagot.
"Aba Jigs, may alam ka din palang kalokohan ha. Ituloy mo lang yan". Ako, tingin at ngiti lang tapos tingin na sa phone.
"Guys! Attention please!"
"Ano ba naman 'yan, istorbo oh!" sabi ko sa sarili ko habang inis na inis na tinungo ang tingin sa taong nasa unahan.
"May bago po kayong magiging kaklase. Siya po si Martin Fabregas, ahead po sya sa inyo nang isang taon dahil tumigil siya nung isang taon at ngayon pumasok na ulet,.." sabay tungo sa pinto para buksan ito.
"Obvious naman diba?" pabulong kong sinabi habang hinihintay ang istorbong lalaking ito na buksan ang pinto at tuluyan nang maipakilala ang bago naming kaklase.
"Heto na po siya!" sabay pasok nitong lalaki
"Parang may kakaiba sa kaniya, pakiramdam ko. Pero di ko maisip kung ano. Hala, wala akong panahon para mag-isip ng mga bagay na ganyan. Oo na, may kakaiba sa kanya. Para siyang luko-luko!" pakikipag-usap ko sa sarili ko sabay tungo ulit sa phone na hawak ko para balikan ang FB nang....
"hello po" si Martin, inaabot yung kamay niya sa akin. Ako naman, parang tanga, nag-isip muna ako syempre. May kakaiba nga talaga sa kaniya, iniisip ko, at biglang abot naman ng kamay ko sa kanya.
Ang init nang kamay niya, di siya malambot gaya ng inaasahan at kita kong may kalyo pa sa mga daliri. "Mukhang nag-gigitara tong mokong na 'to, pero ano yung nararamdaman ko?" sabi ko sa sarili ko. Ilang Segundo pang nagtagal ang pagkakahawak nang mga kamay namin at isang matamis na ngiti ang kanyang pinakita sa akin. Natigilan ako, anong dapat kong isagot sa kanya eh hindi naman kami magkakilala pa. Tumango na lamang ako sa kanya at sabay bitaw sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
Forever with You(BoyXBoy/M2M)
RomanceHi! Sa mga makakabasa po nito, ito po yung kauna-unahan kong story na sinulat. Kung ano man pong technicalities (typographic errors, grammar o kahit ano man po) ay sana po ay inyong intindihin na lamang. Sana po ay magustuhan nyo po ang story na ito...