"Pinayagan na ako nang papa mo na ako na lang magsabi sayo ng tungkol sa kalagayan mo....... May sakit ka sa puso Jiggs! Kaya ka nahirapang huminga nung isang gabi! At,, simula pa lang daw yan Jiggs, kaya iniingatan kong wag kang masaktan nang sobra", paliwanag niya sa akin
"M-may sakit ako s-sa puso? Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit nilihim nyo sa akin ang kalagayan ko?", sigaw ko sa kanya na nakakuha nang atensyon ni Mama, Papa at Ate
Tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, pero napako na ako sa posisyon kong iyon na malapit sa kanya. Umiiyak at nasasaktan.
"Sorry Jiggs, hindi ko ito kagustuhan pero sana maintindihan mo na para sa iyo din naman ang ginawa ng mama at papa mo", siya habang lumapit sa akin at pilit akong ikinakalma
"Bunso, di namin sinadya na hindi ito agad sabihin sa'yo, hindi lang talaga kami makahanap nang tyempo para ipagtapat sayo ang sakit mo", si Mama
"Kelan nyo pa nalaman ang sakit ko?", ako habang umiiyak sa tabi ni Martin
"Nung magpacheck up ka dahil sa lagnat mo, kala naten simpleng lagnat lang pero hindi pala, nagkaroon ka ng rheumatic fever. Dahil nga dun, naapektuhan ang puso mo, nung isang linggo ko lang nalaman ang resulta kaya simula nun, ayaw na kitang napapagod,.. anak, sana maintindihan mo kami", pagsusumamo ni papa
Hindi ko matanggap na may sakit pala ako. Akala ko magagawa ko na ang sumali sa Arnis pero dahil dito sa sakit ko, nawala lahat nang pag-asa ko. Naninikip na naman ang dibdib ko, hindi ako makahinga. Hinawakan ko ang dibdib ko, dahil sobra na ang kirot. Lahat sila, nagpapanic na, lalong lalo na si mama, hindi nya alam ang gagawin
"Martin, kumuha ka ng taxi, dalhin na natin si Jiggs sa hospital dali!", at patakbo namang lumabas nang gate si Martin...
"Anak, kaya mo 'yan, hintayin lang natin ang taxi, sandali na lang!", si Mama habang umiiyak
Para akong nakikipag-agawan sa hangin nang mga oras na iyon. Hirap na hirap na ako. Naawa na ako kay Mama kasi ayokong nakikita siyang umiiyak pero di ko siya ngayon malapitan, hindi ako makatayo. Ang sikip sikip nang dibdib ko.
Maya -maya pa ay dumating na si Martin sakay nang taxi, at binuhat na nila ako papasok sa taxi. Tanging naiwan sa bahay si Ate para bantayan ang bahay pero alam kong nag-aalala din siya ng sobra.
Nagising na lang ako nang may aparato nang nakatakip sa aking ilong at bibig. Si martin agad ang nakita ko, kasi siya yung nasa tabi nang kama ko. Hinawakan ko ang kamay niya at nagulat ako nang humawak din siya sa unang pagkakataon. Nagising na pala siya.
"Jiggs, gising kana pala. Ano, kumusta? Masakit paba ang dibdib mo? Pinag-alala mo na naman kami, lalo na ako", sabi niya
"Ano kaba? wag kang maingay! Baka marinig tayo ni Papa", pagsaway ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Forever with You(BoyXBoy/M2M)
RomanceHi! Sa mga makakabasa po nito, ito po yung kauna-unahan kong story na sinulat. Kung ano man pong technicalities (typographic errors, grammar o kahit ano man po) ay sana po ay inyong intindihin na lamang. Sana po ay magustuhan nyo po ang story na ito...