tpg 7

4.5K 117 7
                                    


Chapter seven

"Bakit ang tagal niyo?" kaagad na sita ni Carrie pagdating nila.

"Sabi ko naman sa inyo,hindi ko alam kung anong eksaktong oras matatapos ang meeting namin sa mga barangay captains." Katwiran niya. "BAkit ba?As if,may lakad pa kayo,pagkatapos dito.".

"Huwag mo nang pansinin yan." Sumabad si Annie. "Nakasalubong niya yung bodyguard mo kanina,kaya mainit na naman ang ulo."

"Hindi ko siya nakasalubong.Sinadya niyang banggain ako." Katwiran naman ni Carrie.

"Hello ladies," sumabad at bati ni Ronny sa mga kaibigan.

"Isa ka pa." mukhang mainit talaga ang ulo ng kaibigan. "Huwag na huwag mong lolokohin ang kaibigan namin at malilintikan ka sa amin." Banta nito.

Ngumiti lang ang lalake. "Akala ko doon sa mga bodyguards mo ako dapat matakot,hindi pala.Mas nakakatakot pala ang dalawang ito."Baling nito sa kanya.

Ngumiti siya. "Kaya nga.Beware." sagot naman niya. "Nag-order na kayo?" tanong niya sa dalawa.

"Oo.Yung dati...ihabol mo na lang doon kay Marlon ang sa inyo." Si Annie ang sumagot.

Lumamig din ang ulo ni Carrie nang nangangalahati na sila sa inorder nila.Kaya okey na ang mood nito nang paalis na sila doon sa ice cream parlor.

Nag-text na lang siya kay Dave na hindi na siya kailangang sunduin.Kapag kasi tinawagan niya ito,hindi niya mapipigalan ang sariling sitain kung ano naman ang ginawa nito,at ganun na lang ang init ng ulo ni Carrie kanina.

Smooth sailing ang relationship nila ng nobyo.Kinalingguhan pagkatapos nilang i-meet ang mga kaibigan niya sa ice cream parlor,ay pormal naman siyang ipinakilala sa mga magulang at kamag-anak ng lalake bilang nobya.Her boyfriend went to the extent of organizing a barbeque party to introduced her to his family.And she really appreciates it.Lalo at welcome na welcome siya sa mga kamag-anak nito.

Now,it has been three months.May mga kaunting away,kaunting tampuhan,pero agad ding nareresolbahan.

Medyo madalang nga lang silang magkita lately dahil abala ang lalake sa trabaho.Pagkatapos nitong kontratahin ang pagre-renovate sa bahay ni Emily,ang asawa na ngayon ng pinsan nitong si Harley,ay sunod-sunod na ang projects na nakuha nito.Kaya minsan sa telepono lang sila nagkaka-usap.

Siya naman,ay wala pa ring ginagawang move para maghanap ng permanenteng trabaho.Puwede sana niyang gamitin ang mga koneksiyon ng kanyang ama,pero ayaw niya gawin iyon.Isa pa,nag-e-enjoy pa siya sa kanyang ginagawa sa kasalukuyan.Hindi naman siya magugutom,kahit papaano.And in two years time,makukuha na niya ang kanyang trust fund mula sa mommy niya.She planned to put up a business.Hindi pa nga lang niya alam kung anong negosyo iyun.

Sabi nga,lahat ng relasyon ay nahaharap sa mga pagsubok.At sa ikalimang buwan ng kanilang relasyon,naharap sila sa isa.

Hindi niya inaasahan ang taong biglang dumating sa munisipyo.

Fernan Avila Jr. in the flesh. Ilang buwan na rin niyang hindi nakikita ang lalake.Ang alam niya,nasa Singapore ito,dahil doon talaga naka-base bilang isang arkitekto.Actually,noong una,nayayabangan siya sa lalake.But he's really a good man,when you get to know him better.Kaya nga they hit it off sa kanilang date after the auction.Sumama pa nga ito sa ilang medical missions nila that time.But there never were sparks.Magaan ang loob niya sa lalake bilang isang kaibigan,bilang isang kuya,katulad ng turing niya kay Dave.At alam iyun ng lalake.Sinabi rin nito sa kanya,na ganoon din ang nararamdaman nito sa kanya.It's pure platonic. Kaya nga hindi siya naiilang na gantihan ang yakap nito nang makita siya.

The Pretend GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon