Chapter 2: The Search

4.3K 97 6
                                    

-xxx-

"Paano na'tin sila hahanapin?"

"Kailangan natin ng plano."

Nasa entrance na kami ng base namin at papunta na kami sa mundo ng mga humdrums. May pinadala namang map si Sir para mas mapabilis ang paghahanap namin sa kanila. Pinaliwanag ni Sir na may natagpuan silang apat na Vitanturs recently kaya kailangan namin silang dalhin sa base namin. Hindi sila katulad namin na pinanganak na kabilang na sa tribe. 'Yung iba kasi, posibleng nahiwalay sa grupo namin o baka naman ay galing sa ibang tribe at na-develop ang kakayahan though madalang lang 'yun.

Madalas naman kaming nakaka-encounter ng mga humdrums dahil kasama rin 'yun sa mga tasks ni Sir Kai kaya hindi na 'yun bago sa amin. Except, the other tribes. Mostly ang nakikita lang namin ay ang mga Senshin at minsan mga Shinigami. 'Yung Custos at Huntres ay parang once in a blue moon lang ata nagpapakita. Hindi rin kasi kami nakikipaghalubilo sa kanila kasi nga secret tribe kami.

Nang nakarating kami sa edge ng gubat ay sumakay kami sa van namin at nagmaneho si Shiro. Hindi namin magagamit ang portal ni Aiku dahil baka makita kami ng ibang tao kaya kailangan naming sumakay.

Tiningnan naman ni Naori ang map na binigay ni Sir kanina. Ilang segundo habang tinitingnan niya ito ay biglang may picture ng map na nag-appear sa mind namin, except Shiro since he's driving. Ito ang combination ng sixth senses ni Naori.

Naori's first sixth sense is to share vision. Meaning, she can transfer her vision to someone else's. Ang nakikita ng ibang tao ay nakikita rin niya, but only if the person is within her sight. Her second sixth sense is vivid visualization or to picture out something vividly. If she imagines something, she can picture out every detail. And if she combines her sixth senses, she can make you see whatever she wants you to see. Kaya niyang i-blind ang tao gamit nito, dahil wala kang ibang makikita kundi ang picture na pinapakita niya.

"Dito natin makikita ang unang subject," tapos biglang nagkaroon ng bilog ang isa sa mga location. "Siya muna ang uunahin natin." At biglang nawala ang picture sa mind namin at bumalik na ang paningin namin sa realidad.

"Paano natin siya huhulihin?" Tanong ko.

"Una, dapat kumuha muna tayo ng mga information sa kanya primarily tungkol sa magulang niya. Tapos i-ba-blind siya ni Naori at doon na natin siya huhulihin. Sisiguraduhin nating walang makakakita at makakaalam na dinukot natin siya. Dadalhin ko muna siya sa van ta's iteteleport ko nalang siya papunta kay Sir. Then proceed to the next targets."

"That's a great plan Aiku, pero ilang metro na ang kayang maabot ng portal mo?" Tanong ni Shiro habang nagmamaneho.

"It can only reach as far as 1 kilometer."

"Pero parang 50 kilometers ang distance mula sa location nila papuntang base. Sobrang layo nun."

"Wala sa base natin sila Sir Kai. Actually may mission din sila ngayon at malapit lang ang location nila sa dadaanan natin."

Nagtaka naman ako sa sinagot ni Aiku. Ibig sabihin kasama rin ni Sir Kai ang ibang Mentors sa base para sa isang mission. Kaya ba may meeting sila kaninang umaga?
    
   
Kinuha ko ang isa sa mga litrato galing sa bulsa ko at ito yung unang target namin. Kinabisado ko muna ang mukha niya para mas madali ko siyang mahanap. Ang unang subject namin ay isang babae na mahaba at maitim ang buhok at 4.5 ft ang height.

Napa-isip ako bigla, sino kaya ang mga magulang niya? I'm sure they're also Vintanturs. Pero bakit hindi namin sila kasama sa tribe namin?

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa location na pupuntahan namin. Isang syudad. Mga gusali ang bumungad sa amin at ang mga humdrums. Kahit sanay na akong nakikita sila ay weird pa rin sa pakiramdam ang makasalamuha sila.

The Forbidden TribeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon