Prologue

1.7K 53 11
                                    

Prologue

Ang lahat ay nagkagulo matapos ang balitang buhay ang sikat na artistang si Allison Zia Rodriguez na mas kilala sa tawag na AZ. Kanya kanya ang bawat isa sa pagkuha ng litrato. May iba namang nagsisiksikan sa labas at nakikipaggitgitan sa mga pulis makita lamang ang artista.

Kinakabahan man si AZ sa harap ng press ngunit kailangan niyang ipaalam sa lahat ang nangyari. Hindi niya magawang titigan ang mata ng bawat isa. Puro panghuhusga ang sinasabi ng mga ito sa kanya. Ngunit ang tanging paraan para matahimik ang usap-usapan ay ang pag-amin n'ya sa kung anong tunay na nangyari.

"A-ako si Allison Zia Rodriguez."

Unti-unting nagbalik sa alaala niya ang pangyayari kung kaya't di na niya napigilang umiyak. Nanginginig ang mga labi n'ya at mga kamay. Ilang buntong hininga ang ginawa n'ya makahugot lang ng lakas ng loob para makapagsalitang muli.

"2 days ago. Akala ng lahat patay na ako sa isang sunog. Pero heto ako nakatayo sa harap niyong lahat. Hindi ako patay, I-I'm just being kidnapped"

Note:

Hello sa lahat. first of all thank you second, sorry. Sorry kasi magulo talaga ako magsulat. aminado naman ako at ginagawan ko ng paraan para maimprove 'yon. Sa lahat ng story na naimbento ko, ito po ang pinaka---
Pinaka-okay kumpara sa iba kung nagawa. Hindi ako mahusay na writer. Pero mahal ko ang pagsusulat. Kapag naumpisahan mo na ang storya na 'to, huwag ka po sanang ma-bore dahil sa hindi mo naintindihan, hindi nga po kasi ako magaling hahaha. Pasensya naman po hindi ako expert. kapag natapos mo na siya, maiintindihan mo lahat. Sana mag-enjoy kayo at kapit lang. Huwag bibitiw. Godbless us all

Vote and comment

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon