***Martin's POV***
***Sa Hospital***
"Jiggs! jiggs! jiggs! gumising ka Pare, Gumising ka! ", pag-alog ko sa kaniya, hindi siya kumikibo hanggang sa ilagay na siya sa stretcher at ipasok sa emergency room, gusto kong pumasok sa loob kaso bawal, gusto ko siyang makita, gusto ko nasa tabi niya lang ako... Hindi ko alam ang gagawin ko...
"Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa anak natin Pa!", habang iyak na iyak ang Mama at ate ni Jiggs. Ang Papa nya,, hindi din mapakali, palakad lakad, may tumutulong luha sa mga mata pero pinupunas agad. Wala kaming magawa kundi ang magdasal.
Mga 1 oras kami naghintay doon sa labas ng E.R. at lumabas na ang doctor...
"Doc, Kumusta si Jiggs? Kumusta ho ang anak namen?",nag-aalalang tono ng Papa ni Jiggs...
"Dumanas ang anak niyo ng severe heart attack, siguro dahil sa pagod at extreme feelings, hindi ba kayo aware sa kalagayan niya? Kung naagapan, sana hindi na siya umabot sa ganito.... He's in coma, na comatose po ang anak nyo, for days, weeks, months? Hindi ko masabi, depende sa resistance ng katawan niya", sagot nang doctor
Hindi na nakapagsalita pa ang mama ni Jiggs, napahagulhol na lamang siya. Hindi ako makapaniwala, kanina kasama ko lang siya, kanina kausap ko lang siya, at ngayon nacomatose na siya. Napakabilis ng mga pangyayare, hindi ko kaya kapag nawala siya. Hindi siya mawawala, lalaban siya. Lalaban siya.
"If you'll excuse me, babalik muna ako sa loob para icheck sya ulet", paalam nang doctor
"Martin, Si Jiggs! Hindi ko kayang mawala ang anak ko saken!", yumakap saken ang mama ni Jiggs, habang patuloy ang pag-iyak samantalang ako, umiiyak din pero tinitibayan ko ang loob ko. Alam kong babalik ka Jiggs, para sa akin, sa mama at papa mo, sa ate mo, para sa aming lahat na nagmamahal sayo...
"Lalaban po si Jiggs mama, lalaban po siya",sabi ko sa kanya
***Kinabukasan***
"Jiggs, gumising ka na oh! Wag ka namang ganyan", ako habang hawak ang kamay niya at umiiyak
"Hindi ko kayang mawala ka Jiggs!, alam mo naman yun diba? Kung naririnig mo 'ko, igalaw mo naman ang kamay mo, please!", umaasang pakiusap ko sa kanya pero di pa din siya gumagalaw
"Diba sabi mo, sabay pa tayo magka-college? Magmamarine tayo diba, magpapatayo pa tayo ng dreamhouse naten gaya nina papa, sabay nating aabutin ang mga pangarap naten! Lumaban ka Jiggs, please!", ako habang umiiyak, masakit para sa akin ang kausapin si Jiggs sa ganitong sitwasyon. Naaawa ako sa kanya, sa dinami-dami nang tao sa mundo, sa kanya pa napunta ang sakit na ito. Wala naman siyang bisyo, di din naman sya masamang tao, kaya bakit siya pa? At patuloy na lumuluha ang aking mga mata...
Inabutan pa ako ng Mama at Papa ni Jiggs sa loob ng room.
BINABASA MO ANG
Forever with You(BoyXBoy/M2M)
RomanceHi! Sa mga makakabasa po nito, ito po yung kauna-unahan kong story na sinulat. Kung ano man pong technicalities (typographic errors, grammar o kahit ano man po) ay sana po ay inyong intindihin na lamang. Sana po ay magustuhan nyo po ang story na ito...