Chapter 13

482 18 3
                                    

Chapter 13

16 years ago

Sa isang maliit na barong barong naninirahan ang magkapatid kasama ang kanilang ama.

Sa lakas ng palahaw at iyak nila,
pati mga kapitbahay ay kinikilabutan sa nangyayari.

"Pare! Binubugbog na naman ni Pareng Carlos ang mga anak niya!" Sigawan ng mga kapitbahay.

Lahat sila kinakabahan at natatakot pero ni-isa walang nagtangkang tumulong sa mga bata.

Kalabog, hagupit at hapdi, sakit sa iba't ibang parte ng katawan. Lahat tiniis ng magkapatid na Brixwel at Brandon. Mula ng mamatay ang ina nila noong sila'y isilang, mas naging lasinggero ang ama nila. Palaging nagsusugal, gumagasta, naninigarilyo at sumisigaw. Di nito inisip ni-minsan ang mga anak. Hanggang sa magkaisip at lumaki ang mga bata.

Naging matibay ang pagsasama ng dalawang magkapatid, sa tulong ng mga guro nakapag-aral sila at sa tulong na din ng mga tao nakakakain sila.

Sa edad na walong taon, natutong kumayod ang magkapatid sa pamamagitan ng pag-extra sa talyer bilang tagalinis ng mga kotse. Sa umaga ay pumapasok sa eskwela, sa gabi ay naghahanap buhay.

Kahit sa gasera lang nagmumula ang ilaw, nagsisikap ang dalawa na magreview gabi gabi. Kahit mainit, pinipilit nilang matulog para may lakas sa umaga. Wala silang kuryente at sariling lupa pati bahay.

Barya barya lang ang kinikita ng dalawa. Kahit sinong tao hindi ito kayang pagkasyahin.
Gutom ang kalaban nila at pagod.
Idagdag pa ang ama nilang walang kwenta.

Si Brandon ang madalas pumasok sa eskwela. Ang kakambal nitong si Brix ay mas gustong kumita para may pantawid gutom sila. Kung ikukumpara ang magkapatid, si Brandon ay matalino at maalam sa bahay. Madalas siyang kagiliwan at hangaan. Si Brix naman, madiskarte.

"NASAAN NA ANG PAGKAIN!!!!? N-NASAAN NA! BAKIT TUYO NA NAMAN ANG ULAM! BALITA KO SA MGA KAPITBAHAY, KUMIKITA DAW KAYO!? HA.HA. AKIN NA! BIBILI AKO NG ALAK!"

Laging ganyan ang senaryo sa t'wing uuwi ng gabi ang ama nilang si Carlos. Galing sugalan ito at bago umuwi makikipag-inuman muna sa mga tambay sa kanto. Sa una'y pa-shot shot lang di maglaon di na nito namamalayan ang oras.

Kapag ganito ang nangyayari, nanatili lang na nakatayo si Brix. Tila di ito natitinag sa nagwawalang ama. Si Brandon naman madalas na magtago at manginig sa takot.

"AKIN NA ANG PERA!!! BIGYAN NIYO AKO NG PERA!!!" Bulyaw nito habang nakatitig ng matalim kay Brix.

"Walang pera. Kulang ang kinita namin para sa pambili ng bigas. Pagtiyagaan niyo na 'yan." Walang emosyong wika ni Brix.

"ANO! SUMASAGOT KA NA!?"

Hinila nito ang damit ng walang kalaban-labang bata. Pagkatapos ay kumuha ito ng sanga ng bayabas na naka-ipit lang sa kisame.

Paulit ulit niyang hinampas ang katawan nito. Sa binti, likod, mga braso at minsan sa mukha pa. Kung sa'n sa'n na lang ito tumatama.
Sa sobrang sakit, pakiramdam niya maiihi siya. At sa sobrang hapdi, pinipikit na lang niya ang mata at tinitiis ang lahat.

"TAMA NA 'TAY!!! KUNIN MO NA LAHAT! H'WAG MO LANG SAKTAN SI BRIX!!"

Palaging si Brandon ang sumusuko at umiiyak. Di nito makayanan na makita ang kapatid na pinamamalupitan ng ama. Kaya sa huli, inabot niya din ang natitirang pera.

"Ganyan ang gusto ko masunurin."

Kinuha ni Carlos ang pera at di na nag-abalang mag-tira pa.

*bogsh

Sinukmuraan nito si Brandon. Bumagsak siya sa sahig at namilipit sa sakit.

"MGA WALANG KWENTA! TATAY NIYO AKO PINAGTATAGUAN NIYO AT PINAGDADAMUTAN!?"

Umalis ito dala ang perang pambili sana ng magkapatid ng almusal para bukas.

Hindi ito ang unang beses na saktan sila ng ama. Wala itong pinipiling oras kung mangbugbog. Hindi pa nga naghihilom ang mga pasa sa katawan nila ay madadagdagan pa ulit.

Tumayo si Brix na parang walang nangyari. Tinulungan niya ang kakambal.

"Brix. A-ayos ka lang?" Tanong ni Brandon.

"Kahit kailan ang engot mo Brandon. Paano na 'yan? Wala na naman tayong pera? Masyadong kasing malambot ang puso mo." Tugon ni Brix na parang walang iniindang sakit.

"P-pero Brix. Sinasaktan ka ni tatay! Kung di ko bibigay sa kanya baka kung mapano ka."

Napatawa si Brix at napa-iling dahil sa sinabi ng kapatid.

"Di ka pa ba sanay Brandon? Ako? Manhid na. Wala na akong maramdaman. Parang normal na palaging masakit ang katawan ko." Pinunasan nito ang luha na kanina pa niya gustong ilabas.

Tinalikuran na lang niya si Brandon upang di makita ang pag ngiwi niya dulot ng sobrang hapdi ng balat.

"Brix! Teka masyado ng gabi! Saan ka pupunta?"

Huminto si Brix at nilingon ang kapatid.

Ngumiti ito.

"Aalis ako. Matulog ka na. May pasok ka pa bukas."

Lumakad ito at di na lumingon. Nakalagay ang mga kamay nito sa bulsa habang pilit inaayos ang paglalakad sa kabila ng masakit na mga binti. Bakas dito ang mga pasa na dumudugo na sa paulit ulit na natatamaan.

Ayaw ni Brix na nagiging mahina siya. Masyado kasing iyakin ang kapatid niya kaya pinipilit niyang magpakatatag para rito. Tanging silang dalawa lang ang magkakampi at palaging nagdadamayan. At tanging sa kanya lang kakapit at hihingi ng lakas si Brandon.

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon