Why You gotta be so rude?

623 20 1
                                    

Minsan sa buhay (literal man o hindi)...

Madadapa ka.

Matatalisod ka.

Mauuntog ka.

Masusubasob ka.

Matatapilok ka.

Mangungudngod ka.

Subalit sa pagbagsak mo bang iyon may natutunan ka?

A priest from our seminar (for lectors and commentators) told us

"Minsan, tatapikin ka ni Lord."

Nabanggit ko sa unang article ko na may mga ways si God para magreach out satin. Isa na nga dito yung sinasabi ni father na "pagtapik".

Mag example tayo para mas madaling maipaliwanag.

NEW JOB.

Pagtapos mong makamit ang inaasam-asam na trabaho, nasaan ang pangako mong maglilingkod ka parin? Nasaan ang pangarap mong makatulong sa pamilya at kapwa? At higit sa lahat...

Nasaan ang dating ikaw?

LOVELIFE.

Whew. Makakarelate ang lahat.

Novena, intention sa rosary, padasal sa kaibigan at walang kamatayang 1 Corinthians 13:4-8 --- lahat ng yan isinasaalang-alang kapag nanliligaw o kaya may gustong sagutin.

Pero pag inlove na kayo sa isa't isa, diba ang mundo ay tila umiikot na lamang sa inyong dalawa?

Si kupido nalang ang kilala ninyong anghel at simbang gabi nalang ang alam ninyong misa.

Nasaan ang dating kayo?

PAMILYA, PAG-AARAL, KAIBIGAN at ang iba-iba pang aspeto na nakapaghihiwalay sa atin kay Kristo.

Marami kasi sa atin kapag nasa itaas e masyadong ineenjoy ang alapaap. We forget to humble ourselves, to share what God has given us, and often...we forget to thank Him.

At darating ang araw na tatapikin ka na.

Wag kang magdrama.

Nangyayari ito hindi para paiyakin at pahirapan ka kundi para magbago ka, matauhan ka, at maalala mo Siya!

Sabi nga...

"Life is like a heart monitor. Wihout the ups and downs , you arent living."

Alam ng Diyos na hindi tayo perpekto at nauunawaan Nya yun. Kaya nga may mga alternative way Siya para muli...bumalik tayo sa Kanya.

Ang kailangan lang ay intindihin natin ang mga pamamaraan Niya para sa susunod na maabot natin ang itaas, kasama parin natin Siya.

Diary of God's GoodnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon