tpg 6

4.7K 132 1
                                    


Chapter six

MAgkakasunod ang handaan sa kanilang pamilya. Pagkatapos ng 80th birthday party ng lola nila,ay ang nalalapit na kasal naman ng pinsan niya ang pinaghahandaan.Not ate Jastine's wedding but kuya Harley and Emily's wedding.

Hindi na matutuloy ang kasal ng pinsan niyang babae,dahil natuklasan nitong salawahan pala ang fiancé nito.

Kuya Harley and Emily,who acted as wedding planners,fall for each other,at para hindi masayang ang pagpapa-planong ginawa nila,ang mga ito na lamang ang ikakasal.

Katatapos lang nilang maghapunan,at nagkayayaan ang mga kalalakihan na mag-inuman.

"Ibang klase din kung dumiskarte yung anak ni Gob, ano?" napahinto siya sa paglalakad papuntang kusina upang kumuha ng yelo nang marinig ang boses ni kuya Harris.

"Bakit,ano'ng ginawa ng yabang na yun?" narinig niyang tanong ni kuya Harmon,ang pinakamatanda sa kanilang magpipinsan.Hindi na lingid sa kanilang magpipinsan na mabigat ang dugo ng kanilang kuya Harmon sa anak ng gobernador.

"Sumama lang naman siya sa medical mission namin noong isang araw.Hindi na makapaghintay sa dinner date nila ni Kensi." Pagkukuwento ni kuya Harris. "Alam mo,hindi ko maintindihan kung bakit ka nayayabangan doon.Actually,he's quite a charming man.And I think maraming pogi points ang na-score nito kay Kensi." Dugtong pa nito. "Hindi gumana ang drama ni Bunso..." narinig pa niyang wika ng kanyang pinsan.

Alam ng mga ito ang totoo.Na hindi niya talaga girlfriend si Tina.Kaklase niya dati at barkada niya ito.Tina was one of the few female classmates he had in college.Naging close sila,at parang kapatid na ang turingan nila.Para bang she's one of the boys.Nasa probinsiya ang babae dahil sa trabaho nito,at hindi nito pinalagpas ang pagkakataon para magkita sila.That's when he got the idea na maging pretend girlfriend niya ito just to see how Kensi would react.But that idea backfired at him.Dahil ngayon mukhang lalong mas lumayo pa ang loob ni Kensi sa kanya.

"Ronald Yvan,nasaan na ang yelo?" sigaw ni kuya Lex.

"Andiyan na..." ganting sigaw niya. Kinuha ang pakay,at agad nang bumalik sa umpukan.

Araw ng kasal.

Isa sa mga ninong ang Mayor.Kasama nitong dumating sa simbahan ang pangalawang asawa nito,kaya hindi na niya inaasahan na dadalo pa si Kensi.

Ngunit noong nasa reception na sila,bigla siyang napalingon,na para bang may radar siya.Sigurado siyang dumating ang babae.Just her presence makes his heart beat faster.Ngunit agad siyang nadismaya nang makita kung sino ang kasama nitong dumating.Hindi ba't one time dinner date lamang ang premyo sa auction?Bakit ngayon ay magkasama na naman ito at si Fernan Avila Jr.?Nagtagis ang bagang niya.Ngayon ay nahahawaan na siya sa galit na nararamdaman ng kuya Harmon niya sa anak ng gobernador.

"O,bakit ka nag-iisa dito?" nawalan na siya ng ganang makihalubilo kaya lumabas na lamang siya ng ball room,at naghanap ng tahimik na mauupuan niya. "Bad trip ka sa anak ni Gob,ano?Kasi siya ang date ni Kensi?" tanong pa ng kuya Harris niya.

Wala namang silbing magkaila pa siya.Alam ng mga ito na patay na patay siya kay Kensi.

Hindi siya umimik.

"Come on Bunso,walang Villa Roman na sumusuko...bakit hindi ka bumalik doon at ipakita kay Kensi kung ano ang inaayawan niya.Emily's sisters are all stunning,halika na at makipagsayaw tayo sa kanila."

"Kuya,na inlove ka na ba?" biglang tanong niya.

Natawa ang doctor. "In love as in Harley drooling over Emily? Nope." Agad na sagot ng lalake. "Why bother when there are a lot of fishes in the ocean?". Alam ng lahat na may pagka-playboy ang pinsan nilang ito.His patients and those single staff nurses in his ward all succumbed into his charms.Pati nga yata yung mga may asawa may gusto din sa pinsan niya.Kung hindi silang mga pinsan ang kasama nito,at hindi ito nakaduty,malamang may ka-date.

The Pretend GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon