***Jiggs' POV***
Sino itong kausap ni Mama? At bakit parang magkakilala sila? Ang puso ko, parang may kakaibang kabog!..... Hindi ito maaari, hindi pwede. Ayoko!
"Jiggs?", tawag nya sa akin, teka nakikilala ko na siya, si Martin nga siya... Kumabog ang dibdib ko. Matagal ko nang hindi ito nararamdaman, mahal ko pa din siya, pero hindi na gaya nang dati
Niyakap niya ako. Mahigpit, may diin, may kakaibang pakiramdam. Pero hindi ako nagpa-apekto, kaya tumakas ako sa yakap niya. Naalala ko ang galit sa puso ko. Nang magising ako ng wala siya sa tabi ko, ni hindi niya ako kinumusta nung nasa Canada na siya. In short, kinalimutan niya na ako kaya wala akong dahilan para matuwa sa pagdating niya.
"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kaniya
"Pa, Cheska, hayaan muna naten silang makapag-usap, dun muna tayo sa labas", sabi ni Mama at iniwan na nila kami ni Martin sa loob ng bahay
"Hindi ka ba masaya na nandito na ako?", pagbalik tanong niya sa akin
"Aba, naririnig mob a yang sarili mo? ang kapal pala talaga nang mukha mo no? Diba kinalimutan mo na ako? Tapos babalik ka dito ngayon, para san?", sigaw ko sa kanya
"Akala ko kasi patay ka na, sabi kasi----" pinutol ko na ang sinasabi niya at agad sumagot
"Akala ko din patay ka na, anim na taon kang nawala. Anim na taon!", sigaw ko sa kanya
"Kasi sabi ni Papa namatay ka na, teka, nagpapadala ako nang mga sulat dito pero wala man lang akong natanggap kahit isa, kaya akala ko nakalimutan nyo na ako", paliwanag pa niya sa akin
"Sulat? Wala ni isang dumadating dito, at wag mo saken ibalik ang sisi, dahil hindi ako ang nang-iwan at madaling nakalimot!", inis na inis kong sagot sa kanya,
"Hindi ko ginusto ang mga nangyare, patawarin mo na ako Pare please?!", siya habang umiiyak
"Hwag mo kong matawag-tawag na pare! Dahil simula nung iwan at kalimutan mo ko, halos patayin ako ng mga alaalang iniwan saken ng salitang yan!", ako habang tinalikuran ko na siya, ayaw ko kasing makita nya kong umiiyak...
"Jiggs! Please, patawarin mo na ako, hindi kakayanin ng kunsensya ko ang mga nalaman ko ngayon", sya habang lumuhod na pala siya sa likod ko, umiiyak... Isa lang ang napatunayan ko sa pagababalik nya, na apektado pa din talaga ako sa pag-iyak niya, hindi ko kayang makita na nasasaktan siya... Kaya pinatayo ko siya,
"Tumahan ka na nga dyan! Gago ka talaga, katanda mo na iyakin ka pa din?!", pagpapatahan ko sa kaniya
"Pinapatawad mo na ba ako?", sabay tingin niya sa akin
"Oo na! Oo na! Kalaki-laki mong tao umiiyak ka dyan!", sabay ngiti ko sa kanya. Na-realize ko na matagal na ding panahon ang nakalipas. Madaming nagbago at nabago ng panahon mula nang iwan niya ako. Naka move-on na ako sa kanya. . . matagal na. . . kaya siguro ito na din ang panahon para matanggal na ang tinik na anim na taon ding nakabaon sa dibdib ko. Sa wakas. . .
BINABASA MO ANG
Forever with You(BoyXBoy/M2M)
Roman d'amourHi! Sa mga makakabasa po nito, ito po yung kauna-unahan kong story na sinulat. Kung ano man pong technicalities (typographic errors, grammar o kahit ano man po) ay sana po ay inyong intindihin na lamang. Sana po ay magustuhan nyo po ang story na ito...