Chapter 18: The Examined

1.3K 20 12
                                    

-xxx-
   
   
Shit! I can't believe I forgot. It's been a month na pala mula no'ng nakilala namin si new girl! That means, isang buwan ko nang nakalimutan na may favor pala akong gagawin para sa kanya.

If I remembered it right, kailangan ko raw sabihin kay dad na he owes something to her.
   
  
But do I still need to tell him? I mean, if it really was that important, she would've reminded me. Pero kung 'di ko naman sasabihin, buong buhay 'to babagabag sa isip ko. So might as well tell him since I remember it now.
   
   
At isa pa, may gusto rin akong sabihin kay dad. Patungkol ito sa naisip kong ideya kung papaano namin sisimulan ang paghahanap ni mom.

Mukhang ito rin ang kauna-unahang beses na pupuntahan ko si dad na desisyon ko mismo, kaya medyo kinakabahan ako. Hopefully hindi siya ganoon ka-busy para maka-usap ko siya kahit saglit man lang.

   
Isang favorite advantage ko bilang anak ng Tribe Co-leader ay ang easy access sa tuwing gusto ko siyang kausapin. Hindi ko na kasi kailangang magkaroon pa ng appointment kapag hindi emergency ang pag-uusapan namin dahil ama ko rin naman siya.
    
    
Tapos na ang buong klase naming mga taga-5th Stage ngayong araw at agad akong nagpaalam sa kanilang apat para pumunta sa Great Hall. Hindi ko sinabi sa kanila kung anong dahilan ko at hinayaan kong mabaliw si Shiro sa pagiging curious niya.
   
   
As usual, medyo busy ang mga tao sa loob sa kani-kanilang mga ginagawa. Kahit napakadami ng kanilang pinagkakaabalahan ay tila walang bahid ng pagod ang mga mukha nila.
     
    
Sa 'di kalayuan, may isang babae na papunta sa direksyon ko. Matangkad, maganda, may mahabang itim na buhok, slim ang pangangatawan at may suot na kwintas na kulay ginto at may pendant na lumilipad na agila.
   
    
Si Ma'am Nia. Mother of Shiro.

Bilang Head ng 'Eagles', kapansin-pansin talaga ang kakaibang aura niya. Parehong nakakabighani at nakakatakot.

Bago pa man kami magkasalubong ay may lalaking matangkad na lumapit sa kanya kaya napahinto si Ma'am Nia. Halatang nasa early thirties pa ang lalake pero kulay puti na ang lahat ng hibla ng kanyang buhok at natatakpan nito ang malaking parte ng noo niya.

Habang papalapit ako sa kanila ay seryosong ekspresyon ang nakapinta sa kanilang mga mukha. Mukhang top secret ang pinag-uusapan nila dahil tila nagbulungan lang silang dalawa. Hindi na rin ako nagtangkang mag-eevesdrop sa kanila at pasimple na lang na dumaan sa tabi nila.
  
   
Nang nakarating ako sa tapat ng pinto ng office ni dad ay nag-alin-langan pa akong kumatok. Bumibigat ang pag-hinga ko. At bago pa man ako kumatok ay biglang nagbukas ang sliding door.
   
    
"Lynus?" Bahagyang nagulat si dad nang nakita niya ako pero napalitan ito ng paniningkit ng mga mata niya. "I don't remember calling you," sambit niya habang nasa tapat pa rin ng pintuan.

Of course, that's because you didn't.
   
  
"B-Busy ka po ba dad? Kusa akong nagpunta dito dahil. . .dahil gusto ko sanang kausapin ka."

"I have a meeting in 15 minutes with Nia and Nol but I could spare you some time." Tumalikod siya at nagtungo sa couch ng office at sumunod naman ako.
  
    
Nol? That name sounds familiar. . .Ah! Tama. The Head of the Owls--Nol, also the son of Sir Shinji. Dad mentioned before that he was the one who took photos of my mom a few days ago. Teka. . .posible kayang siya 'yong lalaking nakasalubong ko kanina kausap si Ma'am Nia?
   
   
"So, what are we going to talk about?"
  
   
Knowing Dad, he's always time-concious. Kaya kailangan kong sulitin ang natitira niyang oras bago ang mahalaga niyang meeting.
   
    
I cleared my throat first before I directly stared into his intense green eyes. "Two matters; first is about Mom and second is about our new mate, Kate Alvares."

I'm pretty sure he knows her because he makes sure that he knows everyone in our tribe. But to my surprise, he only gave me a straight face. Hindi man lang siya na-intrigue sa agenda na pag-uusapan namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Forbidden TribeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon