tpg 10(last chapter)

6.7K 196 11
                                    


Chapter 10

Hindi na siya nagpatahi ng wedding dress.Noong nag-attend siya sa kasal nina Harley at Emily,she fell in love instantly with the bride's wedding dress.Actually,iyun ay ipinasadya para kay Jastine,at ang kilalang designer na si Daniella Day pa ang gumawa.Ngunit hindi natuloy ang kasal ni Jastine sa salawahang nobyo nito,kaya si Emily ang unang nag-suot.Nang ikasal ang isa pang pinsan ni Ronny,iyun din ang isinuot ng bride nito.At dahil magkakasingkatawan lang naman sila,and she really love the dress,she asked Jastine if she can wear the dress on her wedding day.

"My pleasure," wika ng babae,nang tawagan niya ito. "Mabuti nga yun,para mapakinabangan...coz I'm not sure if I will ever wear it myself." Wika pa. "Isa pa,hindi ako makakadalo sa kasal niyo,but wearing that dress would be like I'm there with you.Send me pictures,okey." Bilin pa,bago nito ibinaba ang telepono.

The wedding day was a blast.Parang nakikisama ang panahon.Kagabi ay parang may bagyo,ang lakas ng hangin at ng ulan.Ngunit nang magising siya kanina,ang liwanag ng ulap,at ang ganda ng sikat ng araw.

"Dad naman eh." She has never seen her father this emotional.

"Masisisi mo ba ako? You're my baby girl.Tapos ngayon,Ronny will take you away just like that?".

"He's not taking me away." Gusto niyang matawa,at the same time ay nag-uumpisa na rin siyang maging emotional. "I'm still your baby girl,will always be your baby girl,that is,kung hindi ninyo kami bibigyan ng baby sister ni Kenji.Saka ayaw mo nun,madadagdagan ang anak mong lalake?".wika niya.

"Kuntento na ako kay Kenji..."katwiran nito.

Tuluyan na siyang natawa sa sagot ng ama.

"You think,mommy is looking over me?"maya-maya ay tanong.

"I'm sure she is...be happy,baby girl.That's what your mother and me wants." At niyakap siya ng daddy niya,bago bumaba ito ng kotse,at saka siya inalalayang bumaba.

All out talaga ang celebration,bumaha ang pagkain at inumin.The Villa Romans really know how to party.

Karamihan sa mga bisita ay nagsipag-uwian na,ngunit ang buong entourage at ilang miyembro ng pamilya ay nasa hotel pa.It's a night of celebration.Finally they are husband and wife in the eyes of the Lord.Of course,they have been husband and wife for the last three months,pero siyempre iba pa rin yung may basbas ang simbahan.

They wanted to continue the celebration til the wee hours,so they booked rooms for their friends and family.Palibhasa sa makalawa pa naman ang alis nila para sa isang Asian Tour,bakit hindi pa nila lubus-lubusin ang pagse-celebrate?

The entourage met again at the hotel bar,pagkatapos na makapagbihis ang mga ito sa mas komportableng damit kaysa sa mga suot nila kanina sa kasalan.At doon nga nila itinuloy ang kasiyahan.

But something happened.Annie disappeared.Nagpaalam lang ito na magpapahangin lang sandali dahil medyo nahihilo na ito sa naimon,ngunit hindi na bumalik ito.Kahit ano'ng hanap nila,wala. Wala ito sa nakatalagang hotel room nila ni Carrie,wala din ito sa bar,at sa ibang parte ng hotel.They were so worried and about to call a search party when she finally come back after more than three hours of disappearance.

Pagkatapos nilang sabunin ni Carrie ang kaibigan,ay bumalik na siya sa lobby kung saan naghihintay ang asawa.Lumabas kasi ito ng silid dahil sa kagustuhan ni Annie na sila lamang ni Carrie ang kakausapin.At naintindihan naman iyun ni Ronny.Kahit pa,mag-asawa na sila,at kaibigan na rin nito ang babae,minsan may mga bagay na sa mga kaibigang babae mo lamang masasabi.

"All good?" tanong kaagad ng lalake nang makita siya.Sinalubong siya nito.

Tumango siya.Although,parang nakukunsensiya siya na hindi niya masabi sa asawa ang ipinagtapat ni Annie.

"Good." Wika pa nito. "Dahil kanina pa ako excited sa wedding night natin..."

Namula siya.At natawa na rin. "Morning na."

"Whatever.Excited pa rin ako."

"Me too..." amin niya.Isinantabi na muna niya ang alalahanin tungkol kay Annie.This is her night.Their night.

"Eh,ano pa'ng hinihintay niyo?Pasko? Doon na nga kayo sa suite niyo at baka dito pa kayo magkalat...." nang lingunin nila ang nagsalita,it was Henrik,ang isa sa mga Villa Roman cousins,na nagbakasyon para dumalo sa kasal..Hindi niya masyadong ka-close ito,dahil sa abroad nga naka-base.

Natawa sila.Sinunod nila ang payo ni Henrik,at magkahawak kamay na tinungo ang kanilang suite.

Ilang segundo lang,pagkalapat ng pinto,ay muling bumukas iyun.Half naked Ronny,putting the sign, 'Do not disturb' on the door knob.

Fin

Note: thank you for reading....susunod  na ang love story nina Annie at Reece....pero bago yun,magbabakasyon muna si ako.So,for the next 6 weeks,walang bagong story at walang updates.

Hope you enjoy these connected stories of the Villa Roman cousins...

Don't forget to vote,share and comment...



The Pretend GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon