Chapter five
Limang araw na mula noong mangyari ang barilan.At limang araw na rin niyang hindi nakikita si Ronny.Although updated siya sa kalagayan ng lalake,iba pa rin yung makikita at makakausap sana niya ito ng personal.Kaso,nakahiyaan na niyang bumalik pa sa ospital.
Sumunod siya sa ospital nang isugod doon ang lalake at ang kanyang body guard.At hindi siya umalis hangga't hindi niya nasisigurong ligtas ang mga ito.Her dad was with her the whole time.Dumating din ang mga kaibigan para damayan siya.
Nang gabing magkamalay ang lalake,mga magulang lamang nito ang pinayagang pumasok sa ICU para makita at makausap ito.She wanted to go,pero wala naman siyang karapatan,although nakokonsensiya siya na nalagay sa ganoong sitwasyun ang lalake dahil sa kanya.He was at the wrong place at the wrong time.Ngunit nagpapasalamat din siya sa Diyos na nandoon nga ang lalake noon,dahil kung hindi malamang pinaglalamayan na sila ni Dave sa mga oras na iyun.Naalala niya ang kanyang body guard.Katulad niya ay nakokonsensiya din ito sa nangyari kay Ronny,kahit ilang beses na niyang sinabi,sila ng daddy niya,na hindi nito kasalanan ang nangyari.Pati si Morgan ay nako-konsensiya.Nang araw na iyun kasi ay masama ang pakiramdam nito,kaya si Dave lamang ang kasama niya.At dahil sa munisipyo lang naman sila pupunta,kung saan nagkalat ang mga pulis sa kalapit na presinto,hindi na nagsama ng makakasama ng lalake, saka naman may mangyayari.
Buhay ang dalawa sa armadong kriminal.Yung lalakeng nakahawak sa kanya ang hindi nakaligtas.Matapos siyang mabitiwan,at barilin si Ronny,nagkaroon ng pagkakataon ang mga pulis at si Dave na rin na barilin ang lalake.Napuruhan ito dahil hindi lang tatlong bala ang tumama sa katawan nito.
Nahuli na rin ang mastermind ng kidnapping attempt.Ang mahigpit na kalaban ng kanyang ama sa pulitika noon,the same mastermind behind the first kidnapping attempt when she was sixteen.Na kaya pala galit ang nasabing mastermind sa kanyang ama,ay dahil isa ang daddy niya sa mga naging witness noon sa mga corruption charges nito .Nakulong ito ng ilang taon,at hindi na ito nakabalik pa sa pulitika pagkatapos nun.He hold that grudge for years,at alam nito na ang pinakamabisang paraan para saktan ang kanyang ama ay sa pamamagitan niya.
Parang naka-magic mic ang dalawa sa pagkanta nang interogahin ito ng mga imbestigador.Sa ngayon ay nakakulong na uli ang nasabing mastermind, sa salang attempted kidnapping at attempted murder.
"Nakalabas na mula sa ICU si Ronny..." hindi niya namalayan ang paglapit ni Dave.Actually pinagbakasyon nila ito upang makapaggaling ng husto ngunit makulit ang lalake.That he's fine at daplis lamang ang sugat nito.Kaya ngayon ay tatlo-tatlo ang kanyang bodyguards.Ayaw mag-take chances ng kanyang ama kahit nakakulong na ang mastermind.Kung sabagay,hindi niya masisisi ang lalake.Mag-isa lang ito sa bahay,kaya nga halos sa bahay na nila ito nakatira.Hiwalay ang mga magulang nito.Ang kanyang ama ay may ibang pamilya na sa Hawaii,ganoon din ang ina nito.
"Sabi nga ni daddy..." sagot niya. Kaaalis-alis lang ng mga kaibigan niya.
"Gusto ko nga siyang dalawin,gusto mong sumama?" tanong nito.Noon pa man ay malapit na ang loob niya sa lalake.Parang kuya na ang turing niya dito,at parang kapatid na din ang turing ng lalake sa kanya.They have this instant connection nang ipakilala sila ng daddy niya sa isa't isa.
"Gusto ko,pero hindi ba nakakahiya?". DAhil sa totoo lang,nahihiya siya sa mga magulang at mga kamag-anak ng lalake.She was at the hospital with them that afternoon,at hindi siya umalis hangga't hindi niya nasisiguradong buhay ang lalake.Wala ni sinumang sumisi sa kanya.Imbes ay siya pa ang inaalo,habang inooperahan ang lalake.
"Sus,bakit ka naman mahihiya?Dadalaw lang naman...saka sigurado matutuwa yun kapag nakita ka." Pagpapalakas ng loob ng lalake.
"Sige.KAilan mo ba balak pumunta?".agad na ayon niya.Dahil sa totoo lang gusto niya talagang makita ang lalake.
![](https://img.wattpad.com/cover/57266104-288-k996364.jpg)
BINABASA MO ANG
The Pretend Girlfriend
RomansaAnd the story of the Villa Roman cousins continues...this time yung story naman nina Kensi at Ronny. ***book cover by Maria Olivia TEASER 1: Kung yung iba ay may high school sweetheart,siya naman ay may high school enemy.Unang araw pa lamang nila...