Chapter 14: The Self-slaughter

843 18 4
                                    

-xxx-

7:18 AM

"Rise and shine!"

Nagising ako dahil sa ingay na naman na narinig ko kay Shiro. Agad naman akong napabangon mula sa higaaan. Aga-aga pero fully charged talaga 'tong si Shiro.

Pero napalitan ang nakakunot na noo ko ng kalmadong mukha at ngiti dahil sa naaamoy kong ulam.

"Ano 'tong naaamoy ko?" tanong ko habang nakapikit at sinusundan ang pinanggagalingan ng masarap na amoy.

"Tara na, sabay daw tayong kakain sabi ni Naori."

Dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom ay nagtungo kami sa dining area ng quarters at nakita ko ang mga pagkaing nakahanda sa mesa.

"Wow! Mukhang masarap 'to ah!" sambit ni Shiro sabay upo sa upuan.

"Talagang masarap 'yan. Ako nagluto eh," sabi naman ni Naori.

Umupo na rin kami ni Aiku para kumain na pero napansin kong wala pa rito si new girl.

"Tulog pa si H-Hana," wika ni Naori. Halata pa rin na naiilang siyang tawagin si new girl sa pangalan ng mom ko. Although it's fine with me.

"Kain na tayo!" Sambit ni Shiro kaya nagsimula na kaming kumain.

Halos hindi ako makagalaw sa unang higop ko sa soup dahil sa sobrang sarap nito.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain at halos maubos na namin ang kanin na para sana sa aming lima. Nasarapan kasi kaya ayun, nagsaing ulit si Naori para may makain si new girl.

RING RING

Sabay kaming napalingon kay Aiku nang marinig naming tumunog ang phone niya.

Kinuha naman niya agad ito at sinagot sabay pag-loud speaker nito.

"Great Hall. Now.~"

Then, pinatay na ng caller ang tawag.

Agad-agad naming tinapos ang almusal namin sabay punta sa mga rooms namin. There's no time to lose.

A call like that means something . . .a special mission.

***

7:30 AM

After preparing ourselves and getting ready, we immediately headed to where we're asked to be--the Great Hall.

Habang mabilis kaming naglalakad ay nakakaramdam ako ng kaba. Kapag may mission kami ay kinakabahan pa rin talaga ako. Kinakabahan ako na baka may masamang mangyari sa amin. Kahit sa dami ng missions na napagtagumpayan namin ay hindi pa rin nawawala ang takot ko.

Kakapasok pa lang namin sa Great Hall ay sinalubong na agad kami ni Sir Kai.

"We have received a report from The Owls that three families were recently dead this morning. These families died with an interval of exactly 45 minutes, all happened in their houses. No clue of why such incident happened but it had something to do with three individuals, but unfortunately, they are still unidentified."

"Serial murder?" tanong ni Aiku.

"No. They all committed suicide."

What?! An entire family committed suicide? And not just one family but three!

"Ano? Nag-suicide silang lahat? Para namang imposible 'yan Sir." wika ni Shiro.

"Well, that's what the news from the humdrums said. Pero sa tingin ko rin ay hindi simpleng suicide ang nangyari sa kanila. There's probably a foul play. And any moment now, there's another family that's gonna die, too."

The Forbidden TribeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon