Chapter eight
Feeling niya ay sisintensiyahan siya habang pababa ng hagdan.
Tumayo ang lalake nang makita siya.Sinalubong.And tried to kiss her,pero ibinaling niya ang mukha kaya sa pisngi niya nag-landing ang halik nito.
"Nagtatampo ka pa rin ba?" casual na tanong nito.
"Are we breaking up?" imbes ay tanong niya.
"What!" nanlaki ang mga mata ng lalake. "Ano ba'ng pinagsasabi mo?Saan mo nakuha ang ideyang yan?"
"Nakita kita kahapon.Kasama mo si Tina.Hindi ka nag-text kagabi o tumawag...ano'ng iisipin ko."
"That you're imagining things.I told you before,and I'm telling you again,magkaibigan lang kami ni Tina.I was on my way here nang sorpresahin niya ako.Tapos na yung project niya,at babalik na siya sa Manila ngayon.As a matter of fact,on the way na nga siya sa Manila.Nagpasama lang siyang magsimba bago bumiyahe..."
Bakit hindi ba ito makakapagsimbang mag-isa? Gusto niyang itanong,nguinit muli niyang itinikom ang bibig.
"Alam mo,ang labo mong kausap.Kapag nagseselos ako,nagagalit ka.Kapag naman hinahayaan lang kita,nagagalit ka pa rin.Hindi ko tuloy alam kung saan ako lulugar." Himutok ng lalake. "Kulang pa ba ang mga ginagawa ko para maramdaman mong mahal talaga kita?" tanong pa. "Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga insecurities mo.Ang Kensing kilala ko sa high school,hindi insecure.What happened to you?"
"Hindi ako insecure." Defensive na wika niya.
"Then what are you? Sinabi ko nang magkaibigan lang kami ni Tina,don't you trust me?"
"Yeah right,like you trusted me when you saw me with Fernan."
"Babalik na naman ba tayo sa issue na yan? Akala ko ba tapos na yan? Nag-sorry na ako doon sa tao,nag-sorry na rin ako sa iyo,na nagawa ko lang yun dahil sa tinding selos,dahil mahal kita.What more do you need from me?Blood?".
Natahimik siya.
Ano nga ba talaga ang gusto niya?Dahil sa totoo lang,hindi na rin niya maintindihan ang sarili.Sabi niya,hindi siya insecure,but the truth is she's insecure.Ngayon pati sarili niya,niloloko niya.One thing is sure though,ang insecurities na nararamdaman niya ay dahil sa takot na mawala ang lalake sa kanya.
They sat in silence.Both trying to gather and organized their thoughts.
"Paikot-ikot lang tayo," maya-maya ay wika ng lalake."Why can't we go back to the way we were?" tanong pa.
Napatitig siya sa lalake.Bakit nga ba hindi?What's keeping them?
Napabungtunghininga siya.
"Okey." Wika niya.
Napatingin ang lalake sa lalake. "Okey?".
TUmango siya. "I'm sorry I doubted you..."
Tumayo ang lalake and gathered her into his arms. "Ikaw talaga,pinakaba mo ako.At sorry din kung may mga nagawa ako para pagdudahan mo...tama na ang tampo-tampo,okey?"
Tumango siya.Keeping her emotions,instead she hugged him tighter.
Para na naman silang bagong mag-nobyo ng mga sumunod na araw.Nagkulay-rosas na naman ang paligid.And surely her mood has improved for the best.Sabi nga ni Dave,ang galing naman daw ng dentistang gumamot sa ngipin ng tigre.Tinawanan lang niya ang lalake.

BINABASA MO ANG
The Pretend Girlfriend
RomanceAnd the story of the Villa Roman cousins continues...this time yung story naman nina Kensi at Ronny. ***book cover by Maria Olivia TEASER 1: Kung yung iba ay may high school sweetheart,siya naman ay may high school enemy.Unang araw pa lamang nila...