Amen!

685 16 2
                                        

"Pagkatapos ng seminar na ito dapat

pag nabunggo ka sasabihin mo na "Hallelujah!".

Pag natapakan ka naman "praise the Lord!"

Pag nasagasaan ka "For God so love the world. He gave us His only Son..."

- Bro. Bot (with action)

Pero posible kaya na mauna mong mabanggit ang "Hallelujah", "Praise the Lord" o "John 3:16" bago pa man may mangyari sayong di maganda?

Share ko lang ang nakakatawa ngunit nakakakabang experience ko last Saturday.

Mag-aalas otso ng gabi, Naglalakad ako papuntang simbahan nang...

Boogsh!

Ulo sa baba, paa sa itaas.

*Flashback*

Sa maikling eskinita bago lumiko ng simbahan, nagsign of the cross ako bilang tanda ng pagtitiwala ko sa Kanya sa muling pagsabak ko sa harapan ng maraming tao. Isa po akong lector at may serve ako noong araw na yun.

"In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit

AMEN."

Sabay hulog sa hagdan.

Sumubasob ang mukha ko sa lupa.

At dahil sa may kabigatan ako, alam nyo na po ang nangyari...

Napuruhan ang aking ulo.  Ang siyang tumayong aking paa sa mga sandaling iyon.

Agad kong hinipo ang aking noo at ang mga bahagi na masasakit. Salamat sa Diyos at walang dugo.

Tinanong ako ng mga tao kung ayos lang ako, sabi ko okay lang.

Pero hindi pala masyado. Nabiyak ng kaunti ang ilalim ng aking labi at ganoon din ang aking bibig dahil sa lakas ng impact.

Naglakad ako pabalik ng bahay habang linulura ko ang dugo sa daan. Kinapa ko ang mga sugat na aking natamo.  Sa tantiya ko, nawakwak talaga ang aking labi.

Subalit mabait ang Diyos. Nakakita ako ng nakaparadang sasakyan at ako'y nanalamin doon. Isang guhit lamang sa ilalim ng labi ang nakita ko. Pag-uwi ko ng bahay halos wala nang tumutulong dugo at hindi na kinailangan pang tahiin. Walang bukol sa aking ulo at buo ang aking ipin.

Napilay lamang ang aking kaliwang braso kung saan ko sinampay ang uniform ko. Dahil doon, ang position ng aking braso ay paletter "L". At mukhang iyon din ang nagligtas sa akin mula sa mas malalang injury.

Maraming opinyon, maraming pagtataka, maraming pagpapaalala, maraming nag-alala at maraming tumawa.

Subalit para sakin ang mahalaga, iniligtas ako ng Panginoon. Hindi man ako nakapagserve nung araw na yun, binigyan Nya pa ako ng chance na makabawi at mapaglingkuran Sya.

Purihin ang Diyos na mabuti!

P.S.: Kaya po nasabi kong isa itong nakakatawang pangyayari dahil narin sa pag-iisip kung anong itsura ko nung mga oras na iyon. Hmmm..

Diary of God's GoodnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon