Minsan naiinis tayo kapag ang mga magulang natin sobra sobra kung mag-ingat. Na halos bantayan bawat kilos at alamin lahat ng lakad natin, kulang na nga lang sumama sila.
Nakakairita rin ang boyfriend/girlfriend na OA kung mag-alaga na para bang wala kang kamay at paa.
Pero kung si God kaya ang mag-ingat at mag-alaga sayo, aangal ka?
We believe in angels.
Since childhood pag nadapa ka tapos nabuhay ka pa, sasabihin agad "niligtas sya ng guardian angel niya". Nung baby ka (malamang hindi mo na naaalala o hindi nalang sinabi ng nanay mo na napabayaan ka niya) nalaglag ka sa crib, hindi ka man lang umiyak. Dahil daw iyon sa iyong anghel dela guardia.
The power of Holy Spirit.
Might as well listen to the well-known Catholic song "Come Holy Spirit" para mas mafeel mo. Sa mga pagkakataon na hindi ka nangudngod o nakalabas ng crib mag-isa, kundi nagkasakit, nabagabag, nastress, naubusan ng pasensya, naghahanap ng kapayapaan, at nawalan ng lakas, sigurado, present sa dasal mo ang Holy Spirit.
Come to think of it, mga kapatid. God works in group. 24/7 He is up to protect you. Nagsugo Siya ng anghel at nagpadala ng Espiritu Santo upang bantayan at gabayan tayo sa bawat desisyon at kilos natin .
Gayunpaman, nilikha ang tao para sa tao upang mag-ingatan at mag-alagaan.
Well, I hope that if you have rejected mankind's care, don't you dare reject God's too.