Sumasampalataya ako sa Diyos Amang MAS makapangyarihan.

847 25 0
                                        

Mga kapatid, nainspire akong magsulat tungkol sa kabutihan ng Diyos sa aking buhay simula noong sinubok ng Nya at pinalakas ang pananampalataya ko...nung nagkasunog sa medyo may kalayuan sa aming bahay. Bagamat malayo samin, nandun yung takot ko dahil sa makailang beses narin kaming nakaranas na maghakot tuwing nagkakasunog malapit samin.

Iniligtas Nya kami ng araw na yun at sa kauna-unahang pagkakataon, napatunayan ko ang kapangyarihan ng panalangin.

Ngunit simula pa lamang pala iyon.....

Alas 9 ng umaga nagising ako sa tawag ng kapitbahay namin sa tatay ko. Tila may nagkakagulo sa labas. Kinutuban ako, parang alam ko na, ang pinakakinatatakutan ko...SUNOG! At sa tapat lamang ito ng aming bahay.

"Wag po ang school".

Ang unang panalanging nasambit ko sapagkat ang bahay na nag-aaso ay katabi lamang ng eskwelahan. As in katabi.

Pumasok ako ng kwarto, kinuha ang rosaryo, lumuhod, nanalangin at nagpuri nang nakataas ang mga kamay. Sinambit ko ang panalanging "Sumasampalataya". Paulit-ulit, hindi ko matapos. Ipinagkatiwala ko sa Kanya ang lahat and I claimed "patay na ang apoy".

Subalit tila kumalat na. Pinahakot na ni papa ang CPU at hard disk dahil nandun ang pangkabuhayan namin.

Lumabas ako at nakita na tatlong bahay na ang nagliliyab . Isang kuliglig na fire truck lang ang nandoon at kasalukuyang walang laman ang tangke. Pumasok ako ng bahay at nakita kong nagbobomba sa poso si papa. Inako ko ang pagbobomba para sila ang maghakot at magsalin ng tubig sa tangke. Habang nagbobomba, itinaas ko ang aking mukha.

"Panginoon, sa Iyo nagmumula ang tubig na ito. Basbasan mo to at ang truck na nasa labas. Ikaw ang tubig na ito, Ikaw ang pumuksa sa apoy. Makapangyarihan ang apoy subalit mas makapangyarihan Ka."

Dumating ang kapatid ko at sya ang nagbomba. Pumasok ako sa unang kwarto, kwarto kung saan ginaganap ang Bible Study ng Youth Ministry, Household, One-on-One, Fellowship, atbp. Itinaas ko muli ang aking kamay sa harap ng imahe ng Sacred Heart of Jesus. Nagpuri ako at sinambit ko "Panginoon, makapangyarihan ang apoy subalit mas makapangyarihan Ka."

Umakyat ako muli sa sa aking kwarto. Lumuhod, itinaas ang kamay, nagpuri at nanalangin.

"Panginoon, Ikaw na pong bahala sa bahay namin. Wag mo kaming pababayaan. Subalit anuman ang mangyari, Ikaw parin ang Diyos ko."

"Patayin mo ang apoy. Makapangyarihan ang apoy subalit mas makapangyarihan Ka."

Sumunod kong pinuntahan ang kwarto kung saan naroon ang alaga naming golden retriever, si Bart, si Bunso. Pinuntahan ko sya at ako'y nahabag. Nanalangin ako sa Kanya.

"Lord, mas maawa po Kayo sa mga alaga namin. Sa tao lamang po sila umaasa, sa shelter na maipprovide namin sa kanila at sa pagkain na maibibigay namin sa kanila. Wag Mo po sila pababayaan."

At sa huling kwarto na yun, muli akong lumuhod, nagtaas ng kamay, nagpuri, nanalangin at ang nakaligtaan kong gawin sa ilang minutong lumipas...ang manghingi ng tawad.

"Lord, patawarin Nyo po kami sa aming mga kasalanan at patawarin Nyo po sila sa kanilang mga kasalanan."

"Patay na ang apoy. Napakamakapangyarihan ang apoy subalit pinakamakapangyarihan Ka sa lahat."

I claimed it. In Jesus' name. In Jesus' name. In Jesus' name!

At may sumigaw..

"Tama na bomba, maliit na yung apoy."

At doon bumuhos ang luha ko.

Patuloy kong ipinanalangin na puksain nang tuluyan ang apoy.

Tumahimik ang paligid. Patay na ang apoy.

Hindi muna ako lumabas upang tingnan. Naglaan ako ng oras para magpasalamat at magpuri sa Kanya.

Napuspos ang ako ng Kanyang pag-ibig.

"Napakaliit ng pananampalataya ko pero hindi mo ko basta pinaasa lang, tumupad Ka sa pangako Mong hindi Mo kami pababayaan. Napakabuti mo." Umiiyak kong nasambit.

Kalaunan, narealize ko na apat na beses kong nasimulan ang panalangin..

"Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat..."

dahil sa apat na beses sa apat na kwarto nasambit ko..

"makapangyarihan ang apoy subalit MAS makapangyarihan Ka."

God is sooooo good!

Diary of God's GoodnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon