Ang kulit ni Lord!
Minsan paiiyakin ka Niya. Minsan patatawanin ka.
Minsan palulungkutin ka Niya. Minsan pasasayahin ka nang sobra.
Ang kulit ni Lord!
Minsan papagurin ka Niya. Minsan pagpapahingahin ka.
Minsan pahihirapan ka. Minsan "Hay..hayahay ang buhay".
Ang kulit ni Lord!
Minsan tatakutin ka Niya. Minsan pakakalmahin ka.
Minsan gugulatin ka. Minsan mapapa "wow" ka nalang sa mga surpresa Niya.
Ang kulit ni Lord!
Minsan tatambakan ka ng pagsubok. Minsan pauulanan ka ng biyaya.
Minsan gugutumin ka. Minsan
.
.
.
.
.
.
.
.
.*Buuuuuurp*
Ang lakas ng trip ni Lord, no?
Pero ang sarap sumakay sa trip niya. Kasi alam mong ginagawa Niya ito para sa ikabubuti ng buhay mo.
Higit sa lahat, alam mong alin mang estado ang pagdaanan mo...KASAMA MO ANG DIYOS.
Ang kulit ni Lord!
Pero sa pagiging makulit ni Lord nagiging balanse ang buhay.
Pag positive, dapat hindi ka nakakalimot.
Pag negative, dapat mas magkaroon ka ng dahilan para kumapit.
Ang kulit ni Lord!
Pero mahal na mahal ko Siya.
Hindi man ako yung masasabing mabuting anak, isa ako sa mga taong naghahangad at nagpupumilit makalapit sa Kanya.
Lord, salamat sa pagiging makulit mo. Happy Father's Day. <3