I

1.6K 25 28
                                    

"Shiela!"

Nagmamadali nang mag-ayos si Shiela dahil meron silang date ngayon ng kaniyang nobyo. Matagal tagal na rin sila, mga 6 months.

"Wait lang, eto na po."

Sa tagal na rin ng nangyari noon ay malamang nakalimutan na nila iyon. O maaari ring ayaw na nilang alalahanin iyon.

But the past will always haunt you.

Nagmamadaling bumaba si Shiela papunta sa sala upang puntahan ang nobyo niya.

"Lika na?"

"San mo gusto?"

"Kahit saan basta kasama ka, Thomas."

Agad naman silang lumabas ng apartment at sumakay sa kotse ni Thomas.

"Thomas, sa tingin mo ba okay na siya ngayon?"

"Hindi ko alam, at wala na rin akong balak alamin."

Tumahimik na lamang si Shiela dahil ayaw niyang pagawayan pa nila iyon. Ngayon na lamang kasi natanong ni Shiela ang tungkol sa bagay na iyon.

Dahil hanggang ngayon ay, may takot pa rin siya.

Tahimik lamang sila sa buong byahe. Walang nagsasalita, isang ingay lamang ang kanilang naririnig, ang aircon.

Nang makarating sila sa isang cliff ay naglatag si Thomas ng tela sa may lapag. Picnic lamang ang naisip ni Thomas na date nilang dalawa dahil wala siya masyado sa mood. Si Shiela lamang kasi ang may gusto na mag-date sila.

"Picnic lang?" pagrereklamo ni Shiela.

"Wala ako sa mood Shiela."

"Wala ka pala sa mood tapos papayag ka makipag-date? Anong kalokohan 'to?" medyo naiinis si Shiela sa inaasal ni Thomas ngayon.

"Kasi mahal kita. Kahit wala ako sa mood, sasamahan kita."

Natigilan ang dalaga sa narinig niya. Marahil ay naramdaman niya ang pagmamahal ng binata sa kanya. Kahit na wala ito sa mood ay mas pinili niyang makasama ang dalaga, kasi mahal niya.

"I'm sorry."

Niyakap na lamang ni Thomas sa Shiela.

"Okay lang, ang importante magkasama tayo."

Naupo naman sila sa lapag at nagsimulang kumain. Nagkwentuhan lamang sila ng kung anu-ano. Basketball, volleyball, music, pagkain at marami pa.

Pagsapit ng sunset ay inakbayan ni Thomas si Shiela. Sumandal naman ito sa dibdib ng binata. Tinitigan lamang nila ang paglubog ng araw.

"Shiela,"

Inangat naman ng dalaga ang ulo niya. "Ang bango mo talaga Thomas." sabi ng dalaga sa sarili niya.

"Hinding hindi kita makakalimutan."

"Promise?"

"Promise."

---

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon