Chapter IV

699 23 1
                                    



"Wala naman", pag-iwas nya, ngunit di pa din ako naniwala. Pero hindi ko na siya kinulit pa para sagutin pa ang tanong ko, sapat nang tumanggi siya para malaman kong may tinatago sa akin sina mama


Nagpatuloy na kaming kumain noon at maya-maya pa ay nagpaalam na siya, magtatanghali na kasi ay hinahanap na siya sa kanila ng mama nya. Heto, naiwan na naman ako mag-isa sa bahay. Tahimik, presko, at walang problema. Masarap talaga pag nasa bahay ka lang.


Nang maalala ko yung dahilan kung bakit kami nagkagalit nina maris, chloe at martin kahapon ay naisipan kong humarap sa salamin. Tumatak sa isipan ko yung sinabi niya "mag-ayos ka naman ng sarili mo, para naman magmukha ka namang tao!", hindi naman ako galit sa kanya, narealize ko lang na tama siya.


Kaya napagdesisyunan ko na munang maligo. Nakita ko sa banyo yung sabon na pampaputi ni Ate at ginamit ko iyon, sinabon ko din ang aking mukha para malinis. Pagkatapos ko maligo, humarap na ulit ako sa salamin, kinuha ko naman yung cream na binigay saken ni Ate dati na pantanggal ng pimples. Ngayon ko lang magagamit ito pero hindi alam ni ate. Naglagay din ako nang wax sa buhok ko at inayos ko ito sa paraan na kagaya ng nakikita ko sa karamihan ngayon, "Aba, Ok pala 'to ah" at kumuha ako nang camera para mag-selfie. Haha.


Mga alas tres ng hapon, may kumatok sa pinto ng bahay. Sinilip ko muna kung sino kasi wala namang kumakatok sa pinto namin kapag gantong oras tuwing weekends eh. Nakita ko si Martin, may dalang pagkain. Aba, Vhong Navarro ang peg. Sige, bubugbugin din kita ngayon! Hahaha. Biro lang.


"Oh, Martin, bakit ka napapunta ulit dito?", tanong ko


"Wala lang pre, wala kasi akong magawa sa bahay eh, naalala kita, kaya pumunta ako dito, nagdala na ako ng foods, pero wala naman sigurong bubugbog saken dito diba?", at nagtawanan na kami...


Naupo kami sa sofa katapat nang tv namin at nanood ng movie sa Cinema1 habang kumakaen nang chips at drinks na dala niya.


"Pare, salamat ha, kasi hinatid mo ako kahapon dito sa bahay nung mahimatay ako", pag-agaw ko sa atensyon nya


"wala yun pre, besprend na nga kita diba?", sabay ngiti sa akin


"Tsaka dun sa pag-stay mo dito hanggang gabi para lang masigurado na ok na ako, kabait mo pala", pang-aasar ko sa kanya


"Yun ba? Kapag siguro mahalaga sa'yo ang isang tao, kahit conflict na sa oras mo, magagawa mong iset aside yung iba para lang mapunan yung pangangailangan nya", medyo seryoso nyang sagot


"Talaga lang ha, e di mahalaga na nga ako sayo? Salamat pare ha, kahit nagalit pa ako sa inyo kahapon nang umaga, e hindi mo ako pinabayaan dun nung mawalan ako nang malay", sagot ko sa kanyang malalim na pahayag kanina, para maiwasan ang pagkamatay ng usapan


"Ikaw naman kasi eh, hindi mo naman pala kaya, lumaban ka pa. Buti nandun ako para saluhin ka nung natumba ka na. Pero sa totoo lang, ang bigat mo ha!", at tumawa na naman siya ng malakas...

Forever with You(BoyXBoy/M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon