"ha, bakit?" matamlay kong sagot
"ganto kasi,.. Tutal, konti lang tayong mga lalaki dito at sa tingin ko e ikaw lang makaka-close ko dito..."
"teka, teka martin, ideretcho mo nga, ano ba yun?" sagot kong medyo nakakahinga na nang malalim
"pwede ga kitang hingan ng pabor? Nakita ko kasing nagkakausap din kayo nung si Leslie...." sabay punas sa namuong butil butil na pawis sa kanyang noo
"parang alam ko na patutunguhan ng usapang ito ah" sabi ko sa aking sarili
"jiggs?" banggit nya
"ge, tuloy lang, tapos?" di ko pinapahalatang alam ko na ang gusto nyang sabihin
"pwede gang tulungan mo kong makilala siya at makaporma na din?" tuluyan nyang pagbasag sa kanyang pinupunto kanina pa
"teka Martin ha, ano bang sinasabi mo? Oo, pwede kitang tulungan pero bakit ako? Eh kadami naman dyang iba?" medyo curious kong tanong
"ehhhh, kasi, in the first place, gay ka naman diba? So mas magiging malapit kayo ni Leslie at matutulungan mo talaga ako" may pagka-presko niyang sabi sa akin
"eh g*go ka pala! Sinong may sabi sayong bakla ako? Oo, tahimik ako at di palakibo pero di ibig sabihin nun na bakla ako! Ano bang gusto mo, ha!?" sabay tulak ko sa kanya na pagpapakita kong kaya ko siya
"tang**a! Sorry pare, kala ko kasi..." napahiya nyang sagot
"Jiggs, ano yan? Nag-aaway ba kayo?" sigaw ni maris na nakatawag ng pansin nang karamihan
"sorry talaga pare..." ulit muli niya
"g*go ka!" bulong ko sa kanya na may kasamang inis,
"maris, wala 'to, may pinag-usapan lang kami ni Martin" at sabay pasok ko sa aming silid aralan nang medyo mainit ang ulop pero pinilit kong wag ipahalata
"ano ba talagang nangyare jiggs?" pangungulit ni Chloe
"gagong Martin 'yun, akalain ba naman na bakla ako?" inis kong sagot kay Chloe
"eh pano ba namang hindi ka pagkakamalan na bakla e kami lagi mong kasama? Isa pa, hindi ka man lang conscious sa hitsura mo kung ok ba o hindi!" pagbabalik nya nang sisi sa akin
"lintek, e sinong sasamahan ko dito? Lahat sila, nagka-cutting classes, nagyoyosi, umiinom ng alak at kung ano ano pa, gusto mo bang matulad ako sa kanila? Tsaka, alam mo namang wala akong oras para sa pag-aayos sa sarili?" pagtatanggol ko sa aking sarli
"hayyyy,,, ang dami mong dahilan, e di kay Martin ka sumama, matino din naman yun----"
BINABASA MO ANG
Forever with You(BoyXBoy/M2M)
RomanceHi! Sa mga makakabasa po nito, ito po yung kauna-unahan kong story na sinulat. Kung ano man pong technicalities (typographic errors, grammar o kahit ano man po) ay sana po ay inyong intindihin na lamang. Sana po ay magustuhan nyo po ang story na ito...