Chapter X

503 10 0
                                    


Nagkatinginan kami ni Martin ng sandaling iyon, alam kong nagulat siya dahil alam ni Arthur ang namamagitan sa amin. Si Arthur lang kasi napaglabasan ko nang sama ng loob ko kay Martin nung panahong iniwan nya ako.


"Oo Bes. Mahabang kwento kung bakit at paano pero wala eh, mahal ko pa rin talaga si Martin. Ewan ko ba dito, kung anong pinainom niya saken para mahalin ko sya nang ganito. Hahaha", at naramdaman kong humawak sa kamay ko si Martin at nakita ko sa mukha niya ngayon na natuwa siya sa sinabi ko


"Ah, kaya pala hindi mo ko mabigyan man lang ng pagkakataon na manligaw sayo noon. Kaya heto, hanggang bespren lang tayo", medyo malungkot nyang tono, "Martin, kung tutuusin ang swerte mo, kasi sa lahat lahat ng nangyare, nung iwan mo siya, nung unang magising siya na ako ang katabi niya pero ikaw ang hinahanap niya, nung mga sandaling down na down sya sa pagkawala mo at ako ang kasama nya hanggang ngayon, bespren pa din ang meron kami, at ikaw, na mahal na mahal ni Jiggs, sa isang iglap, nagkabalikan na pala agad kayo. Eto lang masasabi ko sayo, wag mo nang balakin pang saktan at iwan pang muli ang bespren ko dahil ako mismo ang makakaharap mo. Nandito lang ako lagi para mahalin si Jiggs, tandaan mo yan!"


"H'wag kang mag-alala Arthur, di ko siya binalikan para saktan lang ulit. Sisiguraduhin kong hinding hindi ko na siya iiwan at wala nang makakapaghiwalay sa aming dalawa. Kaya sinasabi ko sayo, iba na lang ang mahalin mo!" bwelta naman ni Martin kaya tumayo si Arthur at sya ring pagtayo ni Martin. Alam kong nagkakainitan na sila kaya pumagitna na ako sa kanilang dalawa.


"Bes,sige na,bukas na lang ulit. Masyado nang gabi, baka magising pa sina Papa", at inihatid ko na si Arthur papunta sa gate, "Salamat ulit sa pagkain at pagpunta mo dito Bes ha!" pilit kong ngiti kay Arthur


"Sige, Happy Birthday na lang ulit Bes, andito lang ako lagi basta kailanganin mo ko ha. Good Night Bes!" matipid niyang ngiti sa akin dahil ramdam kong nagtitimpi pa din siya sa inis niya sa sinabi ni Martin kanina.


Bumalik na ako sa loob pagkaalis ni Arthur at nakita kong patay na yung tv at dvd player pero nakaupo pa din sa sofa si Martin.


"Oh, ano, matulog na tayo. Tapos na ang birthday ko. Tingnan mo 12:03 a.m. na"


"Mahal na mahal kita Babe"


"Alam ko, ayaw mo kay Arthur diba? Pero wag kang mag-alala, bespren ko yun at hanggang dun lang kami kasi Mahal na mahal din kita, ano, matulog na tayo Babe"


Pumunta na kami sa kwarto ko at nahiga. Gaya ng dati, nakaharap siya sa akin habang tinititigan nya ako. Wala pa ring kupas ang kagwapuhan niya, parang wala lang nangyare at bigla biglang naging kami na ulit. Hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit at kung gaano ko siya kamahal. Basta alam ko, masaya ako sa naging desisyon ko.


Hinalikan niya ako at niyakap na para bang walang bukas. Pero kailangan na talagang matulog kasi may pasok bukas kaya natulog na kami sa ganoong posisyon.


***Kinabukasan***


"Good Morning Babe!"

Forever with You(BoyXBoy/M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon