-xxx-
The gun shot's sound echoed around the forest for a second and the muteness of the forest then came back.
We are currently at the east side of the forest watching a special training. Shiro's training. Nag-pa-practice si Shiro sa hunting skills niya at ang kasalukuyang task niya ay kailangan niyang ma-execute o ma-destroy ang mga hologram targets. But while doing it, he must also be in complete stealth mode kasi pwede siyang barilin din ng mga holograms.
As a hunter trainee, he's required to master all primary skills of a hunter. Once na magiging official member na siya, pwede na rin siyang pumili ng sector na kabibilangan niya upon his choice and skills.
"He's so good. I can't even see where he's hiding." bulong sa akin ni Naori at napatango na lang ako.
Habang nakapwesto sa ilalim ng puno na 50 meters ang pagitan kay Shiro ay kasama kong nanonood sina Sir Kai, Aiku, Naori at si new girl Kate . . .or now named as Hana.
I don't know if this is only a coincidence but of all the names she could've picked, it had to be my mom's.
Nabaling ulit ang atensyon ko sa training ni Shiro kasi may natamaan na naman siyang hologram. Sobrang galing talaga ni Shiro pagdating sa long range attacks. I tried using my first sixth sense, which is enhanced motion sensor, only to find out that I can only feel slight movements of his. Unbelievable!
"His skills in stealth mode is improving as much as his ability is." komento naman ni Aiku. Beside's me, I think alam din ni Aiku kung saan nakapwesto si Shiro. Parang naghahanap pa rin kasi si Sir Kai eh. Ewan ko lang kay new girl. I still don't know what she's capable of.
Naninibago pa rin talaga ako na kasama namin siya ngayon. Some part of me doesn't fully trust her but a part of me also thinks that if she isn't anything but a threat, Sir Kai could've easily known that. Wala rin namang kahinahinala sa mga kinikilos niya kundi ang obvious na pag-oobserba sa mga nangyayari sa paligid niya. Which is fine to me.
Now back to what Aiku said, tama siya. Napaka-helpful ng sixth senses at ability ni Shiro pagdating sa hunting. His first sixth sense is telescopic vision. Kaya niyang i-zoom in and out ang paningin niya. Kahit malayo o maliit ang isang bagay ay maaari pa rin niya itong makita nang klaro. His second sixth sense is filtered vision. Ibig sabihin ay pwede niyang ma-filter ang paningin niya in terms of colors. Kung gusto niyang mga kulay pula na mga bagay lang ang makikita niya ay pwede niyang ma-filter ang vision niya at tanging kulay pulang bagay lang ang makikita niya and everything else turns gray scale.
With my sixth sense, naramdaman ko ang pagkablit ng trigger sa twin guns ni Shiro at magkasunod niyang natamaan ang dalawang holograms.
Shiro's ability is target-locked vision. He can easily locate targets within his sight. Kaya niyang ma-focus ang paningin niya sa iisang bagay regardless of its size, distance and he can even focus on a fast moving object.
"Three more!" sigaw ni Sir Kai.
Kasalukuyan pa ring nakapwesto si Shiro sa punong 40 meters ang taas. Kahit kanina pa nandoon si Shiro at kanina pa niya napapatay ang halos pitong holograms ay nahihirapan pa rin ang mga ito na kahit masugatan man lang si Shiro. All of which were programmed as an average hunter. That means, ang hunting skills ni Shiro ay lagpas na sa average level na hunter.
'He should've placed himself below the branch he's standing.'
Agad naman akong napatingin kay new girl dahil sa sinabi niya through her inner voice.
'Mas advantageous ang pwesto sa baba niya kasi may dalawang puno na nakaharang 10 meters away na pwedeng ma-conceal ang kamay niya 'pag tumira siya. Yes, he's clever at hiding his body but everytime he moves a single muscle nahihirapan siya dahil sa pwesto niya. If he placed himself on the perfect spot mas mabilis sana niyang matatapos ang training.'
![](https://img.wattpad.com/cover/57670811-288-k671005.jpg)
BINABASA MO ANG
The Forbidden Tribe
Fanfiction"The story of the fifth erityian tribe." // Tantei High Fanfiction (ongoing)