P6

293 9 0
                                    

Inikot niya kami sa buong bahay at alam niyo yun..kulang nalang bumaha ng laway sa sobrang pagkamangha...

Siya na ang may swimming pool, ,activity room, gym, sariling bar counter.at eto pa ha....may sariling MOVIE THEATER room pa siya!

Di ikaw ng MAYAMAN! at Wag niyo ng itanung kung panu ko nalaman..natural sinabi niya..kamalayan ko ba sa mga ganyan..pang MAYAMAN term eh..

Pinakilala niya din kami sa ibang kasama niya...si Flor at Emely..katulong sa bahay...kita mo tong Mamang Inspektor na to!anung pinagsasabi niyang I'm living INDEPENDENTLY?!yun naman pala eh..may kasama parin pala... Anung tawag niya sa mga to..mga Poste?!

Yung mga kapatid ko enjoy na enjoy sa pag iikot sa buong bahay..habang ako naman enjoy na enjoy sa kakatingin ng pwedeng maisangla..hihihi jokidoki lang! Baka kung san pa ko itapon ng Inspektor na yun mamaya eh.

"Pinatawag mo raw ako" bagot na sabi ko..namamahinga na ko sa kwarto namin ng biglang kumatok si Emily at sinabing hinahanap ako ni Inspektor...

"Sit" aba?! Makapag utos! Anung tingin niya sakin Aso?! At ako namang si UTO UTO..umupo rin?!

"I'd already told you..we need you" panimula niya..

"Alam ko..wala naman akong...al...al.."ano nga ba yun?

"Alzheimers" yun nga!

Tumalikod siya at parang may kinuha sa mesa at hinagis niya sakin...."ano to?"

"Psss...folder..hindi ka pa ba nakakakita ng ganyan" tiningnan ko siya ng masama..

"Alam kong FOLDER to..anu namang gagawin ko dito?" Taas kilay payan ha..para kunwari maldita..

"Kakainin siguro..tss...of course open it!"  Ackckdkfkd!!! Pigilan niyo ko! kukutusan ko na talaga tong Inspektor na to eh!!

Padabog kong binuksan yung folder..

Coupon na may nakalistang pangalan....andami ha...."ano to attendance?"

"Basahin mo" okay sabi mo eh..

Andaming pangalan saka....ang liit pa ng fonts! Ano to?! nagtitipid ba sila sa papel ha?! Papano ko naman mababasa to?!

Kahit mahirap..tiis ganda kong binasa yung mga pangalan..

Teka...

May nahagip ang mata ko..ops...

Balik balik balik

"Sandali!" Napatayo ako sa gulat

"What?"

"Romar Faustino..." basa ko..

"You know him?" Napatingin ako sa kanya.."natural..babanggitin ko ba kung hindi"

"Tsss..pilosopo..." tiningnan ko pa yung ibang pangalan...

"Bakit kilala ko yung ibang pangalan dito..andito rin ba ko??" bigla siyang umupo sa harap ko.."Tell me about them"

Bakit naman?? May---

"Speak" demanding naman neto! Nag iisip pa nga!

"Psssh....yung ibang pangalan dito kapit bahay namin at yung iba naman nakilala ko lang sa raket...you know na..." Sabi ko..

"Meron pa ba"

"Atat lang.."sinamaan niya ko ng tingin.."etong Romar Faustino...tropapipz ko yan..ang kulit nga eh..niyayaya akong sumama sa bagong raket niya..ang sabi pa siguradong maghapon nalang daw akong hihiga pag nagkataon" panay ang kwento habang siya mukhang nakikinig talaga...uuuyyy ang galing kong fortune telle-- teka? Fortune teller ba ang Ingles ng tagakwento??

The PULIS Man who Stole my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon