P21

234 10 1
                                    

Jek's POV



"Syur kang bibilhan mo talaga ako?"

"Yes"

"Syur kang hindi bawas sa sahod ko?"

"Yup"

"Syur kang syur ka sa desisyon mo?"


"Yes at kapag tinuloy mo pa yang kakasure mo, babawiin ko nalang ang sinabi ko"



"Eto naman oh! Naninigurado lang! Hehehe tara na sa sekond plor!" At nauna na ko papunta sa may eskaleytor..hindi pwedeng mawala ng parang bula ang pramis niya sakin! Halos hindi nga ako makatulog kagabi kakaisip na bibilhan ako ni Mamang Jok ng selpon! Por da pers taym! Magkakaselpon narin ako..pero . ..ano nga kayang trip ni Mamang Jok para bilhan ako? Hhmmm...sabagay mayaman naman siya kaya wala lang sa kanyang magwaldas ng pera.

Tutal nasabi ko namang mayaman siya..kung irekwes ko kayang bilhan niya ko ng Iphone 6+ o kaya Samsung Galaxy S6! Ayos yun!


"Psst.. Mamang Jok " bulong ko sa kanya..mahirap na baka may makarinig na ibang tao sa tawag ko sa kanya tapos magalit siya edi gudbay selpon na ko!

"What?"

"Last na to ha? Kahit anong brand ang piliin ko libre mo?"

"Psshh"

Napasuntok naman ako sa hangin! Yes! Pssh! Mins Yes!


I'm so eksayted na! I'm so eksayted na! Hellooo! Aypon 6 plas at Samsung Galaksi S6! Hir's yor mama! Bwahahahaha!

Pagkatungtong ko agad sa sekond plor, iginala ko agad ang mata ko "Ayun! Mamang Jok! Nasa kabilang dulo yung tindahan ng selpon!"


"Ahem"

"Bakit Mamang Jok?" Tanung ko sa kanya..hindi siya nagsalita bagkus tumingin lang siya sa kamay ko..

Nagets ko naman agad ang kagagahang ginawa ko. . sa sobrang eksayted, hindi ko namalayang hinihila ko na pala ang manggas ng t shirt niya..

Bumitaw agad ako at pinagpagan pa ang nagusot na manggas niya.."hehehe..sorry Mamang Jok! Nakerid awey lang..hehehehe"

Si Mamang Jok, no respans lang at naglakad papunta dun sa tinuro kong selpon senter..ako naman parang maamong tuta na sumusunod sa kanya sa likod..kailangan kong mag ingat sa kilos ko,,baka makerid awey na naman ako at mapahiya ko si Mamang Jok, naku! Baka magbago bigla ang isip!

Nagpalinga linga nalang ako sa mga tindahan dito sa sekond plor at parang halos lahat gusto kong pasukin! Naku! Pagnatanggap ko na talaga ang unang sweldo ko! Dadalhin ko dito sina Letlet at ipapasyal! Tapos kakain kami sa Jollibee sa baba! Tapos bibilhan ko pa sila ng mga magagandang damit dito..siguradong matutuwa sila!

Matutupad narin ang isa sa mga pangarap nila..

"Aray!" Napahawak ako sa ilong kong tumama sa pader..teka?? Pader??

"Ambagal mo" ha? Nagsasalita ang pader?

kinapa ko naman..hmm..hindi ganun katigasan saka bakit parang mainit? Diba dapat malamig dahil semento?

"Harassment yang ginagawa mo..pwede kitang ipakulong" ha? Harasment da--

"Hehehehe...Soooorrryy poooo...akala ko kasi Pader" si Mamang Jok pala ang nabunggo ko...

Tiningnan lang niya ko ng masama bago naglakad na ulit, pagkatalikod niya, tinuktukan ko naman ang sarili ko..shunga ka din Jek eh! Paano magkakapader sa gitna ng mall aber?!

The PULIS Man who Stole my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon