The Love of Mama Mary ♥️

3 0 0
                                        

This is one of my insight during our Online Bible Study sharing via fb messenger.

Good evening Lord.

We've known Mama Mary as our intercessor sa mga prayers natin sa kanyang anak na si Hesus coz we believe that "malakas si Mama Mary kay Jesus" pero ang totoo TAYO ang malakas sa Mahal na Ina. Pinatunayan ito sa gospel ngayon. Bagamat bata pa at walang alam sa pagiging isang ina at bagamat may pagtataka kung paano sya magbubuntis gayong wala namang sumiping sa kanya, bagamat napakaraming tanong na gumugulo sa isipan nya ng mga oras na iyon, nang marinig niyang ito'y KALOOBAN ng Diyos Ama, walang pag-aatubiling tinanggap niyang maging ina ni Hesukristo kahit pa alam nya na kaakibat nito ang malaking responsibilidad. From then on, hindi lamang siya naging ina ni Hesus kundi INA NG SANLIBUTAN ❤

Yung gratefulness at paghanga ko kay Mama Mary sobra-sobra. Kahit chosen sya, she can still decide on her own and say 'no' pero dahil mahal nya ang Panginoon, nagtiwala at nagpasakop sya sa kagustuhan ng Ama. And we all know what her 'YES' brought to us later on. ☝✝

Nakakataba lang talaga ng puso pag naiisip ko na that woman who loves Jesus Christ is the same woman who loves us very much :')

Sana hindi lang magtapos sa paghanga, sana umabot din tayo sa PAGTULAD. Pagtulad sa Mahal na Ina pagdating sa pagsunod sa kalooban ng Panginoon, bagamat mahirap at bagamat marami tayong katanungan. Pagtulad sa Mahal na Ina pagdating sa pagmamahal sa lahat ng minamahal ng kanyang Anak. Higit sa lahat, ang pagtulad sa Mahal na Ina pagdating sa pagtanggap kay Hesus na maging bahagi ng buhay natin.

Bilang pagtanaw ng utang na loob kay Maria, ikalulugod niyang lubos kung gagawin natin ang palagi niyang paalala sa atin: ang manalangin at magbalik-loob sa Diyos. Lalo na sa panahon ng krisis na ating kinakaharap ngayon. 🙏

Sa paghihirap, sa kalungkutan, sa kapighatian, sa pag-iisa, sa pagtangis, sa pagkabalisa, sa pangamba at sa pagkawala ng pag-asa...nawa'y maalala natin na may kasama tayong nananalangin. Ito ang ating Mahal na Ina. ❤🌹

Good evening po sa inyong lahat God bless us :)

- March 25, 2020

P.S. The image of Mama Mary on the cover photo was the one I took from Chinese General Hospital Chapel when my mother was confined due to pneumonia. She really helped us. It is indeed miraculous!

Diary of God's GoodnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon