Chapter 9: The Forgotten

1.3K 33 7
                                    

-xxx-

"Can I have an antihistamine?" Naori asked.

Agad namang kinuha ng physician ang gamot na hiningi ni Naori.

Kasalukuyang sinasamahan naming tatlo si Naori sa Laboratory Building ngayon dahil nagkaroon siya ng allergic reaction dahil sa Cold Urticaria niya. She's allergic to anything cold. Bigla kasing umulan ng malakas kanina pagkatapos ng last subject namin ngayong hapon at biglang nag-drop ang temperature sa buong gubat.

"Thank you, miss." Pasasalamat niya sa physician pagkatapos binigay ang gamot.

Natapos na ang buong klase namin ngayong araw at pauwi na sana kami sa quarters pero bigla ngang umulan at naging malamig masyado kaya na-swollen 'yung balat niya sa braso. Fortunately, mild lang ito at mabuti na rin agad siyang naka-take ng antihistamine.

Naalala ko rin kanina sa Hoplology class na nag-cringe siya nu'ng nakita niyang may katapat akong hologram ng isang huntres na may ice attribute. Kapag nakaroon siya ng physical contact sa ice siguradong mas worse pa ang allergic reaction niya.

Dahil sa ulan naalala ko rin si Kate.

I'm still bothered with what she said this morning. About my dad owing something to her. Kung ano man 'yon ay hindi niya sinabi kanina at bigla na lang umalis. Pero gaya nga ng sinabi niya, mag-s-stay siya rito. Hindi ko lang alam kung nasaan siya ngayon.

Nagdadalawang isip din ako kung susundin ko ba 'yung sinabi niya o hindi. Ano naman ang kailangan niya kay dad? May nagawa ba siyang kasalanan ky Kate?

"Tara na." Sambit ni Aiku.

Tumango naman kami sa kanya. Habang naglalakad kami papuntang stairs ay nakita namin si sir Kai na pumasok sa isang room dito sa 3rd floor.

That's odd. Anong ginagawa niya dito? If I remembered it correctly, ang room na katabi ng pinasukan niya ay ang room kung saan nilagay ang mga new recruits noong mga nakaraang araw.

"I think they're up to something."

Naging curious si Shiro tungkol sa room na 'yun. Sa aming apat si Shiro ang palaging nagiging curious sa mga bagay-bagay. Masyado rin siyang observant sa paligid niya at mabilis din siyang nakakapag-come up ng mga deductions.

Sa unang tingin pa lang sa room na 'yon ay alam na naming restricted area ito kaya hindi kami basta basta makakapasok. Sabay kaming tatlong tumingin kay Aiku.

"I can't see what's inside. The room's walls are surrounded by some sort of energy that can disallow a person to use sixth sense through it."

Ngayon ko lang din nalaman na may ganitong uri pala ng room dito sa laboratory building. Restricted nga pala talaga. At gaya nga ng sinabi ni Aiku, hindi raw gumagana ang x-ray vision niya dahil sa walls ng room na 'yon.

Hindi naman sa pagiging chismoso't chismosa pero naging sabik kaming apat na malaman kung anong meron sa loob ng room na 'yon, sa pangunguna ni Shiro, at agad namang naka-isip ng plano si Shiro kung paano kami makakapasok.

Pumwesto kaming apat malapit sa pintuan ng room. Kumatok ako ng mabilis na kunwari may nagmamadaling pumasok para agad itong buksan ng kung sino man ang nasa loob.

Pagkatapos kong kumatok ay binuksan naman kaagad ng isang worker na babae ang pinto and Naori immediately blinded the woman with her illusion--which was an empty lobby. Kaya hindi niya kami nakitang pa-simpleng pumasok sa loob ng room.

Success!

". . .things would have been a lot easier if only Hana was still here."

"Yeah. Mukhang ma--"

The Forbidden TribeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon