15

43 1 2
                                    

Learn to accept that not everybody is who you thought you knew.

•-x-•

Sandalan
Jonuxx

Ang sakit mapag-iwanan.
Alam mong naaawa lang sila sayo't napipilitan.
Ngunit ang totoo, wala naman talaga silang pakialam sayo sa tuwing sila'y tatakbo,
Tatakbo sila ng sabay habang ika'y nariyan lang at nakahinto,
Walang kamalay-malay na sila na pala'y nakalayo.

Ang sakit dahil sa tuwing wala silang kasama sa pagtakbo,
Ikaw ang hihilahin nila't hihingi ng lakas mo.
Ngunit sa pagbabalik ng tunay nilang kasama,
Ikaw nanama'y walang kamalay-malay at maiiwang mag-isa.
Bakit sila may pangalawang masasandalan?
Samantalang ako, wala, at sila lang ang aking maaasahan.

Nararamdaman ba nila na sa tuwing mag-isa sila'y nariyan ako?
Na kahit sobrang maaabala ako'y ipagsasawalang bahala ko?
Hindi siguro.
Hindi nila inaalintana ang presensya't oras na binibigay ko.
Sa tuwing sila'y umiiyak, o walang magawa,
Nakakaabala man sa akin ay hinahayaan ko basta sila'y sumaya.

Nakakainis dahil kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na wala akong pakialam,
Sabihing wala akong pakialam kung iwanan nila akong walang alam,
Ngunit eto ako't gumagawa ng tula,
Nilalabas ang sakit na nadarama mula sa kanila.
Naiiyak na dahil hindi ko alam ang aking gagawin,
Kung iiwanan ko na rin ba sila o hahayaan na lang ito hanggang sa ako'y kanilang mapansin.

Ngunit ang mas nakakalungkot pa rito,
Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko dahil sa kanila ay alam ko sa sarili ko,
Na kapag sila'y iiyak at sasandal sa akin,
Handa kong ipagsawalang bahala ang lahat at kahit ano'y aking gagawin.
Pero ang masakit sa parteng ito,
Hindi na ako ang taong masasandalan na 'to.
Dahil kakapitan lang ako sa tuwing wala silang makita at ako lang ang narito.

Sabi niyo sa akin na mahalaga ako sa inyo,
Sabi niyo sa akin na ako ang kaibigang totoo.
Sinabi mo sa akin na kahit masaya ka na't mga bagay ay unti mo nang naiintindihan,
Sabi mo na hindi ibig sabihin 'non ay hindi mo na ako kailangan.
Ngunit bakit ganito?
Ramdam na ramdam ko ang iyong paglayo.

Alam ba ninyong nalulungkot ako ngayon?
Alam mo ba na hina na ako't hirap makaahon?
Bakit ako ay iyong nasasandalan?
Ngayong kailangan kita'y wala ka sa aking tabihan?
Napilitan ka lang ba sa akin noon?
O baka dahil hindi na ako ang una mong takbuhan ngayon?
Ako ba ay palaging pangalawang pagpipilian lang?

Gusto ko nang lumayo.
Gusto ko nang sabihing wala akong pakialam sa inyo.
Pero hindi ko naman kaya ang humiwalay sa inyo,
Dahil hindi ako tulad niyo na may iba pang sasalo.
Kapag lalayo ako'y maiiwan lang akong mag-isa,
Walang masasandalan habang ako'y hinang-hina.
Kaya siguro dito na lang muna ako,
Maghihintay sa taong hindi mawawala sa tabi ko.
At sa panahong nakalayo na ako't unting nawala sa inyo,
Mararamdaman niyo na kawalan ako sa inyo.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon