"Tita, okay na po ako. Tsaka, wag na po natin balikan yung nakaraan. Ang mahalaga po ay ang nangyayari ngayon. Hindi po ba?" pag-iwas ko sa topic
"I'm so sorry, iho. Alam kong naging makasarili kami noon. Sana mapatawad mo kami ng papa ni Martin ha" malungkot na tono ni Tita
Nanatili akong walang imik sa puntong iyon. Hindi ko mapigilang maiyak pero hindi ko ipinapakita sa kanila ang pagluha ko. Ewan ko ba, sa dami sigurong nangyare sa loob ng anim na taon na pagkawala ni Martin, hindi ko na maalis sa isip ko ang mga sakit na naranasan ko.
"I know six years is a long time. Madaming nangyare na dahilan ng pagiging 'ikaw' mo ngayon, hindi kita masisisi kung hindi mo pa ako kayang patawarin sa bagay na 'yun. Pero sana hayaan mo ako, kami ni Martin na magsimula ng bagong alaala kasama ka"
Naramdaman ko na lang na niyakap na niya ako habang ako, tuloy ang pagluha, walang response sa yakap na binibigay niya. Hindi ko pa talaga kaya.
"Tama na muna 'yang drama na 'yan Ma, magdrive thru na lang tayo sa McDo, sa hotel na lang tayo kumain. By the way, malapit na rin naman dito yung hotel na tinutuluyan namin ni Jiggs" pagsingit ni Martin
So nakabalik na nga kami sa hotel at kumain. Medyo naco-conscious ako sa paggalaw kasama ang Mama ni Martin after nung pag-uusap namin kanina sa kotse eh kaya umiiwas ako hangga't kaya. (Kung kayo ba guys ang makaranas ng nangyare saken, ano ba gagawin nyo?)
"Okay ka lang ba, Jiggs? Ang tahimik mo yata" sabay yakap ni Martin saken patalikod habang naghuhugas ako ng pinggan
"Oo naman, okay ako, saglit babe, baka mabasa ka" mahina kong sagot sa kanya
"Si mama ba? Gusto mo kausapin ko sya?" pangungulit niya"
"Wag. Alam mo naman na ayoko lang pag-usapan yung bagay na yun, tsaka hindi mo naman din kasi sinabi agad saken na darating sya, naihanda ko man lang sana ang sarili ko"
"Sorry, Babe. Gusto ka lang sana namin surpresahin ni Mama. Akala ko magiging okay na ang lahat pag dumating siya. Pero babe, please, bigyan mo sya ng chance para para mas magkakilala pa kayo. Mabait sya and simula pa lang naman, she has no doubts sa relasyon naten"
"Hindi naman ako galit sa mama mo, masama lang talaga ang loob ko sa nangyare. Pero hayaan mo babe, open naman ako sa chance na maging okay kami ng mama mo. Ikaw pa, I love you, babe!" ako sabay kiss sa cheek ni Martin na nakayakap pa din saken hanggang ngayon
"I love you, too! Oo nga pala, samahan naten sina Mama sa room nila mamaya ha. Tulungan naten sila magdala ng gamit nila don" sya habang kumukuha ng isang basong tubig sa fridge. Sobrang hot talaga nitong boyfriend ko, iinom lang ng tubig sobrang gwapo pa din. Hehehe
"Sige, tapos na din naman ako dito, tsaka excited na akong makipaglaro ulit kay Baby Angel, sigurado ako namimiss na nun ang kapogian ko"
BINABASA MO ANG
Forever with You(BoyXBoy/M2M)
RomanceHi! Sa mga makakabasa po nito, ito po yung kauna-unahan kong story na sinulat. Kung ano man pong technicalities (typographic errors, grammar o kahit ano man po) ay sana po ay inyong intindihin na lamang. Sana po ay magustuhan nyo po ang story na ito...