Chapter VI

562 14 0
                                    



"Nakakahiya nga sa mama mo, pano pag nalaman niya na may relasyon tayo? Tapos natulog pa ako dito, baka kung ano na lang ang isipin ni mama mo?", pag-aalala ko


"Hwag mo nang isipin yun, basta mag-ingat lang tayo na di makita ni Mama okay?" habang hawak hawak niya ang mga pisngi ko


"I love you too! Matulog na tayo?" at nahiga na nga kami, pinaunan nya saken yung kaliwang balikat nya...


"May nakalimutan ka yata?", pagpapaalala niya sa akin


"Ha? Ano yun?" sabay tingin ko sa kanya


"Eto oh", at hinalikan nya ako sa aking mga labi at gumanti din ako sa halik niyang iyon.


"Martin, gusto ko pareho tayo nang school na papasukan sa college ha?" sabi ko sa kanya


"Oo naman, magmamarine ako, ikaw ba?", tanong nya sa akin


"Wow! Pareho pala tayo nang gusto na kurso, tapos sabay nating aabutin ang mga pangarap naten", nasisiyahan kong tono


Niyakap niya ako. Naramdaman ko ang init nang kanyang katawan. Kaya niyakap ko din siya, nilalamig kasi ako dahil ang lamig sa kwarto niya. Tapos umuulan pa sa labas. Hayyy, mahimbing ang magiging tulog ko nito.


***Kinabukasan***


"Martin! Martin! gising na, male-late na tayo sa school!", pagyugyog ko sa kaniya


"Ang aga pa Jiggs oh, 5 minutes pa pwede?", at hinila nya ako pahiga ulit sa tabi nya


"Ano kaba Martin? Maliligo pa ako, wala akong susuotin, uuwi pa ako sa bahay", pagbangon ko, hanggang siya ay tuluyan nang iminulat ang kanyang mga mata...


"Madami akong uniform jan sa cabinet, ikukuha na lang kita, yung undies mo? Wag ka mag-alala, madami akong extra undies jan sa cabinet, pero kung gusto mo yung nagamit ko na, meron din jan, hahaha. Good Morning!", sabay yakap niya sa akin


"Jiggs, pwede baguhin natin endearment naten? Parang mas cute kasi kung 'love ko', diba?" pagtatanong ni Martin na sinang-ayunan ko naman kasi nga male-late na kami. Hahaha


"Oh sya sya, maligo kana, para kakain na lang tayo pagbaba naten mamaya", habang tinutulak ko siya papasok sa CR niya sa kwarto...


"Ayoko, gusto ko sabay tayo! Maligo kana din!", yaya sa akin ni Martin habang hinihila ako papasok sa CR...


"Ayoko, hindi ako sanay na may kasabay maligo eh. Mauna ka na, sunod ako. Bilisan mo na!", pagtanggi ko sa gusto nya


"Sige na nga! ihanda mo na lang mga damit ko love ko, please? hehehe", paglalambing niya


Forever with You(BoyXBoy/M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon