P1

816 11 0
                                    

Isa.....dalawa.....

.

.

.

...tatlo!

"MAGNANAKAAAWWWW!!!"

Tumakbo ako ng sobrang bilis....

"HOY! Tigil! Mga pulis to!"

Binilisan ko pa lalo ang takbo...

BILIIISSSSSS PAAA!!!

Ang hirap kayang mahuli----

"Ppprrrttt!!! Hoy hija! Tumigil ka!!!"

ng PULIS!

Nagpaikot ikot ako sa loob ng palengke.

"Aray!"

"Magdahan dahan ka ineng!"

"Ouch!"

Kasalanan niyo yan?! Hahara hara kayo eh!

Wala na kong paki kung sino ang nabubunggo ko..basta ang mahalaga makatakas ako sa mga humahabol sakin!

Tumingin ako sa likuran ko para malaman kung nakasunod sila at..

.

.

.

.langya! Mga nakasunod parin sakin!!

Di ba sila napapagod kakatakbo sa laki ng tiyan nila??!

Kelangan ko ng matakasan ang mga to!

Nagpaikot ikot na ko sa buong palengke kaso MGA NAKASUNOD PARIN SILA!!

Mukhang wala nakong choice..

"TULUNGAN NIYO KOOO!! HINAHABOL AKO NG DALAWANG PULIS!! GUSTO NILA KONG GAHASAIN!!!!"

Bwahahahaha!! Naniwala naman sila sa acting skill ko! Kaya ayun..

"Padaanin niyo yung dalaga! Harangan niyo yung pulis!" Sigaw ni mamang mag iisda..

Hinarangan nga nila at sinimulang pukpukin ng kung anu anung gulay..

Pok!Pok!

"Yan ang nararapat sa inyo!"

"Aray" sigaw ng mga kawawang pulis.

"Wala na talagang mapagkakatiwalaang pulis ngayon!" Meron pa namang ateng...sadyang mga uto uto lang talaga ang tao ngayon..bwahahaha!!

Pok!!

"Dapat kayo ang makulong" dinig kong sigaw ng mga nanggagalaiting magtitinda

Hahaah...BLEHHH!!

Ang lapad ng ngiti kong umalis sa palengke na yun! Whooo!! Nagkaroon na naman ng thrill ang buhay ko!!

Sipol~~~~sipol~~~~sipo---

Oo nga pala..bago magkalimutan. . .ako si Jeniah Keira Aguilar... Jek for short..(whooo! English yun ah!)

Propesyunal sa Kursong Bachelor of Science in CRIMENology..

.

.

.

.

Major in ROBBERY..

The PULIS Man who Stole my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon