tpg Part 2

7.3K 163 5
                                    


Chapter two

THE kidnapping incident happened the day after their graduation.

Ang plano ay magsu-swimming sila ng mga kaibigan at kaklase.Parang celebration na nila iyun sa kanilang pagtatapos.Sa katunayan ay sinagot pa ng daddy niya ang expenses,na lalong ikinatuwa ng mga kaklase niya.

Pinara niya ang unang traysikel na nakita niya,at nagpahatid sa bahay nina Carrie,na siyang meeting place.Bigla siyang na-alarma nang mapansin niyang ibang daan na ang tinatahak nila.Sinabi niya sa driver na mali ang dinadaanan nila,ngunit parang walang naririnig ito.Kinabahan siya.Hindi naman siya stuntwoman at lalong hindi siya si Wonderwoman,but she manage to get out of a moving tricycle,at tumakbo siya ng pagkabilis-bilis na para bang hinahabol siya ng sampung demonyo.Napakinabangan niya ang kanyang pagiging runner.Alam niyang hinahabol siya ng kanyang perpetrator,ngunit hindi na siya nag-abalang lumingon.Nakahinga siya nang maluwag nang may mga makasalubong siyang mga tao,at nagkataong isa doon ay ang konsehal ng barangay.Napakinabangan niya ang pagsama-sama niya sa kanyang ama tuwing naglilibot ito sa mga baryo,dahil kaagad siyang nakilala ng nasabing konsehal.Nang lingunin niya ang humahabol sa kanya ay naka-u turn na ito,at pinaharurot na palayo ang tricycle.Nai-memorize niya ang numero sa sidecar ng traysikel.Sa pagresponde ng mga pulis,natagpuan ng mga ito ang abandonadong traysikel sa isang liblib na baryo.Ngunit dead end ang imbestigasyon nang malamang peke ang nasabing franchise number,at ang motor naman ay nakaw.

Galit na galit ang kanyang ama nang ihatid siya ng konsehal doon mismo sa munisipyo.

Nang araw ding iyun ay pinag-empake siya ng kanyang ama,at kinagabihan ay nagbiyahe na sila papuntang Manila.

Dave and Morgan are actually her father's bodyguards,sa lahat ng mga tauhan nito,sila ang higit na pinagkakatiwalaan nito pagdating sa seguridad niya,kaya ang mga ito ang kasama niyang nagbiyahe at naging anino na rin niya habang hindi pa siya nakakaalis noon.Dave was a BS criminology graduate,served three years in the local police force until he was recruited by his father.Morgan on the other hand was a Sargeant in the army.Umalis ito sa pagsusundalo upang masubaybayan ang paglaki ng mga anak,nang mamatay ang asawa sa sakit.Tamang-tama naman na ng mga panahong iyun ay naghahanap ng head of security ang kanyang ama.

Hindi na siya nakapagpaalam pa ng personal sa mga kaibigan,mabuti na lamang at parehong sa Manila mag-aaral ang mga ito kaya nagkita-kita pa sila bago siya umalis.

Laking pasasalamat niya dahil nauso ang chats at texts.Napanatili nila ang presensiya ng isa't isa sa buhay nila kahit na magkakalayo sila.

The adjustment period was the toughest period of her stay abroad,lalo na sa mga unang buwan.Super homesick siya.May mga gabing naiiyak siya at gusto nang umuwi ngunit hindi naman puwede.Kaya sa pag-aaral na lamang niya itinuon ang kanyang konsentrasyon.Kaya naman hindi nakapagtatakang napabilang siya sa dean's list.Ang inspirasyon niya ay ang isiping kapag nakatapos na siya ay puwede na siyang umuwi,lalo't nangako ang daddy niya,na when his last term as vice mayor comes,hihinto na ito sa pagpupulitika,para makapamuhay na sila ng normal.But that didn't happened soon.Dahil muling sumubok ang kanyang ama,at nanalo nga itong mayor.

Medyo nagtampo siya noon sa kanyang ama nang hindi nito tuparin ang pangako.Ngunit sa huli ay nanaig ang pagiging pusong mamon niya,kaya nang dalawin siya nito ay agad din siyang bumigay.Doon nangako ang kanyang ama na kapag graduate na siya,ay puwede na siyang magbakasyon.At iyun ang pinaghawakan niya.Kaya,isang linggo pagkatapos ng graduation ay bumili na siya ng tiket na pabalik ng Pilipinas.

Kaya heto siya ngayon.

"Tinanong ka nga nun noong last time na nagbakasyon dito," patuloy ni Annie na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

The Pretend GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon