Chapter 18

457 22 0
                                    

Chapter 18

Halos mahilo si AZ dahil sa pagkakabagok ng ulo. Napangiwi siya sa sobrang sakit ng likod niya. Saglit siyang di nakakilos, mabuti na lang lupa ang binagsakan niya at mas mabuti kung ikukumpara sa semento.

Idinilat niya ang mga mata. Tanaw niya mula roon ang bintana. Wala na doon ang binata kaya agad siyang bumangon at tumayo.

Wala siyang maaninag dahil sa sobrang dilim. Tumakbo siya kahit di niya alam ang patutunguhan. Takbo lang siya ng takbo at hindi na inintindi ang pagkabasa dulot ng ulan.

"ALLISON!!!!!!!!!!!!!"

Di siya huminto. Di siya lumingon. Pinagpatuloy niya ang pagtakbo hanggang sa mapasok niya ang gubat.

Bawat apak ng talampakan niya sa batuhan, kirot ang nararamdaman niya. Wala siyang sapin sa paa at puro bato ang natatapakan niya o di kaya'y mga sanga na naputol mula sa puno.

Sa pamamagitan ng liwanag na mula sa kidlat, nakikita niya kahit papano ang daan. Malaking tulong ito para hindi siya mabunggo sa mga naglalakihan at nagtataasang puno.

"AH! SHIT!" Napapikit siya sa sobrang hapdi ng madaplisang ng kahoy ang braso niya ah.

Dumaloy ang dugo mula dito. Malalim ang hiwang iyon. Sumandal siya sa isang puno. Hinawakan niya ang sugat para tumigil ang pagdurugo nito. Napakagat na lang siya sa labi at naiyak.

"Bwisit!"

Pinagpatuloy niya ang paglalakad. Pasulyap sulyap siya sa paligid. Maingat siyang naglalakad para di makaagaw napansin. Nasa paligid lang ang taong humahabol at gusto siyang patayin.

Madami pa din tanong sa isip niya at nadadagdagan pa ito. Sino ba talaga ang taong 'yon? Anong pinagsasabi niya? Anong pakay ng dumukot sa'kin? Bakit?

Sinabunutan niya ang sarili.

"Di ko na alam kung sino ang pagkalatiwalaan ko. Naguguluhan ako." Bulong niya sa pagitan ng mga hikbi.

Na-alerto siya ng biglang makarinig ng mahinang tunog. Malapit iyon sa lokasyon niya. At sa maling oras, di niya masahan ang kidlat. Napakadilim sa paligid.

Nagpalinga linga siya. May anino siyang naaninag pero hindi niya sigurado kung ano o sino ang nagmamay ari nito.

Nakarinig siya ng tunog sa likuran kung kaya't nilingon niya ito.
Walang tao.

Wala na rin siyang masyadong marinig. Mas malakas pa ang kabog sa dibdib niya kumpara sa ulan.

Kumulog at kumidlat sa kalangitan.
Muntik na siyang mapasigaw sa gulat. May palad na tumakip sa bibig niya at dinala siya sa likod ng isang puno.

Pinilit niyang pumalag ngunit napakalas nito.

"Shh. Shhh. It's me."
Napatigil siya. Nakilala niya ang boses ng lalaki. Nakahinga siya ng maluwag. Pakiramdam niya ligtas na siya.

"Salamat------"

Tinakpan nitong muli ang bibig niya. Sa di kalayuan, may anino ng tao na naglalakad lakad. May flashlight ito na hawak.

Lalong bumilis ang kabog ng puso niya. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili pero di niya magawa dahil ang ilaw ng flashlight ay nakatutok sa direksyon nila.

"Allison..... Allison... Nandito ka ba?"

Nanigas siya sa kinatayayuan. Pinanindigan siya ng balahibo sa boses na narinig. Lumalapit sa pwesto nila ang lalaking may dalang tubo at flashlight.

"Follow my instructions." Bulong ng binata malapit sa tenga niya. Tumango ang dalaga.


Nakiramdam ang dalawa sa paligid. Biglang tumahimik. Pati ulan humina.
Di sila kumilos at nag-usap. Sinibukang sumilip ni AZ ngunit wala na ang taong humahabol sa kanya.

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon