Pursuing God's Gift

123 11 0
                                    

Had a conversation with God tonight..as in minutes ago lang.
Medyo naging emotional ako at pagtapos ko magsalita (literal pero mahina lang), pinakinggan ko Siya. Sa pagkocontemplate ko, sinabi Niya sakin "MagFB ka. Unang post na makita mo tungkol sakin, yun ang mensahe ko sayo." At first di ko pinakinggan, naghesitate ako baka naexcite lang ko magfb dahil mahaba-haba narin yung pakikipag-usap ko sa Kanya. Pero yun at yun lang rin ang pumapasok sa isip ko kaya sinunod ko na Siya.

So, nagopen ako. At unang religious post na nakita ko ay yung sa page ng CBCP News at take note, hindi siya quotes o bible verse, picture lang.

Yung cover ko ng book na to...

Parang nabilaukan ako.

Seriously, Lord, gusto Mo kong magsulat?

Sa oras na pagod na pagod ako (dahil katatapos lng ng Christmas party ng Youth Ministry at Simbang Gabi), sa ganitong kaalanganing oras at kailangan ko pang gumising nang maaga para hindi ako mapenalty sa mga lates ko, sa battery ko na 11% nalang, at higit sa lahat..

Sa tagal ko nang hindi nagsusulat?

Grabe, nanibago nga ako sa ibang features ng Wattpad e.

Siguro nakangisi Ka ngayon sakin kasi napilit mo ko, kasi nagtagumpay ka, kasi nakaka205 words na ko.

Siguro nakangiti Ka ngayon kasi namiss Mo tong pagsusulat ko,

kasi namiss mo Ko.

Pero para saan nga ba ang mensahe Mo?

Para sa akin o para sa ibang tao?

Maybe both.

Para sa akin na nahiya dahil minsang nakagawa ng mali kaya hindi na rin magawang magpayo sa iba.

At para sa iba na tulad ko, nagkakamali rin, at umaasa sa mga payo mula sa akin.

Ganun naman talaga di ba?

Pananagutan natin ang bawat isa.

At sa mga kasalanan at pagkakamali natin...

SAGOT TAYO NG DIYOS. :)

P.S.:

SORRY sa mga napangakuan ko na magaupdate ako weekly, monthly or quarterly. Sana pagkatiwalaan nyo parin ako. Plith.

SALAMAT sa mga naglike at nagbasa ng stories. Though di ako nakakapagsulat, nagpapop sa screen ko tuwing may nilalike at comment kayo. :D

ADVANCE MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR TO ALL! GODBLESS US! <3






Diary of God's GoodnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon