WAN, TU, TRI, SEY CHISSS!!!
*click*
"More! More!"
"Oh ibang pows naman! Okey, wan, tu, tri! chis!"
*click*
"Patingin babe!" Walang pasabing hinablot ang brand nyu selpon ko! Eeww, may bayrus na ni Romar selpon ko!!
"Tsk.tsk. hanep! Iba talaga ang gwapo, kahit sa picture ,kitang kita ang ebidensiya!" Tanong ko lang? Saang kailaliman kaya ng lupa niya nahuhugot ang kakapalan ng mukha nito?? "Patingin nga" tiningnan ko yung mga selpi namin ni Romar..
"Naks! Natulala ka sa kagwapuhan ko noh!"
"Ikaw gwapo? Tsk.tsk. wag kang umasa, masakit"
"Kahit kelan ang hard mo talaga sakin!" At may pa iyak iyak drama pang nalalaman, akalain mo nga namang lumuluha din pala ang mga syokoy..hmmm..kaya siguro maalat ang dagat.hihihi
"At lis masasabi mo talagang may poreber" at inabala ko nalang ang sarili ko sa mga selpi namin..Grabe teh! Ang priti, priti ko talaga! Walang sinabi si Ms. Pilipins sa byuti ko, hihihi surelaloo akong pladlayks pag inapload ko to sa ep bi..
"Ang ganda ko talaga!"
"Ako nga rin ang gwapo gwapo ko kaya bagay talaga tayong dalawa!" Napatingin ako ng "seryoso-ka-luk" kay Romar.. ang tibay din mangarap eh...tsk .tsk..sabagay, si Mis Kolumbya nga na walang sinabi sa byuti pinaasa, eto pa ka yang syokoy na to...
"Romar tingnan mo!" Pinakita ko yung isang piktyur namin.."hindi naman ako naimporm na dating buwan ka pala"
Naguguluhang tumingin sakin si syokoy.. "ha? Bakit?" Pinakita ko ulit yung piktyur namin.. "luk" tapos sinum ko.. "ang daming kreyter oh!" Repering sa mukha niyang puro butas dahil sa pimpol es niya..hihihi...puli buk na nga mukha niya eh!
At yung ekspresyon ni Romar praysles..."wow! Grabe! Ang hard!"
"Eto pa Romar oh!" Pinakita ko yung selpi namin.."para tayong nasa peyriteyl!"
"Bakit kasi ikaw yung princess tapos ako naman yung Prince Charming mo..tsk.tsk..sinasabi ko na nga ba may lihim na pagnanasa ka--"
"Hindi kasi ako si Byuti tapos ikaw naman yung Bis"
"Huhuhu..grabe ka talaga sakin....bakit ba pag nagmamahal kailangan laging nasasaktan!!"
WATDAPAK!
"Romar, tanggapin mo na kasi..may mga tao talagang dadating sa buhay mo pa--"
"Para pasayahin ako sa una tapos sa huli iiwan ka din pala?! Na kung kelan may malaking puwang na siya sa puso mo bigla kang iiwan ng walang ka ide ideya! Bakit ganyan kayong mga babae?! Ano bang kasalanan ko bukod sa mahalin ko ka---Aray ko naman be!"
Lord! Sabihin mo ikaw ba talaga gumawa sa hinayupak na syokoy na to!!
"Asyumero ka talaga, Hoy lalaki! Gusto ko lang sabihin sayo na may mga tao talagang dadating sayo para ipamukha kung gaano kakapal ang mukha mo! Wag mo kasing paniwalain ang sarili mo sa kasinungalin..nagmumuka ka lalong tanga! Hala! Umayos ka nga! May pahugot hugot ka pang nalalaman! Tanggapin mo talaga ang katotohanang walang magtatangka magkagusto sayong syokoy ka! Ikaw ang patunay na may Poreber! POREBER ALOWN! Akala mo naman ikinagwapo mo yang paghuhugot mo!" Hay naku! Iniistres talaga ako ng syokoy na to..isang isa nalang ipapalibing ko na to!
"Eto naman, haybald agad! nagpapraktis lang naman ako babe eh, balak ko kasing mag audition bilang leading man sa bagong teleserye sa ABS"
"Sinasabi ko sayo magiging horor yung teleserye kapag ikaw ang naging liding man."
"Napapansin ko boi ha, kanina mo pa ako binubully.. aba kotang kota na ang kagwapuhan ko"
"Kagwapuhan?? San banda?? Saka Kasalanan ko bang pangit ka, at por yor inpormeysiyon, ikaw ang napapunta sakin dito, ang sarap sarap ng byuti res ko tapos iistorbohin mo ko"
Yung piling na natutulog ako tapos biglang tumunog yung selpon ko, pagtingin ko may notipikeysiyon ako sa peysbuk! Super eksayted pa naman akong basahin lalo ng makitang "James Reid posted on your timeline"
Nagtatalon pa ko ng sobra at nagtitili sa super kilig! Akalain mong isang James Reid! Magmemeseygs sakin! Kyaahhh! Tapos yung pag open ko..
"H3l|oW B4b3! Qu!T4 t4Yo M4m4y4, P! 3M ko3 S4yo3 YuN6 4dDR3$s..H!h!h! LoV3 yoU PowHz.."
Smfkfkfkksaikkkfkdskwaa!!!!
Langya! Yung walang kasing kupal na si Romar lang pala!!!
"Genern? Sorry na bhe!" Eewww talaga tong syokoy na to! "Pinapunta kita kasi...Sasama ka sa Operation namin Boi"
"Ahh...yun lang naman pala, inistorbo at pinapunta mo pa ako dito para sabihin lang na sasama ako sa Op--TALAGA!!?!" Nashak naman ako sa sinabi niya, medyo naglowding pa utak ko sa sinabi niyang yun ha!
"Eeww! Talsik laway ka Boi..Kadiri karin talaga mi--Aray!" Natuktukan ko ang syokoy... "Dapat nga magpasalamat ka! Alam mo bang napakalaking biyaya ang paulanan ka ng laway ng isang DYOSA ha! Narinig mo, I-S-A-N-G D-Y-O-S-A, Saka magiinarte ka pa! Kung satin dalawa mas nakakadiri pa nga yang muka mo kesa laway ko noh!"
"Grabe! Ang hard mo Boi! You're hurting my feeling--- oh! Oh! Tatahimik na!" Ang sarap talagang hampasin ng beysbol bat sa ulo ang syokoy na to, baka sakaling tumino ang pag iisip!
"Seryosong usapan Romar ha, talaga bang isasama niyo na ko sa gimik niyo?" tanung ko kay Syokoy..
"Oo naman! Muka ba kong nagjojoke?!" Ang sarap sabihing "Muka mo palang malaking jowk na" pero dahil gud nyus to, sispayr na muna sa pambabara ko sa kanya, baka magbago pa ang isip.
"Pero bago palang ako syoks-- este Romar.. ni hindi pa nga ako na oryent kung anu ang gagawin ko eh, baka mamaya mahuli pa ko ng mga pulis at mapasipol nila ako" siyempre kailangan may konting drama, wag pa obyus!
"Ikaw mahuli! Imposible!" Kung alam mo lang syokoy ka,,, kung alam mo lang. . . "Ano ka ba boi! Kelan pa bumaba ang self confidence mo! Yakang yaka mo yan! Si boss nga tiwalang tiwala sa galing mo sa pagiging snatcher eh!"
"Talaga?!" Napiling prawd naman ako sa sinabi niya .hhmm,,..o baka nag iimbento lang ito..
"Oo pramis! Cross my heart?!"
"O nasan yung howp tu day??"
"Heheheh..wag na yun boi,,marami pa kong iskolar na kolehiyala eh" eewww ka taalga Romar!
"Sabi mo yan ha, walang sisihan pag nagkagipitan ha!"
"Oo naman! Basta sa isang araw alam mo na kung saan tayo magkikita! same time din! Ipapakilala narin kita sa iba pang mga kasama natin!"
Napuno naman ng galak ang aking puso sa aking narini----PWE! Kadiri! Ang lalim ng tagalog ko!
So eniweys! Di is it!!! uusad narin ang misyon ko! Wohooo!!! Siguradong matutuwa sina Mamang Jok sa ibabalita ko, baka magka tertin mant pey pa ko!!
"Owrayt! Geym ako!"
PS..sana makita ko din yung mga snayper dun sa weyrhaws..
BINABASA MO ANG
The PULIS Man who Stole my Heart
Hài hướcPinanganak akong mahirap ..iniwan ng magulang at tagapagtaguyod ng pamilya...Snatcher,Magnanakaw,Manderek---- teka???? bakit ang seryoso ng introduction ko ha?! PWE! di bagay sakin! Ganito dapat!! AHEM! Ako si Jek.. kasing bilis ni FLASH kasing liks...