#KapitLang

635 17 3
                                    

Muli na naman akong tinawag ng Panginoon para magsulat. Sa mga signs na binigay Nya, alam kong may nais Siyang ipagawa sakin. :)

Lately, medyo marami akong mga pagsubok na pinagdaanan at still, pinagdaraanan. Subalit eto parin ako, nakangiti, buhay sa pananampalataya at bumabangon.

Siguro hinihintay ni taning na sumbatan ko ang Diyos ng

"Bakit Lord? Ginawa ko naman lahat. Ibinigay ko naman lahat. Nagpaalipin ako sayo, naglingkod ako sa tahanan mo at sa mga tao, sinunod ko naman lahat ng gusto mo at pinipilit ko namang makasunod sa mga utos mo."

Pero mafefail ang devil sakin. Never kong tinanong at never kong tatanungin ang Diyos ng "Bakit?

Isa lang ang katwiran ko...

Sino ako para gawin yun?

Ang Diyos na simula palang isinakripisyo na ang sarili para sa mga tao. Ang Diyos na walang alam gawin kundi magpakita ng kabutihan sa mundo. Ang Diyos na gumigising sa atin araw-araw. At ang Diyos na may walang hanggang pag-ibig para sa akin, pagmamahal na mas malaki kaysa sa mga pinagdaraanan ko ngayon.

Wala tayong karapatang manumbat sa simpleng dahilan na hindi Sya karapat-dapat sumbatan.

Tulad mo, ginawa Nya rin ang lahat. Ibinigay Nya rin ang lahat. Siya'y naglingkod sa mga tao at higit sa lahat, sinunod nang walang pag-aalinlangan ang mga kagustuhan ng Kanyang Ama.

Isipin mo nalang...

Tayo, Sa kabila ng kabutihan ng Panginoon, ang naisusukli pa natin ay ang paggawa ng kasalanan.

Samantalang Siya, sa pagsusumikap natin na maging mabuti, binibigyan Nya tayo ng mga pagsubok na later on, makakatulong din sa atin.

Kaya nga po pagsubok at hindi problema sapagkat ito'y galing sa Diyos at ang maganda doon, Diyos din ang may kayang rumesolba.

Kapit lang! :)

Please: Ipagpray nyo po ako. Thankyou!

Diary of God's GoodnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon