Chapter four
Napapangiti si Ronny habang papalayo sa bahay nina Mayor Kenneth Roque.Ngayong nagkalakas na siya ng loob na hingin ang bendisyon ni Mayor para ligawan ang anak nito,ngayon pa ba siya susuko?Katulad nga ng sinabi niya kay Kensi,he's a patient man.Alam niyang mabigat ang loob ng babae sa kanya. At alam din niya kung bakit at kung kailan nagsimula iyun.
First year high school.
Unang araw pa lamang ng klase ay napansin na niya ang babae.At alam din niyang anak ito ng kasalukuyang vice mayor.But that didn't stopped him.Linapitan niya ito at ipinakilala ang sarili,pero para siyang nainsulto nang hindi sumagot ang babae at hindi tinanggap ang pakikipagkamay niya. At para pagtakpan ang nasaktang ego,he commented on her hair.Eh,sensitive pala ang babae pagdating sa buhok nito, from then on, a silent war has been declared,lalo't silang dalawa ang laging naglalaban sa top honors.
Nakita niya ang pamumula sa mukha nito at pagkapahiya,but it took only seconds bago ito rumesbak sa kanya.Kaya naman lalo siyang humanga sa babae.Akala niya noon,ay iiyak na lang ito sa isang tabi o di kaya naman ay magsusumbong sa tatay nito.
He is the youngest of the Villa Roman cousins,at dahil hindi umuubra ang mga kakulitan niya sa mga kapatid at mga pinsan niya,sa mga kaklase niya ibinubuhos iyun at isa si Kensi sa mga naging biktima niya.Although ang pangungulit at pang-aasar niya sa babae ay paraan lamang niya para pansinin siya nito.Kensi has the tendency to ignore him,kahit noon pa man,at nakukuha lamang niya ang atensiyon nito kapag inaasar niya.
He hadn't seen Kensi since they were sixteen,nang biglang umalis ito after a kidnapping attempt.Paminsan-minsan nagkakabalitaan sila ng mga dating mga kaklase,but Kensi never came back,kahit magbakasyon lang.Madalas na ang Mayor ang pumupunta sa US para dalawin ito.
Hanggang sa magbakasyon noong isang taon si Kensi.Pinadalhan siya n email ni Carrie tungkol sa reunion ng kanilang batch,at kahit mag-absent siya sa kanyang klase,dahil noon ay nasa huling taon na siya ng kanyang Engineering course,ay nag-attend siya sa nasabing outing.
Nakita niya si Kensi for the first time after six years,and boy,she was hot.Doon lang niya naramdaman ang ganoon.He fall hard for Kensi.Pero wala siyang ginawa,dahil nang mga panahong iyun,he was in a relationship.Isa pa,dedma nga ang babae sa kanya.Kaya naman lalo lang niyang inasar ito.
Nalaman niya sa mga pinsan na tapos na pala ito sa pag-aaral kaya umuwi ito para magbakasyon bago magsimula sa bago nitong trabaho.She was not staying for good.The mayor was afraid na habang nakaupo ito sa puwesto,may magtatangka at magtatangka pa rin sa buhay ng anak nito.
And then six months ago,napag-alam niya mula pa rin sa isa sa mga pinsan niya,na bumalik na naman ang babae,and this time for good na.Bigla siyang natuwa.Lalo at break na sila ng dati niyang girlfriend.Kung baga,malaya na siyang makakapanligaw.
Natuwa siya nang makita ang babae sa lingguhang laro nila ng basketball na magpipinsan.Kasama nito ang mga kaibigang sina Carrie at Annie.Ang mga ito ang binasagang inseparable trio noong high school days nila.At mukhang hanggang ngayon,ay inseparable pa rin ang tatlo.
Nilapitan niya ang babae,pero inignora lamang siya nito at tinaasan ng kilay.Nakantiyawan tuloy siya ng mga pinsan.Lalo pa siyang nakantiyawan nang ang kalabang team ang ichini-cheer ng magkakaibigan.Pero hindi siya nawalan ng pag-asa.Pasasaan ba't makukuha din niya sa tiyaga ang babae.
Pero mailap talaga ang babae.Kaya hayun gumana na naman ang kakulitan niya.Hindi nga ba't pinapansin lang siya ng babae ay kapag inaasar niya ito,kaya sinasagad na niya.

BINABASA MO ANG
The Pretend Girlfriend
רומנטיקהAnd the story of the Villa Roman cousins continues...this time yung story naman nina Kensi at Ronny. ***book cover by Maria Olivia TEASER 1: Kung yung iba ay may high school sweetheart,siya naman ay may high school enemy.Unang araw pa lamang nila...