Chapter 14

472 20 0
                                    

Chapter 14

Lumipas ang tatlong taon, wala pa ding nagbago kay Carlos na ama ng magkapatid.
Mas lalo lang naging malala ang lahat at naging kumplikado ang buhay nila.

"'TAY! TAMA NA! MAPAPATAY NIYO SI BRANDON!"
Sigaw ni Brix sa ama. Nanggagalaiti si Carlos sa galit at gigil na sinasakal ang sariling anak.

"'TAY! TAMA NA 'YAN!!!!!" Sinusubukang pigilan ni Brix ang ama ngunit malakas ito at nagawa lamang siyang itulak.

"T----AMAH NAH T-TAY......" pakiusap ni Brandon. Hindi na nito kaya pang huminga sa labis na pagkakasal sa leeg niya.

"KAHIT KAILAN DI KA NAKIKINIG BRANDON! H'WAG KA NG MAG-ARAL! GAYAHIN MO SI BRIX! NAGTRABAHO NA LANG PARA MAY PANGKAIN TAYO! WALA KANG KWENTA!" Bulyaw nito sa anak.

Kahit si Brix na matatag ang puso, umiyak na lang sa isang tabi. Niyukom niya ang palad at tumingin sa kapatid na namumutla na.

"B-Brix. H'wag.............." bulong ni Brandon. Batid niya kasing hindi na makontrol ng kapatid ang poot.

Pumikit si Brix at kumuha ng kutsilyo.
Ngumisi ito bago nagsalita.
"Ikaw ang walang kwenta 'tay. Sa loob ng mahabang panahon naging pabigat ka sa'min." Bulong nito.

*

Mahigit isang linggo ng palaboy laboy si Brix sa kalsada. Pinaghahanap siya ng mga police at mga DSWD. Hindi siya makakuha ng trabaho dahil nag-iingat siyang hindi makilala ng mga tao. Patay na nga ang ama niyang si Carlos. Sampung saksak ang tinamo nito. Dalawa sa leeg, tatlo sa likod, isa sa balikat, dalawa sa sikmura at dalawa din sa kaliwang dibdib. Hindi akalain ng lahat na makakaya niyang gawin 'yon. Ang pumatay, pumatay ng sariling kadugo. Kung sabagay para sa kanya matagal ng patay ang ama niya.

Ang umaga na 'yon ang hindi nila makakalimutan. Ilang linggo na ang nakalilipas at mas lumalalim pa ang galit niya sa kapatid na si Brandon. Sa sobrang takot ni Brandon sa nangyari at sa sobrang matapat niya, nagawang niyang magsabi ng totoo sa mga pulis na makapagtuturo kay Brix. Di maiwasang matawa ni Brix. Pinagtanggol na nga niya ang kapatid, nilaglag pa siya.
Tandang tanda niya pa ang buong nangyari.


"Wala na tayong problema Brandon. Linisin mo ang mga kalat. Ilibing na natin ang g*gong 'to! At tumakas na tayo." Utos ni Brix.

Hindi kumibo ang kapatid. Naka-upo lang ito at nanginginig sa takot.

"Wala akong mapapala sa'yo Brandon! Masyado kang duwag!" Bulyaw niya sa kapatid.

Umingay sa labas ng bahay nila at dumating ang mga taong residente sa lugar.

"Pareng Carlos!"
"Anong nangyari?! Tumawag kayo ng ambulansya! Bilis!"

Iyak lang ng iyak si Brandon na parang wala na sarili.

"Brandon, sino ang may gawa nito? Kayo ba?" Tanong ng isang kapitbahay nila.
Lalong umiyak ang bata at nanginginig na tinuro ang kakambal habang umiiling.

"Bwisit." Binigyan ni Brix ng masamang titig ang kakambal bago ito iniwan.
*

Sa kalalakad ni Brix napadpad siya sa isang parke. Napangiti ang lalaki, ito ang unang pagkakataon na makaapak ang mga paa niya sa paboritong puntahan ng mga batang kagaya niya.

"Tabi!!!!"
*bogsh

Napangiwi si Brix dahil sa sakit. Tumama ang siko niya sa magasgas na sahig ng kalsada. Bumagsak silang pareho sa lapag ng nakabangga sa kanya.

"Aray ang tuhod ko..." bulong ng isang babae. "Ayaw ko na mag-bike. Disgrasya lang ang inabot ko." Dagdag pa nito.

Tumayo si Brix at natulala sa batang babae. Maputi ito at mahaba ang buhok, halatang anak mayaman.

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon