Chapter 20

481 22 0
                                    

Chapter 20

Ang lahat ay nagkagulo matapos ang balitang buhay ang sikat na artistang si Allison Zia Rodriguez na mas kilala sa tawag na AZ. Kanya kanya ang bawat isa sa pagkuha ng litrato. May iba namang nagsisiksikan sa labas at nakikipaggitgitan sa mga pulis makita lamang ang artista.

Kinakabahan man si AZ sa harap ng press ngunit kailangan niyang ipaalam sa lahat ang nangyari. Hindi niya magawang titigan ang mata ng bawat isa. Puro panghuhusga ang sinasabi ng mga ito sa kanya. Ngunit ang tanging paraan para matahimik ang usap-usapan ay ang pag-amin n'ya sa kung anong tunay na nangyari.

"A-ako si Allison Zia Rodriguez. Isa akong artista."

Unti-unting nagbalik sa alaala niya ang pangyayari kung kaya't di na niya napigilang umiyak. Nanginginig ang mga labi n'ya at mga kamay. Ilang buntong hininga ang ginawa n'ya makahugot lang ng lakas ng loob na makapagsalitang muli.

"2 days ago. Akala ng lahat patay na ako na napatunayan sa isang sunog. Pero heto ako nakatayo sa harap niyong lahat. Hindi ako patay, I-I'm just being kidnapped"

Lumakas ang bulung-bulungan. Ang lahat ay nagulat sa narinig.

"Lasing daw ako at naligaw? That's a lie. Pinakalat ng ilang tao na nalasing ako at naligaw pauwi kaya bigla na lang naniwala. I bet pinakalat iyon ng taong muntik ng pumatay sa'kin. Hindi iyon totoo. May dumukot sa'kin. Dinala niya ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa'kin. Nung una, hindi ko alam kung anong dahilan. Di niya ako sinaktan, pinapakain niya ako, binigyan ng damit at pinatulog sa magandang kama. Isang araw, papunta kami sa airport. Ang sabi niya ilalayo niya ako at ililigtas. Naisip ko kung kanino. Wala akong kaalam alam."

Ipinagpatuloy ni Allison Zia Rodriguez ang pagkwento sa harap ng kamera.
Napapanood siya ng lahat ng tao sa telebisyon. Maraming kotse at pulis sa labas para magbantay sa seguridad n'ya.

"Nahanap ako ni Brandon. Iniligtas at inihatid sa bahay. Di ko alam ang ginawa n'ya sa kidnapper. Nadatnan naming inaapula ng mga firemen ang nasusunog kong bahay. Ang pinsan kong si Ella at Eugene namatay sa sunog. Dinala ako ni Brandon sa resthouse niya. Isang beses narinig ko siyang may kausap na mga lalaking nakaitim sa office niya. Pero hindi ko naintindihan ang napag-usapan nila. Gumawa ako ng paraan para mapaalis siya ng bahay.
Umalis siya, naiwan akong naglibot libot. Hanggang sa---" napatigil sa pagkwento si AZ para uminom ng tubig at punasan ang luha.
"Hanggang sa nakapasok ako sa isang kwarto na puno ng stolen photos ko. Nakita ko din sa kwartong iyon ang cellphone ko. Sakto at may biglang tumawag. Sinagot ko at nakausap ko ang taong dumukot sa'kin. Sabi niya hindi daw si Bradon ang kasama ko. Sa narinig kong 'yon halos nawindang ako sa narinig ko dahil kilala ko ang mukha ni Brandon. Matagal na kaming magkakilala. Pero naalala ko lahat ng pag-iiba sa ugali ni Brando nitong mga nakaraang araw. Naninigarilyo at naging malilimutin. Halos lahat ng bagay nakalimutan niya more like para siyang may amnesia. Nagbago din ang taste niya sa pabango, pagkain, at pananamit. Pati kotse niya pinalitan niya. Kaya umulit-ulit sa utak ko ang mga salitang 'hindi siya si Brandon. ANG KASAMA KO AY HINDI SI BRANDON! Nagpanic ako. Gumawa ng paraan para makalabas ng bahay dahil gusto niya akong patayin matapos niyang marinig ang pinag-usapan namin ng taong dumukot sa'kin. Para akong nasa shooting. Tumalon ako sa bintana mula second floor at tumakbo ng tumakbo hanggang mabasa ako ng ulan at mapadpad sa gubat. Naabutan ako ng hayop na iyon pero may nagligtas sa'kin. Nag-away sila. Habang ako parang ewan na umiiyak at nakatunganga. Alam niyo kung bakit? Silang dalawa ay sobrang magkamukhang magkamukha. Magkapatid sila at kambal pa. Hindi nga si Brandon ang nakasama ko kundi si Brix. Nababaliw na si Brix. Sa kagustuhan niyang mapalapit sa'kin pinatay niya si Brandon at nagpanggap. Well, akala niya napatay na n'ya si Brandon. Pero niligtas ni Eugene si Brandon, tinulungang magpagaling at nagplano na mailayo ako sa pagpapanggap ni Brix na hindi ako mapapahamak. Kasama nila sa plano si Ella at doon nabuo ang plan na dukutin ako at ilayo kay Brix. Yeah wala talaga akong alam kasi nagbulag-bulagan ako sa mga bagay na kakaiba kay Brandon. Nalaman ko ding si Brix ang nag-utos na pasabugin ang bahay ko, sinet-up niya ang mga pinsan ko.

Nakatakbo kami ni Brandon sa kalsada, pero naabutan kami ni Brix. Pinatakbo ako ni Brandon sa gubat at nagpahabol siya kay Brix. Di ako nakatiis at binalikan ko siya. Pero nadatnan ko s'yang duguan at nakahiga sa kalsada. Sinaksak ko si Brix bago pa niya ako maunahan. Nabaril niya ako sa hita. Para talaga akong nasa shooting kasi huli ng dumating ang pulis. Hindi ako patay, dinukot ako."

Tumalikod na si AZ ngunit hinabol siya ng mga reporter. Humarang ang mga pulis at binigyan siya ng proteksyon.

Sinaubong siya ni Isabelle at inalalayan.
"Ayos ka lang ate?" Tanong ni Isabelle.

"Nope. Nakaka-asar ang saklay na 'to! Aargh!"

Nagtawanan ang dalawa.

"Salamat nga pala Isabelle." Nakangiting wika ni AZ. Natawa si Isabelle.

"Wala iyon. Paulit ulit ka ng nagpapasalamat ate Zia. Isay na lang ang itawag mo sa'kin. Ah nga pala. Saan tayo sunod na pupunta?"

Ngumiti si AZ.

"Di ba kailangan mo ng trabahong malaking sweldo?" Tanong ng artista. Nanlaki ang mata ni Isay.
"O-opo!" Masayang tugon niya.
"Magtrabaho ka sa'kin."

Sa labis na katuwaan napatalon si Isay at niyakap ang artista.

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon