P2

504 6 0
                                    

"Ateeeeee!!!!"

Nag uunahang tumakbo ang mga kapatid ko papunta sakin..

"Oy dahan! Dahan! Baka madapa kayo?!" Instant yakap ang inabot ko pagkalapit nila sakin..

"Kanina ka pa namin hinihintay..iyak ng iyak na si Bokbok Ate.. gutom na gutom na daw siya.." tiningnan ko naman si Bokbok..mukhang ngayon lang tumigil sa kakaiyak..bakas pa ang luha pati sipon sa mukha..

"Pasensiya na..kung nahuli si Ate ha. . .at para makabawi si Ate sa inyo..

.

.

Tada!!! " ipinakita ko yung supot na hawak ko..

"WOW!!CHICKEN!!" Nagtatalon pa sila sa tuwa

"Da Best ka talaga Ate!" Napangiti ako ng mapait sa sinabi ni Letlet..

Da Best ka talaga Ate..

"O siya tayo na sa loob ng makakain na kayo!" At dali daling nagsitakbuhan..halatang mga gutom na talaga..

Pumasok na kami sa barong barong naming bahay...Oo..isa lang kaming SQUATTER..

Pinagmamasdan ko lang ang mga kapatid kong ganang gana kumain..

Para sa kaalaman niyo..Meron akong 3 nakababatang kapatid.. si Letlet..ang panganay sa kanila..kasalukuyang 1st year high schoo sunod ni Pampam..Grade 6 at ang bunso si Bokbok.. grade 3 palang...

Kung hinahanap niyo ang MGA MAGULANG KO. . .pwes wag na kayong mag aksaya ng oras dahil para sakin MATAGAL NA SILANG PATAY..

Dakilang adik saming lugar ang tatay ko habang sugarol naman ang nanay ko...basta isang araw naabutan ko nalang na wala sila sa bahay..hindi na sila nagpakita samin..may pinagtataguan na siguro at simula ng araw na yun..tinuring ko na silang PATAY..

Highschool graduate lang ang bida niyo kaya hirap na hirap ako maghanap ng trabaho..kaya eto ang binagsakan ko..PAGIGING SNATCHER..

Ito lang ang pinakamabilis na paraan para kumita ng pera..para malamanan ang Tiyan ng mga kapatid ko...

Naaawa ako para sa kanila..hindi ko masikmurang masaya silang kumakin habang galing sa NAKAW ang kinakain nila..

Binalak ko ng tumigil  pero wala eh..hindi talaga...

"Ate bakit ka umiiyak? Nagugutom karin ba? Eto oh may manok pa naman dito" sabi sakin ni Letlet..hindi ko na pala napansing tumutulo na ang luha ko.

Pinahid ko agad to" Ah..w-wala to..napuwing lang si Ate..saka busog pa ko Letlet..o siya bilisan niyo ang pagkain ..maligo na kayo para makapasok sa school.."

Kinalabit ako ni Letlet. "Eh ateee..sabi ni teacher..kailangan ko na daw magbayad ng tuition ko...baka hindi ako makakuha ng exam Ate" oo nga pala..

"Hayan mo ..bukas makababayad ka na" sabi ko..

"Yehey salamat Ate!" Halos madurog ang puso ko sa sayang nakikita ko sa kapatid ko..

" hala! Magsiligo na kayo..ang babaho niyo na oh!" Sabay amoy sa kili kili nila..nagtawanan pa sila bago tumakbo sa poso..

Doon na naman tumulo ang luha ko... sana mapatawad niyo si Ate..

Hayysss..bakit andrama ng Chapter na to!Bwisit!

"Tao po!" Pinahid ko agad ang luha ko at pumunta sa pinto...ang aga aga naman para sa--

"Good morning Jek!" Sabi ko na nga ba eh..

"Ikaw pala Carlo..pasok" nilakihan ko ang bukas ng pinto.." pasensiya na kung sobrang kalat ng bahay..kadarating ko lang kasi"

"Sus..araw araw na kong pumunta dito at araw na araw mo na rin yang sinasabi..hindi ka ba nagsasawa" biro niya... napasimangot nalang ako..

The PULIS Man who Stole my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon