Chapter 3: The Recruits

2.7K 70 4
                                    

-xxx-

"Good job kids. Hindi ko inasahang magagawa niyo ang task ng ganu'n kabilis."

Nakabalik na kami sa base namin dahil nagawa na namin ang task ni Sir Kai na hanapin ang mga bagong members ng tribe namin. Nasa main quarters kami ngayon at kakarating lang namin.

"Ah Sir, saan na nga po pala sila?" Tanong ko.

"They're under observation for now."

Hmm? Observation? Siguro inoobserbahan nila ang abilities ng bagong recruits. Nacucurious din ako sa mga kakayahan nila. Posible kasing malakas ang sixth sense nila. Lalo na yung huli naming nakuha.

Naalala ko naman bigla ang nangyari sa babaeng huli naming na-encounter. Nung bumuhos bigla ang ulan ay nag-panic siya na parang ayaw niyang umuulan. Pagkatapos no'n ay biglang tumulo ang mga luha niya. Nagtataka ako kanina kung anong nangyari sa kanya. Parang may phobia siya sa ulan. Pero bakit?

At yung sinabi niyang: "You can't take me to any tribes...again." Anong ibig niyang sabihin? Napunta na ba siya dito sa tribe namin? O galing na ba siya sa isang tribe?

At 'yung sinabi niyang hindi siya matatablan ng mga illusions ni Naori. Paano nangyari 'yun?

Ganu'n na ba siya kalakas?

Pagkatapos ng usapan namin ay lumabas na si Sir Kai sa kwarto at naiwan kaming apat.
    
    
***
      
     
Dumaan ang ilang oras at tahimik lang kami nang bigla ko ulit naalala 'yung nangyari sa babae kanina at naisipan kong ikwento sa kanila.

"Guys, naalala niyo 'yung huling babaeng na-encounter natin?"

Napatingin naman silang tatlo sa'kin at sabay-sabay na tumango.

"Kanina sinabi niya, "You can't take me to any tribes...again." Anong ibig niyang sabihin?"

"Kanina ko pa rin iniisip 'yung sinabi niya. Did she mean, nakabilang na siya sa isang tribe tapos umalis or pinaalis siya? Pero bakit?"

'Yan din ang unang pumasok sa isip ko.

"Ang hindi ko maintindihan ay kung paano niya na-block ang illusion ko. Wala pang nakakagawa nu'n sa ability ko ever since. Kahit may mind block ang isang tao ay kaya ko pa ring ma-interfere ang mind niya, though very slight lang. Pero 'yung sa kanya, tila hindi siya natablan."

"Pwedeng dahil sa sixth sense niya 'yun. Though, I do not know what kind of." Sagot ni Aiku.

Napahinto naman kami saglit at nag-isip-isip pa ng anu-anong bagay. Tsaka ko naisip. . .

"Kanina rin, nung biglang bumuhos ang ulan, umiyak siya. Hindi niyo siguro napansin na umiiyak dahil sa ulan. Pero nakita ko talaga kanina. At nag-panic siya."

Natahimik naman silang tatlo sa sinabi ko at napaisip agad ng tahimik.

"Phobia niya ba 'yun o sadyang merong kinalaman ang ulan sa emotional state niya?" Tanong ko.

"Posible. Napansin ko kanina na ang bahay niya ay walang tao. Siya lang ata ang nakatira doon." Sabi ni Aiku at napatingin kay Naori. Magkasama kasi silang dalawa kanina nung hinahanap nila yung bahay ng babaeng last namin na naencounter.

"'Yun din ang nakita ko. Posibleng may kinalaman sa pamilya niya ang reaction niya kapag may ulan." Sabi naman ni Naori.

"So, may naaalala siyang masamang karanasan kapag umuulan? Karanasan ng pamilya niya?" Tanong naman ni Shiro at napakamot siya sa ulo niya na parang naguguluhan.

"Pero pwede ring umiyak siya dahil ayaw niyang madukot ng mga strangers. 'Yun naman talaga ang unang reaction ng mga bata diba?"

"Grabe ka naman Nao, bata? Eh parang magkasing-edad lang tayo nu'n."

The Forbidden TribeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon